Chapter 7

6 2 0
                                    

Raven's POV

Dahil sa pagiging misteryoso niya ay napagdesisyonan kong sundan siya sa patutunguhan niya. Litong-lito na ako. Gusto kong maging malinaw ang lahat ng ibig sabihin nila sa akin. Dapat ay maging handa ako sa mga malalaman ko. Hindi ko dapat pagsisihan ang desisyon kong ito. Hinihintay ko nalang ang pagdating nila. Di rin naman nagtagal ay dumating na sila. Sumakay na ako at pinilit kong di ipahalata ang balak kong sundan siya.

"Hi!" Bati ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin.

"Uhm, bat lumalala yata yang pamumutla mo? Ang tamlay mo yata ngayon ah?" Hindi na ako mapakali kaya nagtanong na ako.

"I'm w----. No, hindi mo dapat.... Never mind. I'm fine. Don't worry." Nagdadalawang isip na sabi niya.

"Sure ka ba talagang okay ka ha? Basi kasi sa mga nakikita ko hindi eh. Ano ba talagang nangyayari sayo?!" May halong galit na tanong ko.

"Raven, please don't be mad at me. May mga bagay talagang hindi natin pweding malaman. Akala ko ba maiintindihan mo? Hindi mo na ba kaya Raven? Kasi if hindi na......

Pahinang-pahina yung pagsasalita niya.

..I'm letting you go while it's too early. Before..."

Pinutol niya yung sinabi niya.

"Before, what huh?!"

Ano na namang kalokohan to?!

"Raven......" Mahinang sabi niya.

"I....

I need to go."

Bumaba na siya sa tricycle at pumasok sa......

simbahan?

Ano na naman ang gagawin niya rito?

"Dito nalang ako manong."

"Iho, wag kang magpadalos-dalos. Hindi dapat pilitin ang mga bagay na hindi pa nararapat malaman. Mag-isip ka muna bago ipagpatuloy ang iyong gagawin. Baka sa pagiging madalos mo ay maging dahilan niya para lumayo sayo."

Ayan na naman si manong. Haayy kung alam ko lang sana ang ibig niyang sabihin.

"Okay lang manong. Alam ko ang ginagawa ko. Hinding-hindi ko
pagsisisihan ang magiging desisyon ko. Mauna na po ako."

Inihakbang ko na ang mga paa ko patungo sa simbahan. Huminto ako sa tapat ng simbahan.

Ano ba talaga ang nangyayari sayo? Magmamadre ka ba? Pangalawang pagkakataon ko nang nakita siyang pumunta rito. Why are you so mysterious? Bakit ang dami mong  tinatagong sekreto?

"Sana maging handa ako sa mga malalaman ko." Mahinahon kong sabi sa sarili ko.

Pumasok na ako sa simbahan, nakita ko siyang nakaupo sa unahan. Pinuntahan ko siya ngunit di ko siya nilapitan. Napili kong umupo sa likod niya. Bigla siyang lumuhod kaya lumuhod na rin ako. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin niya, kahit na masaktan pa ako. Pinagdaop niya ang kanyang palad at nagsimulang pumikit. Nagsimula na siyang magdasal.

"Papa God, alam ko pong mahal niyo po ako. Salamat po sa mga panahong ibinigay niyo sa akin. Salamat din po dahil tinupad niyo po ang isa sa mga hiling ko. Salamat din po dahil sa maiksing panahon na magkasama kami ay naging masaya ako. Sana palagi niyo po siyang babantayan. Huwag niyo po siyang pababayaan. Sana ay tulungan niyo po siyang kayanin ang mga pagsubok na darating sa buhay niya. Pakamusta nalang din po pala ako kay Papa. Pakisabi pong mahal na mahal ko siya at miss na miss ko na siya. Hindi ko gusto ang mangyayari sa totoo lang po pero wala naman akong magagawa eh. Salamat po sa lahat-lahat. Salamat at binigay mo siya sa akin kahit sa asdfghjk..."

Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil pabulong nalang niya itong sinabi. Akmang tatayo na siya kaya bigla akong tumakbo. Ayokong makita niya ako dahil malamang malalaman niyang sinusundan ko siya. Hindi pa ako naliliwanagan. Hindi ko pa rin naiintindihan at hindi pa rin nasasagot ang mga katanungan sa isip ko. Nalilito pa rin ako.

Nagtago ako sa isang sulok. Sinundan ko siya ng tingin. Lumabas na siya ng simbahan kaya sinundan ko siya. Hindi pwedeng matapos ang araw na ito nang hindi ko nalalaman ang katotohanan. I need to know the truth. I really need to. Patuloy siyang naglakad at biglang pumara ng sasakyan. Nang makaalis na sila ay agad-agad din akong pumara ng sasakyan at pinasundan ng sasakyan niya. Di naglaon ay nakarating kami sa..... sementeryo?

Anong ginagawa niya rito?

A/N

Chapter 7 finally done! ^_^ Ano kayang gagawin ni Ms. Gomez sa sementeryo? Curious ba kayo mga kareaders? Just stay tune and find out for yourselves in the next chapters ;) Feel free to comment and vote!!

<33 Cya

LimitlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon