"Good morning. Nabasa ko na yung whole draft niyo." Banggit ni Ms. Salvador habang nakatingin sa akin. Hanggang ngayon di pa din ata siya nakakamove on.
"Pero madami pang kulang sa sinulat niyo. Napuntahan niyo na ba ang napili niyong hospital?" Tanong niya.
"Not yet. We're going to ask for your permission today. We're planning to go next week, after the exams. Yun na lang naman ang isisingit. The findings about it." Sagot ko naman sa kanya. Confidently beautiful with a heart. Ganern.
"Sure. Hindi niyo naman na kailangan ng go signal ko. Pero sasama ako. Saan ba yan?"
"I believe the 'go signal' is a responsibility of the adviser. Quezon Province, Ma'am."
Saglit lang naman yung meeting namin. Pero hindi pa din ako nakaiwas sa insecure glares ni Miss.
"Bea! Bea!" Tawag sa akin ng kagrupo kong si Serena.
"May saglit na break naman next week. Gusto mo, outing na din tayo? Around Quezon lang din sana."
Pumayag naman ako. That's a nice plan din, to chill out with them before parting ways on graduation.
"Macy! I missed you!" Bati ko nang nagkita kami.
"Talaga ba? Pasalubong ko?"
"Here!!" Sabay abot ng bracelet na binili ko para sa kanya.
"Thank you. I love it. Anyway, what happened in England? The conference, tito and Sir J?"
"Wala lang. Nothing special."
"Even with Sir J?"
Napatingin ako sa huli niyang tinanong. Tinaasan niya ako ng kilay at tinaas ko lang din ang akin.
Pero hindi din nagtagal kwinento ko na lang din ang nangyari. Dumating siya, iniwan niya ako. Di naman na bago iyon.
Si Macy lang ang nakakaalam na nagkaroon kami ni Jay ng relationship noon. Siya lang naman ang makkwentuhan ko sa mga ganitong bagay.
Sinabi ko rin sa kanya ang naging offer na trabaho sa akin ng SyncUK. Syempre, siya, as a psychology graduate, ang daming sinabi tungkol sana sa magiging client ko. Theories I don't understand and philosophers I am not familiar of.
"By the way, Mace. Sama ka next week? Quezon? May bahay naman kayo dun diba? Dun na lang ako magstay! Para by the beach lang!"
Nae-excite ako! Kahit na it's going to be a part of the thesis work, first time ko magsstay sa bahay nila. Wow, after many years of friendship.
"Tara, shopping tayo?"
"Is that a yes? Okay." At tinulak ko na siya papasok ng sasakyan.