It's been months since I took up the board exam. And as a gift for myself, I'm here in Bohol! Last week lang, I was with my family and friends sa Cebu. I wanted to be away from the city for awhile kaya I decided to be here. Pero truth be told, andito kasi trabaho ko.
Not work actually. I'm going to be working for a charity. Parang nstp lang. The call I received from Ms. Stephanie months ago was about this. Yung alaga niya eh mayroon palang sinalihan na charity na magiging ka join force din ng grupo ko in the end.
Andito na din pala sa Pilipinas si Mr. James Davidson, halos magi-isang taon na. It just didn't make a buzz kasi hindi pa siya masyadong kilala dito. I was too caught up with graduating and board exams kaya halos nakalimutan ko na 'to. Ni hindi ko na nga nasearch kung ano ang itsura niya. Gwapo kaya?
Dumiretso na ako sa center dahil wala pa naman ako ibang gagawin. Iba talaga ang vibes dito sa probinsya. Kahit na mainit, parang ang light pa din ng feeling. Less stress. Mga ilang minuto na din ang nakalipas nang may isang van na dumating.
Puro mga foreigner ang bumaba mula sa van. Andito na kaya siya? Sino siya sa mga 'to? Dumiretso na sila sa kanya kanyang assigned station. Hindi ko pa din siya makita. Paano ba naman, tatlo James sa kanila!
Naghiwa-hiwalay ang tatlong James at ang isa ay napunta sa station ko. "Hello, Beatrice?" He said with a hesitation on his voice, like my name is that hard to pronounce.
"Hello, James 3?" Natawa siya sa sinabi ko, binasa ko lang naman ang nasa name tag niya. Siya ang pangatlong James at binanggit niya ang buong pangalan niya. Basta ang alam ko, hindi siya si Davidson.
Kailangan ko pa atang dumaan sa dalawa pang James para makilala si Davidson.
May dalawa pang batch ng mga volunteers ang dumating. Pagkatapos ng ilang oras ay nakapagpahinga na din ako ng saglit. Lumapit sa akin si James 3 at tinanong kung marunong ba akong mag first-aid. Tinuro niya sa akin si James 2 na nagkaroon ng sugat sa talampakan.
Lumapit ako kay James 2 at tinanong anong nangyari. "Are you a doctor?" Tanong niya sa akin.
"Nope. But I don't have to be a doctor to give you first-aid. You've got a splinter of wood on your sole." Parang wala pa din siyang balak na ipagalaw sa akin ang splinter niya. Hahatakin lang naman 'yan!
"Do you want me to remove it Mr. James 2? I don't think no one in both of our group are doctors." I smiled at him para maconvince din naman.
Medyo inilapit na niya ang paa niya sa akin. I took it as a sign kaya sinimulan ko nang tanggalin ang splinter. Madami ang lumabas na dugo than I expected dahil medyo malalim ang splinter. Pero the bleeding stopped din naman.
"Thanks Beatrice." Banggit ni James 2 nang nagpapacking up na kami.
"No problem, just be sure to have it checked up. The group of medical volunteers will arrive later. I'm not a doctor so you're still quite in danger, James 2."
He gave me a chuckle and offered a handshake. "I'm James Davidson. You can call me James, but since there are three of us, you can just call me D. Davidson is a little too long." I accepted the handshake and waved him good bye.
"See you tomorrow, D."