Hi guys, I'm Raven Fuentanilla, 17 years of age. A grade 11 student. Kasalukuyan po akong naghihintay ng tricycle. Yes po, tricycle hindi po kasi uso yung mga jeep dito eh. Nasa probinsya lang po kasi kami nakatira. Pupunta pa po ako ng school namin which is the Triste Academy. Weird po noh? Sabi-sabi nila French yung may-ari ng Academy kaya yung name ng school namin eh from French word. Yung meaning ng Triste eh hindi ko pa alam. I-consult ko nalang kay google mamaya xD.
Eto na, may sasakyan nang paparating. Pumara na ako at napili kong sumakay sa likod. Nilingon ko yung katabi ko, one word, WOW! Ang ganda niya super! May mahabang buhok, mahabang pilik mata, dark brown eyes, matangos na ilong, mapupulang labi, makinis at maputing balat. Nakasuot siya ng white polo shirt at blue jeans with matching 2 ½ yata na heels. In short ang ganda niya, ni wala pa siyang make up nyan ha? Ang simple niya pero bat ang ganda niya? Napansin niya yatang natulala ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at saka niya binalik ang tingin sa daan. Nahiya naman ako sa inasal ko kaya umiwas ako ng tingin. Makalipas ang sampung minuto huminto kami sa simbahan at bumaba na siya. Sinundan ko siya nang tingin. Ang ganda niya talaga. Admire lang to ah, hindi to love. I don't believe in such things. Hindi ko namalayang hindi pala umaandar yung tricycle na sinasakyan ko dahil sa katitingin dun sa babaeng nakapasok na ng simbahan. Nilingon ko si Manong Driver at ayon nakangiti lang sa akin. Hindi ako manhid. Alam ko ang iniisip ni manong.
"Manong bat di pa tayo umaalis?"
Ngumiti lang si manong sa akin tsaka pinagpatuloy ang pagmamaneho. Ang weird ni manong ah, ano kayang nakain nito?
Sa wakas ay nakarating na din sa school. Bumaba na ako at binigay ko na yung pamasahe ko. Hindi pa ako nakakahakbang nang may sinabi sa akin si manong.
"Mag-ingat ka iho, kahit anong tanggi at pigil mo sa pag-ibig ay di mo pa rin ito mapipigilan, ano man ang gawin mo. Sayang nga lang. Yung alam mong kayo na ang para sa isa't isa ngunit tadhana ay sadyang kokontra. Sige na iho, mauna na ako."
Ang weird talaga. Ano bang nangyari dun kay Manong Driver. Tsk. Makapasok na nga lang.

BINABASA MO ANG
Limitless
Teen FictionRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...