"Kuya, are we there yet?" I believe that's my line, Ms. Salvador.
"Opo, ma'am. Maghihintay na lang po ako sa parking lot."
Tuloy-tuloy lang ang pagpasok ni Miss habang hinahanap ko sa bag ko ang passes. Mukhang naiwan ko pa ata. Madaming tao ang narito, mayroong meeting ang mga stockholders at isasama kami dito.
"Looking for something, Ms. Capistrano?" A familiar voice said habang hinahalungkat ko ang bag ko. It's Jay.
"What are you doing here?" Hindi mo naman maaalis sa akin ang magtaka. Siguro isa siya sa mga stockholders ng MidtownMCQ. Suot niya ang kanyang paboritong polo sa loob ng doctor's coat. He looks good in it.
"I'm accompanying you to the meeting. Nawala mo yung pass mo 'no?" Tumango na lang ako sa sinabi niya at niyaya na akong pumunta ng conference room. Sa tingin ko'y malaki-laki ang share ni Jay sa ospital dahil sa dami ng bumabati at nakikipagkamay sa kanya.
One thing I'm very thankful for having is that, I can shrug off the things I don't want to think of. I went here to gather something for our thesis paper and not be bothered by Jay's presence.
Or shall I call, President Angtuaco.
Ang dami palang pwedeng magbago sa tatlong taon. Four years ago, kakatapos lang niya ng masters degree. Three years ago, kwinekwento pa lang niya na mas interested siya on research than being in the hospital. Three years ago lang din, nang iniwan niya ako.
Ngayon even as a senior resident, he's currently tasked to take over the hospital. His mom, the president of the hospital, may sakit. All these time, akala ko, tatay niya ang doctor. Or baka doctor din naman tatay niya? Ang dami ko palang hindi alam.
"You didn't tell me." Sabi ko sa kanya habang nakangiti nang lumapit siya pagkatapos ng meeting. He flashed a faint smile as his answer. Brushing aside my question, niyaya na niya akong ikutin ang hospital.
Today, I felt like a resident, too. Sinama nila ako on doing their rounds. Dahil sa acting president si Jay, nahiyang tumanggi sa kanya ang doktor na sinasamahan sa pag-iikot sa mga pasyente. It was such a great experience.
Nang naging kaming dalawa na lang ang magkasama, hindi ko na naiwasan magtanong. "Kailan ka nag-med school?"
"When I was your professor during the second term, kakapasok ko lang noon sa med school. After the second year, nirefer ako ng LU sa Japan, doon ako nag-aral habang nagt-trabaho pa din for the university and hospital." Tumango ako pero napaisip ako sa sinabi niya. Hindi kaya, ang med school din ang reason kung bakit niya ako iniwan?
"Do you want to come in?" Tanong niya nang natapat kami sa nursery. Pero humindi na lang ako at hinayaan siyang mag-isa.
Pinangarap kong maging doctor noon, pero hindi pumasok sa isip ko ang maging pediatrician. I like kids, a lot. I look at them as angels, very fragile little angels. One mistake would be ending a blessing in an instant; a blessing that was sent for more missions in this world. I wouldn't want that.
Napangiti na lang ako nang may binuhat na baby boy si Jay, he looks so good with kids. Pero biglang lumapit si Ms. Salvador. Saan kaya nanggaling 'to? Tumingin lang din siya through the glass and waved at Jay.
"Alam mo Beatrice, I really can't think if you're a great influence or a great hindrance."