"I'm going to miss you again, achi." Biglang sabi ng kapatid ko habang nanonood kami ng movie. I decided to just, stay home for the weekend and chill. My brothers and I ended up cuddling and tickling each other.
Hindi na namin napansin ang oras at halos nakaligtaan na ang lunch. Buti na lang tinawag kami ni Nanang.
"Wow! Sarap naman nito, nang! Mamimiss ko 'to!" Niyakap ko siya nang nakita ang paborito kong sinigang sa lamesa.
"Nako naman Bea. Bakit kasi kailangan doon ka pa mag-aral." Halos naiiyak nang sabi niya. Si Nanang ang kasa-kasama namin dito sa bahay. Bata pa lang ako, kasama na namin siya kaya naiintindihan ko din naman na malulungkot siya.
"Sayang din kasi yun, nang. Discounted naman na, at tsaka ilang taon lang naman. Mabilis lang yun."
"O siya, sige na. Kumain na muna kayo dyan. Alam ko namang sa umpisa lang 'tong pagkamiss namin sa'yo kasi madalas ka naman tumawag."
Tinulungan kong maghugas ng mga plato si nanang at hinayaan na lang maglaro sa sala ang mga kapatid ko.
"Ikaw Beatrice ha, wag ka muna magaasawa. Masyado ka pang bata."
"Oo na po, hindi pa ako marunong magluto, maglaba at magplantsa kaya hindi pa pwede." Yan kasi ang lagi niyang sinasabi kaya natawa siya noong inunahan ko na siya.
"Seryoso ako, Bea. Mabait na kaibigan ang hanapin mo. Wag ka muna maghahanap ng gwapo doon. Pero kung iyong One Direction yan, ay sige na."
"May nahanap na po ako, 'nang. Mabait yun, andito pa siya sa Pilipinas ngayon, siguro dalawang buwan pa bago siya bumalik ng England."
"Siguraduhin mo lang ha, kapag 'yan naging boypren mo."
"Like, you're going to do something about it." Natapos kaming maglinis ni Nanang habang nagtatalo. Friendly banter I'm surely going to miss.
"I'll get it!" Sigaw ng kapatid ko nang mayroong nag-doorbell. "Achi, come over here!" Talaga naman, magbubukas na nga lang ng gate kailangan pang ipasa sa akin.
"Oh." Yan lang ang nasabi ko nang nakita ko kung sino ang nasa gate.
"Hindi ko kasi sure if siya ba si Kuya Jay that's why I didn't let him in."
"It's okay, it's okay. Tara pasok." Gumawa ako ng tea pagkabalik sa loob ng bahay. Noong natapos na ako, nakita kong nagkakapalagayan na ng loob ang mga lalaki. Pinalaro nila ng XBox si Jay which is very unusual for them. "Here's some tea."
"Ew."
"Does it come with milk?"
"Thanks."
Sabay sabay nilang sinabi at naglaro na ulit.
"What brings you here, Jay?"
"Ah, wala lang. Binibisita lang kita. Masama ba?" Pinakita nanaman niya sa akin ang pang-asar na ngiti niya. Naalala ko nga pala ang sinabi niya noon na imemeet niya itong mga kapatid ko.
Hindi ko talaga magets yung laro nilang Minecraft. Parang ang weird lang kasi na you're building things then destroying it. Kung sana FIFA or Tekken na lang 'yang nilalaro nila, edi masaya pa ako.
"You should play with us more next time, kuya." Sabi ng bunso kong kapatid. "Sana you will still visit us even though achi will be leaving."
Napatingin si Jay sa akin na parang tinatanong kung ano ang sinabi ng kapatid ko. "I'm going back to England. I might stay there for two to six years, it really depends."
"Pursuing MBA in there?"
"For the first two years, yes. I've got a lot to prove."
"That's good." He sounded like the Sir J I met. Nagpatuloy lang silang maglaro ng ilang oras. Noong natapos sila, doon ko lang narealize na ang mga bata talaga ang pinunta niya dito.
"You still owe me half of our tour in London." Niyakap niya ako at lumabas na siya ng bahay.