Gulat na gulat ako sa aking nakita.
Totoo ba to?
Mali na naman ang aking akala. Parati na lang ba?
Oo, isang 16 years old na dalaga ang pumasok. Naka uniporme ito. Pupunta yata siya ng school. Ako? Hmmnn, ayoko muna. Absent siguro muna ako, sasabihan ko na lang ang aking mga guro sa dahilan ng aking pagliban sa darating na Lunes. Biyernes na din naman kasi ngayon eh.
Naputol ang aking pagmuni-muni ng biglang nagsalita si Tito Rick.
"Si Dash anak ko. " Pagpapakilala ni Tito Rick sa kanyang anak.
Hindi siya si Ash. Si Dash siya na anak ni Tito Rick.
Sinikap kong ngumiti ng totoo pero sa huli nabigo ako. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa aking mukha. Hindi ko pa kayang matuwa. Hindi pa sa ngayon.
"Hi! I'm Dash, Dashlyn Lopez, 16. Nice to meet you. " Ngiting-ngiti itong bumati sa akin.
"Raven, Raven Fuentanilla. " Ang tanging naisagot ko sa kanya.
"Raven? " Nagtatakang naisatinig nito matapos kong magpakilala.
Bakit? Anong alam mo tungkol sa akin? May alam ka ba?
Nais kong itanong lahat ng yan sa kanya pero wala akong ibang nagawa kung hindi ang magtaka.
"Oh my gosh! I can't believe this! Raven, is that really you?! Hindi kita nakilala agad. Kaya pala tu-------. " Hindi na niya nagawang tapusin ang sinasabi dahil sa biglang pagbusina ng school bus.
*Beep* *Beep*
"Anak nandiyan na ang school bus mahuhuli ka na. "
"Aish, sige na nga. Bye dad, bye Raven. It's nice to see you again Raven, I missed you. "
Yun ang mga salitang binitawan niya bago siya umalis.
Kilala niya na ako? Sino ba siya? Kilala ko rin ba siya? Bakit pakiramdam ko matagal na kaming magkakakilala?Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko pero niisa sa mga yon ay hindi ko mahanapan ng sagot.
"Kilala po ba ako ng anak niyo, Tito Rick? " Pagbabasag ko sa katahimikang ilang minuto ring namutawi sa pagitan naming dalawa.
"Naku, wag mo nang pansinin ang batang yun at medyo may pagkabaliw pag nakakita ng isang gwapong binatang katulad mo. " Natatawang sabi ni Tito Rick.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa sagot na ibinigay sa akin ni Tito Rick. Bagaman ay ginugulo pa rin ako ng mga tanong sa isip ko na para bang isang malalang sakit na pilit hinahanap ang tanging lunas na makapagpapagaling dito, pero isinantabi ko muna ang mga ito.
Isang tipid na ngiti lang ang tanging naisagot ko kay Tito Rick. Nagpatuloy na rin kami sa aming pagkain. Pagkatapos at pagkatapos din ay agad akong nagpaalam sa kanya.
"Uhm, Tito Rick, kailangan ko na pong umalis at baka nag-aalala na po yung kapatid ko doon eh. Salamat po ng marami sa pansamantalang pag-alaga sa akin at pati na rin po sa pagpapatuloy at pagpapakain niyo po sa akin. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo. " Buong tapat na pasasalamat na sabi ko kay Tito Rick.
"Walang anuman iho, basta ikaw. " Makahulugan ang pagkakasabi nito.
"Po? "
"Wala, sige na umalis ka na. Baka nag-aalala na sa iyo ang iyong kapatid. "
"Oo nga pala, sige po. Mauna na po ako. Salamat po ulit. "
Kumaway na ako kay Tito Rick at lumabas na. Magpapahinga na siguro muna ako. Kakaibang mga kaganapan din ang napagdaanan ko sa mga nagdaang araw.

BINABASA MO ANG
Limitless
Novela JuvenilRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...