Teka Lang.
Tama!
Sila.
Sila yun!Bakit ko nakalimutan.
Ako....
Si Sha..
Si Dash..
At si Ken.Si Ray-ray. Ako si Ray-ray. Si Sha ay si Ash.
Tandang-tanda ko pa bakit naging ganun na lamang ang aming tawagan."Hey Raven! Can I call you Ray-ray? " Tanong ni Ash.
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.
"Ang sagwa ng Raven eh. Ano ka ibon?" Natatawang sabi ni Ash.
"Ouch ha?! " Umakto naman ang batang ako na parang nasaktan sa sinabi ng batang si Ash.
"Oa mo ha. Gusto ko lang Ray-ray para cute." Tuwang-tuwa na sabi ni Ash.
"Ayoko. Nagmukha akong aso nun. " Iritang sabi ng batang ako.
"Ehh.. Sige na Raven. Ray-ray na lang. Please." nagpuppy eyes pa siya sa harap ng batang ako.
"Tss. Sige na nga. Pero hindi na rin Ash ang tawag ko sayo kundi Sha. "
"Bakit naman? Para cute rin? "
Kulang na lang magtwinkle ang mata ng batang si Ash.
"Hindi! Panlalake kasi yung Ash eh. Nagmumukha kang tomboy. " Humagalpak sa katatawa ang batang ako.
Umiling-iling na lang ako ng malaman kong ganito pala ako kapilyo noon.
"Raven! " Inis na sigaw ni Sha at naghabulan na ang dalawa.
Ngayon unti ko nang naaalala . Kapatid ni Ash si Ken at pinsan niya si Dash. Magkakabarkada kami noon.
Hindi ko alam pero biglang nag bago ang pangyayari. Akala ko tapos na. Biglang nagdilim ang paligid. Wala akong maaninag na kahit na anong liwanag. Hindi nagtagal ay may sumibol na liwanag sa bandang unahan. Palapit ito nang palapit hanggang sa maaninag ko kung ano yun. Laking gulat ko nang mapagtantong hindi pala ano yun kung hindi sino?!
Agad kong nakita ang napakaamong mukha ni Ash. Ang mukhang napakaganda. Ang mukhang walang iniinda. Ang mukhang inibig ko. Kaya pala naging madali sa akin ang mahulog sa katulad ni Ash dahil noon pa man gusto ko na siya.
Biglang ngumiti ang malaki ng si Ash sa akin. Umaapaw ang kanyang kagandahan sa suot niyang bestida, kulay puti ang ibabaw ng kanyang bestida at kulay light pink na katulad na katulad sa isang rosas ang bandang laylayan.Sumilay ang ngiti sa aking mukha. Hindi makapaniwalang makikita ko si Ash pagkatapos ng nangyari.
"Raven." Parang musika sa aking mga tenga ang pagsambit niya sa aking pangalan.
Gusto ko mang tugonan ang pagtawag niya sa aking pangalan ay hindi ko magawa. Tanging ngiti na puno na galak lang ang tanging naisagot ko.
"Thank you. Thank you for everything. Sorry for not fulfilling my promise..
Our promise... "Hindi ko alam kong bakit pero unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. Nanakit ang aking mga mata at walang anu-ano'y bumuhos ang aking mga luha.
Lumapit si Ash sa akin. Malumanay na hinawakan ang aking pisngi. Ngumiti siya dahilan upang mapapikit ako sa sakit, sa tuwa, sa kaba.Dama ko ang presensya na kanyang mukha sa gilid ng aking tenga.
"Raven... Always..Remember.. That I'm always beside you.. "
"I..Love.. You.. Raven.. Good bye.."
Bulong ni Ash at tsaka ko naramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa aking labi.
Sa muling pagbukas ng aking mata ay wala na siya at ang tanging narinig ko na lang ay...
"I'll keep you in my heart..Always.. "
Unting nagdilim ang paligid hanggang kinain na ng dilim ang lahat.
"Ash! "

BINABASA MO ANG
Limitless
Teen FictionRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...