Chapter 18

5 0 0
                                    

Raven's POV

keychain?

Don't tell me....

Parang gumuho ang mundo ko sa naiisip ko. No, no it can't be!

Hindi totoo ang iniisip ko. Siguro napapraning lang ako. Calm down Raven, calm down. Sunod kong kinuha ang sulat. Ang sulat ni Ash. Naluluha man ay binuksan ko pa rin ito.

To Raven/Ray-ray :

Hi Raven! Siguro nagtataka ka kung bakit ray-ray ang nakasulat sa itaas. Hindi mo siguro naalala pero alam kong maaalala mo rin yun sa tamang panahon. Alam mo bang crush na kita simula pa noong mga bata pa lamang tayo? Silly right? Sana maalala mo pa ako na si Sha at ikaw na si ray-ray ko. Naaalala mo pa ba yung pinky promise natin noon. Sinabi kong babalik ako diba? Ray-ray bumalik ako.. Ang saya ko nga eh dahil nakita na kita ulit. Buong akala ko maaalala mo pa ako, pero hindi. Nagkamali ako. Walong taong gulang pa lang ako noong umalis kami at twelve years old na ako nang bumalik dito sa Pinas. Nabalitaan ko naaksidente kayo. Alam mo bang kinabahan ako dahil akala ko iiwanan mo na ako. Naging masaya ako dahil nakaligtas ka pero di pa rin mawala-wala ang lungkot ko dahil alam kong masakit mawala yung pinakamamahal mo sa buhay. Nakaligtas ka nga, kinalimutan mo naman ako. Pero di bale nang di mo na ako makilala basta't ligtas ka lang okay na ako. Sabi ni Mama baka pilit na kinalimutan ng utak mo yung lahat ng nangyari before ang aksidente dahil na rin sa trauma at sakit. Nasasaktan ako para sayo. Pero okay lang, at least nakikita pa rin kita kahit sa malayo lang. Alam mo rin ba na pumasok ako sa school niyo Raven? Pinili kong mag-aral sa Triste Academy para masulypan kita kahit sa malayuan lang. Nakakasalubong pa nga kita paminsan-minsan eh. Pero I guess hindi mo ako napapansin noon. Alam mo Raven, lihim kitang tinititigan sa malayo, wala kasi akong lakas ng loob para humarap sayo at magpakilala. Kinain ako ng kaba at takot sa tuwing magtatangka akong kausapin ka. Sa puntong yun nakuntento na ako sa malayuan, not until one day. Napansin mo ako Raven! Hindi mo alam kung paano ko gustong tumalon at magwala dahil sa wakas napansin na ako na taong noon pa man ay gusto kong kausapin. Natatawa pa nga ako sayo noon eh, hindi naman kasi namamasada si Tito Rick, for family use lang talaga yun. Alam ko na nagtataka ka rin kung bakit sa tricycle ko piniling sumakay kung may sasakyan naman kami. Alam mo kung bakit? Gusto ko kasing pagmasdan yung paligid. Gusto kong sulitin yung mga nalalabing araw ko. Hindi ako nagpakilala sayo noon Raven para hindi ka masaktan pag di mo na ako makita. Para hindi mo ulit maranasan yung sakit. Hindi ko rin talaga balak makipagclose sayo, pero ano bang magagawa ko? Ako to eh tas ikaw yan, ikaw na kay tagal ko nang namimiss. Kaya hinayaan ko na lang. Ang selfish ko masyado no? Sarili ko lang inisip ko, pano ka naman? Sorry Raven ah? Miss lang kasi kita. Nang makita mo ako sa simbahan at sementeryo, alam ko by that time na naghihinala ka na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang maamin ko sayo yung pangalan ko. Kasi Raven, gusto ko gusto kong maalala mo kung sino ako para sayo. At dahil doon, nasabi kong may sakit ako. Oo Raven, you read it right. I have a brain tumor. Minana ko sa papa ko na namatay 2 years ago. Sabi ng doctor ko about 5 % lang ng brain tumors ang maaaring mamana at sa kamalas-malasan nasali pa ako sa 5 % na yun. Malubha na sakit ko Raven. Hindi na siya kayang gamutin. Natatandaan mo pa ba noong pumunta kami ng states? Dahil dun sa pagpapagamot ko. Doon lang din nalaman ni mama at papa yung sakit ko. Kasalukuyan din noong dumadanas ng sakit si papa. Sinubukan nilang gamutin kami ni papa pero wala. Wala eh, kinuha na siya kaagad. Malignant or cancerous yung brain tumor namin. Nasa last stage na ako ngayon. I know Raven any moment from now ay susunod na ako kay papa, kaya isinasauli ko na ang keychain. Sorry Raven if I can't fulfill our promise. Pasensya na if hindi umabot sa pagtanda natin. Thank you Raven at binigyan mo ako ng pagkakataon na makilala ka. Palagi kong babaunin ang ating mga ala-ala mapasaan man ako magpunta. Thank you dahil minahal mo ang isang katulad ko. At kung akala mo di ako sumipot? Sumipot kaya ako, nandiyan lang ako sa tabi mo di mo nga lang nakikita pero I'm sure ramdam mo naman yung presensya ko diba? Thank you for everything and I will forever love you my Raven Fuentanilla, my little Ray-ray. Goodbye and until you and I cross paths again.

Forever yours,

Ash Gomez

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LimitlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon