(After 1 month)
Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung nakita ko yung magandang babaeng yun. Sa mga panahong naghintay ako ng tricycle lihim kong pinapangarap na makasabay ko siya ulit. Crush ko na yata siya. Take note, siya palang yung kauna-unahang crush ko sa buong buhay ko. Sa school ko kasi ay hindi gaanong marami yung mga kaibigan ko, although marami ang gustong makipagkaibigan sa akin. Kilala kasi ako sa amin bilang top 1, mayaman, cool, mabait at hindi sa nagmamayabang ay gwapo. Kaya sabi-sabi nila dream boy daw ako ng mga kababaehan. Wala naman akong pakialam dun dahil para sa akin I'm just a normal boy. Focus din kasi ako sa pag-aaral kaya wala akong time sa love life sadyang life lang talaga. Not until now..
Kasalukuyan akong naghihintay ng tricycle, hinihiling na makasabay ko siya ulit. Sa kasamaang palad, hindi. Oo, hindi ko siya nakasabay ngunit,
si Manong Driver familiar sa akin. Saan ko nga ba siya nakita? Isip- isip Raven ang tali-talino mo tas nabobobo kana? Hays, saan nga ba yun?
"Nagkita ulit tayo iho, tadhana nga naman."
"Teka manong, saan nga po ba tayo nagkita? At saka, ano po ba yang pinagsasabi niyo? Di ko gets."
"Iho, ako yung driver na naghatid sayo sa paaralan niyo noon. Nung panahon na nakasabay mo yung magandang babae. At saka iho, wag mo masyadong isipin yung mga sinasabi ko. Hindi isip ang makakasagot niyan kundi puso."
Tumango na lang ako. Hindi ko makaya ang kaweirdohan ni manong. Hindi ko napansin yung pag-iba ng direksyon namin.
"Eh manong? Saan tayo patungo?"
"Sa matagal mo nang hinihintay."
Hindi ko parin gets si manong. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin. Mabuti pang makinig nalang ako ng music. Nilagay ko na yung earphone sa tenga ko. Pumikit na muna ako. Ilang sandali pa ay huminto kami. Hindi na ako nag-abalang imulat ang mata ko. Alam ko na kung bakit nag-iba yung direksyon namin. Dahil yun sa may kinuha si manong.
Amoy na amoy ko yung perfume nung sumakay sa tabi ko. Babae siya at kilalang-kilala ko yung amoy niya. Minulat ko yung mata ko at lumingon. Nakita ko siya, yung hinihintay na makita ng mga mata ko. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako. Tumingin siya sa akin at ngumiti din. Tsk. Nakakahiya yung ginawa ko, kaya umiwas ako ng tingin.
"Di mo na kailangang umiwas, nahuli ko na eh." Nakangiti niyang sabi.
"Sorry, I know it's rude." Nahihiyang kong sabi sa kanya.
"Okay lang, natutuwa nga ako sayo eh. You have that aura na alam kong komportable at safe ako kapag kasama kita." Malumanay niyang sabi habang nakangiti.
"Thanks for the compliment?" Natatawa kong sabi.
"I know this is kinda weird, but can I know your name? Kahit bago pa lang tayong magkakilala, para naman kahit papano eh hindi ka stranger di ba?" Sabi niya.
"Yeah, sure. I'm Raven Fuentanilla, 17 years of age and I'm studying at Triste Academy. Ikaw , can I know your name?" I sincerely said.
"In the right time Raven. For now, all I can say is.. Hi! I'm 16 years old. Sige una nako."
At yun umalis na siya. Hindi ko nga namalayang huminto na kami eh. Huminto kami sa tapat ng sementeryo. Anong gagawin niya rito?

BINABASA MO ANG
Limitless
Teen FictionRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...