missing you

3.8K 95 28
                                    

A/n
Sensya na sa errors.
spread the love.


Ellie

"So Ellie sure ka na ba dyan?" Dito kami ni j sa office ko, ihahatid nya ako sa unit ko kasi wala akong dalang sasakyan.

"Oo j. Alam mo naman ang priority ko di ba?" Tumango naman sya. Inaayos ko lang ang mga gamit ko para makaalis na rin kami.

" sana naman sa gagawin mong yan matunaw na ang yelo ni Martinez. Ahaha. Matagal ka na ding nagtitiis."

"Sana nga. Inaamin ko nawalan na ko ng lakas ng loob pero nung tumawag sya at sinabing missed nya ko at mahal pa din, nabuhayan ako bigla. Imagine that."

"I'm happy for you Ellie pero alam mong hindi magiging madali gagawin mo."

"Kaya nga ako humingin ng favor kay dad and i know kaya mo naman dito. Ikaw pa ba?"

"Wag kang mag- alala ako bahala. Ayusin mo muna yang buhay mong matagal ng patay. Haha"

"Ahhaah patay talaga? Pwedeng namamahinga lang?"

"Namamahinga ka dyan. Anyways..Kailan pala ang alis mo?"

"Bukas. Ikaw talaga makakalimutin na. Maghanap ka na nga ng love life."

"Kung ang mangyayarial ay ganyan sayo? Wag na lang. Masaya na ko."

"J alam mo naman kung gaano ako naging masaya sa relationship namin ni Martinez. Un nga lang pumalpak ako.haha" kakamot kamot ako ng batok.

Nilapitan ako ni j at inakbayan. "Elizabeth, magiging ok lahat. Nagkamali ka pero pinagdisihan mo naman na yun and Mahal nyo pa pareho ang isa't isa. Tiwala lang. Hala bilisan mo na baka umiyak ka na naman. Nasasawa na ko. Haha" sya kasi ang lagi kong iniiyakan. Well, bestfriend ko sya.

"Aba grabe ka j. Pag ikaw talaga ang mainlove at nasaktan, tatawanan kita."

"Ellie, hindi yan mangyayari, tara na" kinuha nya ang dala ko at sabay na kaming lumabas ng office.

*-*-*-*

Ang sabi sa akin ni Danny, 2 weeks daw maglalagi sa laguna si Alexandra dapat daw bago matapos ang 2 weeks ay maging kami na ulit ni Alexandra. Buti na lang at andyan si Danny para malaman ko kung nasaan lagi si landi. Pero nahirapan din akong palambutin si Danny buti na lang at kalaunan ay napatawad nya ako. ang sinabi nya lang sa akin na pagsinaktan at niloko ko si alex sya na ang makakalaban ko, pero alam ko namang hindi na mangyayari ulit yung nangyari dati, hindi ko na hahayaang mangyari yun. Ang hirap eh. Nawala si Alexandra sa buhay ko. Mali.... hindi pa nawawala, maychance pa ko.

Halos 2 hours din byahe ang ko papunta dito kay landi. Nagdrive thru na ako ng bfast para sa amin. Sana lang wag nya na akong deadmahin ang sakit kaya every time na ginagawa nya yun sa akin.

"Morning mam. Maaga po kayo now ah." Sabi ni manong guard pagkapasok ko sa gate. Kilala na nila ako dito sa dalas ko ba namang puntahan.

"Oo manong para iwas traffic. Andyan na ba si ms. Martinez.?" Tiningnan ko time. Almost 9 a.m. na.

"Yes mam, kakarating lang po. "

"Salamat manong."pinaandar ko na ang kotse papuntang parking lot. Tinabihan ko ang car ni Alexandra. Iflat ko kaya gulong nito? Napailing na lang ako sa naisip ko.

Bumaba ako dala ang pagkain namin at isang pink rose. Yes pink rose fave ni landi. Derederetso ako sa office nya.

Tok. Tok. Tok

"Come in." Narinig kong sabi nya.

Huminga ako ng malalim bago pumasok.

"Sally ang aga mo naman ata. Himala hindi ka late hindi ba magpasaway si kyle?" nkatalikod si Alexandra at mukhang mayhinahanap.

I Don't Fall (Girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon