Ash's POV
Sana maalala mo ako Raven kahit hindi ko na malamang naaalala mo na pala ako. Ayos lang, ang importante ay maalala mo ang mga ala-alang minsan mo nang nalimutan.
No one ever knew how much I have missed you. Sorry for not letting you know who I really am. And sorry if I have to do this. I love you more than I have love myself Raven, if you only know. If you only remember. I'll surely miss you. I'll surely will.Raven's POV
Pagkagising na pagkagising ko pa lang bumangon na kaagad ako. Wala akong sinayang na minuto o kahit na isang segundo dahil kating-kati na akong makita siya, ang makita si Ash. It's already 10 in the morning. Nakasakay ako sa sarili kong sasakyan ngayon. Kahit papano naman ay alam ko ang daan patungo sa bahay nila Ash.
Di rin nagtagal ay nakarating na ako. May nakita akong isang pamilyar na kotse. Hindi ko na lamang ito pinansin at bumaba na. Nakailang door bell na rin ako ng lumabas ang kasambahay nila.
"Sino po sila?" Sabi nung maid.
"Uhm.. kaibigan po ako ni Ash." Sabi ko.
"Ah, sige po pasok po kayo." May bahid ng lungkot ang pagkakasabi nito, ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang ito.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay ay parang may iba sa paligid. Kasabay ng mabigat na hakbang ko ay siya ring pagbigat ng salooban ko. Hindi ko mawari kung bakit, pero parang gusto kong huminto sa paghakbang at bumalik na lang sa aking dinaanan. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kabang unti-unting namumuo sa puso ko. Sa kabila ng lahat ng pangamba, pinagpatuloy ko ang paglalakad tangay-tangay ang mga kataga sa aking isipan na," Kung hindi ngayon, kailan pa?"
Nang nakarating na ako sa sala, hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Tito Rick?"
"Raven?" Gulat na sabi ni Tito.
"Bakit po kayo nandito?"
"Uhmm...." Hindi mapakaling sabi ni Tito Rick.
Ano ba kasing meron?
"Uy, Raven!" Sabi ni Dash na kakapasok lang.
"Dash!" Yakap ko dito.
"Uh, Raven?" Nagtatakang tanong nito.
"Naaalala ko na lahat Dash! Lahat-lahat. Ikaw na pinsan si Ash------" Natigilan ako ng mapagtanto ko na ang lahat.
"Teka, kung pinsan ka ni Ash at tatay mo si Tito Rick, it also means tito ni Ash si Tito Rick?" Unti-unti na akong naliliwanagan. Baka si Tito Rick na ang makatulong sa akin.
"Tito Rick? Can you please spill the beans? Please?" Pakiusap ko sa kanya.
"Uhm, beans? I'll go look in the fridge?" Singit ni Dash.
"I don't have time for a nonsense joke at the moment Dash. Just please tell me the truth. All the details I need to know. Please, I really need to know. For Ash, please." Nagsusumamong sabi ko.
Nagpakawala si Dash ng tawa, pekeng tawa hanggang sa ang tawa niya'y naging hikbi na. Biglang lumungkot ang lahat.
"S-she didn't tell you r-right?" Tanong ni Dash habang unti-unting namasa ang kanyang mga mata.
"W-what do you mean?" At sa di malamang dahilan sumibol na naman ang kaba sa aking damdamin.
I don't know why, but why do I have this feeling that I would rather prefer not to hear her out if it means losing all my guts and all my reasons in doing this thing.

BINABASA MO ANG
Limitless
Teen FictionRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...