Chapter 6

10 2 0
                                    

Raven's POV

Gabi- gabi kong iniisip ang mga binitawang salita ni Manong Driver. Pati na rin ang mga sinabi NIYA sa akin. Paulit-ulit kong naririnig at bumabalik sa isip ko, kung paano siya magpasalamat at ang mukha niyang mukhang namamaalam na sana ay taliwas sa mga naiisip ko. Ayoko munang sumakay sa mga tricycle kasi takot akong makita at makasabay siya. Ayoko mang isipin pero sa mga binitawan niyang salita parang hindi niya maipapangakong hindi niya ako masasaktan. Kaya ngayon sa driver muna ako nagpapahatid. Ilang araw na rin akong ganito. Maaaring nagtataka na siya kung bakit di na kami nagkakasabay. Naguguilty ako dahil ako pa yata yung hindi tumutupad sa pangakong hindi ko siya iiwan. Kaya ngayong araw napagpasiyahan kong sumakay ulit ng tricycle.

As usual nakasabay ko na naman siya. This time malungkot siya. Kitang-kita sa mukha niya. Maputla pa rin siya. Ano bang dahilan ng pamumutla niya? Huwag niyang sabihing hinabol na naman siya ng aso?

Habang nakasakay kami ay panakaw- nakaw kong tinitingnan siya. Nakakapanibago ang pagiging tahimik niya, di ako sanay. Di ko mapigilang di siya kausapin. At yun di ko na nga kinaya kaya ako na ang kumausap sa kanya.

"Hey, uhm.. galit ka ba sa akin?"

Hindi ko inaasahan ang pagngiti niya sa akin. Akala ko galit siya ngunit umiling lang siya.

"Nope. Hindi ako galit sayo Raven. Naiintindihan naman kita."

"Eh bakit ang lungkot mo nang makita ako?"

"Iba ang galit sa lungkot Raven. Yes, I admit, medyo nalungkot ako dahil hindi na kita nakakasabay. Alam ko rin naman kung bakit umiiwas ka. Kailangan mo ng time para mag-isip-isip. Alam ko rin namang may kinalaman yung mga sinabi ko sa pag-iwas mo. Kaya, I'm sorry. I'm sorry for making you worry. Please don't avoid me, cause I can't bear the thought of living without you. Just forget everything I have said. If yun ang tanging paraan para di mo ako iwasan. Please Raven..Please..?"

Kitang- kita ko ang lungkot sa mata niya. I'm so stupid. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya.

"Sorry. Sorry kung umiwas ako. Aaminin ko medyo nagalit at nagtampo ako sayo dahil sa mga sinabi mo, but that is past, let's just forget it. Hindi na ako galit ngayon. Tama ka.  I just needed some space to think but I'll never leave you. That's a promise."

"Thank you Raven. Thank you for making a promise, and I'm sorry. I'm sorry if I can't do the same. Please don't be mad. Please und----"

I shut her up by pressing my index finger to her lips.

"Shhh... Naiintindihan kita. Wag kang mag-alala. I trust you." I sincerely said.

"Thank you Raven. Thank you for everything. I'll just go ahead. Bye."

Bumaba na siya. This time sa lugar na di ko inaasahan. Sa unti- unting pagtagal ng aming pagkakilala ay mas lalong nagiging misteryoso siya. Bakit siya pupunta sa ganitong lugar? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? May hindi pa ba ako alam bukod sa pangalan niya? Hindi naglaon ay nakarating na rin ako sa patutunguhan ko. At eto na naman si manong sa mga kataga niyang di na yata mawawala.

" Hanggang maaga ay dapat maging handa ka na dahil baka bukas o makalawa yung pinakakaingatan mo biglang nalang maglaho at mawala." Malungkot na sabi ni manong.

"Po?"

"Iho, sana sa pagdating ng tamang panahon ay makaya mo. Sana lang. Sana."

At yun umalis na si Manong Driver.

Hindi ko maintindihan ngunit bakit?

Bakit bigla akong kinabahan?

A/N

Haloos my dear readers :) Ano kaya yung pinuntahan ni Ms. Gomez? Bakit gulat na gulat si Raven? At sino nga ba talaga itong si Manong Driver na walang kakupas-kupas sa mga kataga niya? Malalaman natin yan sa mga susunod na chapters kaya stay tuned lang kayo ah. Feel free to comment and vote ;) Basahin niyo rin yung Secret Feelings Ongoing po yun, baka magustuhan niyo lang. Till next update mga kareaders ^_^

<33Cya

LimitlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon