"Are we there yet?" Tanong ko nang nagising ako, halos nagrarakrakan na kasi sila.
Sumama ako sa kotse nila Macy, ayoko sumama sa kabilang sasakyan. Hindi naman sa ayoko sila kasama, yung isa lang. I don't want to hear her become so nosy this early.
"We're 10 minutes away na lang. Nasa hotel na yata sila Serena. Anong oras daw ba kayo magkikita-kita?"
I just shrugged. I'm still taking in the view of the beautiful sunset. Mga ilang oras ang nakalipas pagkarating namin sa bahay nila Macy nang mayroong unknown number na tumawag sa akin.
"Good morning. Is this Miss Capistrano?"
"Yes, I am. Who is this?"
"I'm the manager of Midtown Medical Centre - Quezon. Tanong ko lang po, kailan po kayo pupunta? What time po?"
"Mamaya po, bandang mga 4 PM pupunta yung ibang members ng team, just to observe lang naman. No need for assistance."
"Sige po. Pakisabi na lang na may maghihintay sa valet for the passes and andun na rin yung schedule for the next two days."
Nag-offer sila Serena at Sophia na sila na lang ang pupunta mamaya. Sumama na din sa kanila si Ms. Salvador.
Nagpunta kami sa isang restaurant near the beach. Macy said it's one of the uncrowded places dito pero may masarap na food. Tama naman siya. Feeling ko naka dalawang plato na ata ako.
"Can I have more?" I groaned as I have finished up my last dessert.
"Sophia, look oh. This is so not Beatrice. Hahaha! Are you stressed?" Tanong naman ni Serena.
"Hay nako Bea. Just eat if you please. By the way, eto na yung schedule mo bukas and your pass."
"Wait, Sophia. What do you mean 'schedule mo'?"
"Ay, hindi ba namin nasabi? Mauuna na kami ni Serena bukas sa resort."
"Eh si Miss?" Nagkatinginan sila ni Serena sa tinanong ko.
"Papaiwan daw muna siya eh. Sasamahan ka daw niya."
Ano ba ang ginawa kong masama? Why do I have to be with her. Ang annoying naman. Umalis na silang lahat at lumipat naman ako ng cafe malapit sa bahay nila Macy. Di na ako nabusog-busog.
"Choco Macchiato for Bea." Abot sa akin ng barista at luminga-linga ako para tumingin ng magandang pwesto. I went to the terrace kung saan medyo tanaw mo ang mga bundok.
"Nan, what's pinagong?" That guy caught my senses. He got this accent that made me miss London.
He's with his, I suppose, grand mother ordering some by the cashier. Ang cute nila tignan. "It's just, bread. You should try it." Sagot naman ng Lola niya.
Hindi ko din naman napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kanila. Ngumiti sa akin ang Lola nang umupo sila sa katabi kong table. Nakatingin sa akin ang lalaki na parang ineeksamina ang aking mukha.
"Have we met?" Tanong naman niya.
Bago pa man ako makasagot ay nakatanggap ako ng text galing kay Macy that I have to call her. "Excuse me." Ngumiti ako sa kanila at lumabas na ng cafe.