12

59 2 0
                                    

"Serena, mag-enjoy ka naman! Ikaw nag-aya dito tapos magmumukmok ka dyan!" Sigaw ni Macy nang nakitang nakatutok sa laptop si Serena.


"Hay nako, Macy. Hayaan mo yan." Sagot naman ni Sophia. "Masyado kasing nag-eenjoy. Hindi na inaalala yung reason kung bakit talaga siya andito. Sana kung solo project niya 'to eh."


"Hayaan niyo na lang. She'll finish that naman. We have enough time. Just chill out." Nakakainis naman talaga kapag biglang nawala yung kagrupo mo on a group project for some napakababaw na reason. But atleast, she's here. There's no point in adding some inis to Sophia's, mas lalala lang lalo.


We're sitting on the loungers of the open cafè dito sa katabing resort. Kami na lang ni Serena ang naiwan dahil nagswimming na sila Sophia at Macy. Si Ms. Salvador, hindi ko alam kung nasaan.


"Bea, thank you ha. Sorry din pala ulit." Ngumiti lang ako kay Serena. "Pabalik na sana kasi ako ng kwarto kagabi, kaso may mga nag-tilian. A drunk guy was singing sa bar kagabi." Turo naman niya sa bar sa di naman kalayuan. "Lumapit naman ako, to find out, it's my idol. Hindi ko na pinalampas. I stayed. He was too drunk, singing almost all his songs."


Kitang kita ko sa mata niya na masaya siya sa nangyari kagabi. Ang nabanggit sa akin ni Sophia ay umattend lang ng gig si Serena kagabi. And I may have called her reason mababaw earlier, but for a fangirl, it is not just that. "It's okay, I understand." Sabi ko sa kanya para naman kahit papano ay gumaan gaan ang pakiramdam.


"Sino nga pala 'yung pinanood mo kagabi?" Pahabol na tanong ko naman sa kanya.


"Hindi mo siya kilala eh. Hindi pa kasi siya masyado sikat." Tumango lang ako sa sinabi niya, tama nga naman na hindi na niya sinabi. I'm not going to research whoever that is, anyway.


The sun is too hot it makes me don't want to swim. Sensitive ang balat ko kaya medyo naghintay muna ako ng ilang oras. Alas kwatro na ng hapon nang napagdesisyunan kong magbihis na ng panligo. Bumalik ako sa bahay nila Macy na katabi lang naman ng resort at kumuha ng ilang pamalit. Pero kung hindi ka nga naman inaasar ng tadhana...


"Oh, hi Elle!" Bati ni Jay sa akin. Kasama niya si Ms. Salvador na halos lumagpas na sa original count ang stressed muscles because of frowning. "Sino kasama mo dito?" Tanong naman ni Jay.


"Ah, sila Serena. Kumuha lang ako ng gamit at babalik na sa lounger." Lumingon naman sila at kumaway si Jay kay Serena. Mabait na professor din kasi ito, kaya close sa mga estudyante.


"Sige Elle ha, una na kami. Bibyahe pa kami pabalik ng Manila. Hinahanap na kasi ng tatay niya itong si Gen." Kahit si Jay, ay hindi nakaiwas sa deadly glares ni Miss. Bumeso muna si Jay sa akin bago sila tuluyang umalis. Close pa din pala talaga sila 'no?


"Saan pupunta si Ms. Salvador?" Tanong ni Serena habang naglalagay ng sunblock. Natapos na din niya ang gawain niya. Sinabi ko lang ang sinabi ni Jay at medyo natawa naman si Serena. Siguro kasi, a thirty year old woman, being looked for by his dad. Nauna pa sa dagat si Serena kaysa sa akin.


Hi Miss Grazielle! This is Ms. Stephanie. Please call me when you're not busy. Halos nakalimutan ko nang may 'mission' pa nga pala ako. As soon as I have read the mesage, tinawagan ko kaagad ito.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon