Chapter 16

3 0 0
                                    

Bakit ka ganyan Ash? Bakit mo ako laging ginaganito? Bakit masyado kang misteryoso? Bakit lagi mo akong pinapakaba? Kailan ko ba malalaman ang lahat? Sa totoo lang gusto ko ng sumuko pero....  hindi pwede. Hindi ko pwedeng sukuan si Ash. Hindi ngayon, hindi kahit kailan. Binalik ko na ang sulat sa lalagyan nito at inilagay sa pinakailalim ng drawer ko. May isang bagay akong nakita Sa drawer na parang pamilyar. Kinuha ko ito at nalaman kong isa pa lang key chain, key chain na little boy. Sa ilalim nito ay may nakita akong nakaukit "~Ray-ray~"
Kailan ko to nakuha?  Hmmnn. Isip Raven isip. Sa pagkakaalam ko ako si Ray-ray eh. Ah!  Naalala ko na.

Flashback:

Naglilibot kami ni Ash sa park noon nang may nakita siyang cute na key chain. Eight years old pa siya noon at nine naman ako. Bata pa lang kami. Pumasok siya sa store at kinuha yung key chain na little girl, bibilhin niya siguro.

"Ate pabili po nito." Sabi ni Ash Sa tindera ng tindahan.

"Ah.. iha hindi mo 'yan mabibili kung hindi kasama ang isang key chain." At itinuro naman ni ate ang isang key chain na may little boy. Lumapit si Ash sa akin at nagpuppy eyes. Psh.

"Bakit?" Pakunwaring tanong ko.

"Bilhin mo yung isa Ray-ray.  Sige na
please."

"Aish, magkano po yung dalawa?" Tanong ko doon sa tindera.

"Three hundred pesos yung dalawa bata." Sagot ni ate.

"Ano?! Ash? Iba na lang bilhin mo"

Ang laki naman kasi ng three hundred eh para sa dalawang maliit na key chain. Tsk.

"Ehh, Rey-rey, puhllllleaaassseee."

"Aish (sigh) sige na nga. Ate pabili po nung dalawa."

"Ah sir, may free carving din kami ng names dun sa ilalim ng key chain. Ano po ang gusto niyo?"

"Hmmn, corny. Ayoko."

"Eh, Ray-ray naman. Ah ate  Ray-ray na lang po doon sa boy at Sha naman sa girl. Thank you." Nakangiting sabi ni Ash.

"Psh."

"Ang oa mo, 'lam mo 'yun? "

"Tss."

Lumipas ang ilang minuto at nakuha na rin namin yung mga key chain. Biglang nagsalita si Ash.

"Ray-ray let's make a promise, if it's okay lang sayo." Seryosong sabi niya.

Natakot at kinabahan ako sa biglaang paseseryoso niya.

"Sige, pero ako ang mag-iisip ng ipapromise natin." Sabi ko.

"Sige, okay lang." Sabi ni Ash.

"Let's promise each other na aalagaan natin ang mga key chains na ito. Hindi natin hahayaang masira ito at isasauli lamang natin ito sa isa't isa pag wala na tayo sa mundong ito. Matagal pa naman siguro 'yun diba?" Natatawang sabi ko kay Ash.

Ngumiti lang siya.

"Promise?" Tanong ko sa kanya.

"Promise.." Sabi ni Ash.

-End of Flashback-

Yun ang dahilan kung bakit may key chain akong ganito. Mabuti na lang hindi pa nasira ito. Malalagot ako kay Ash pag nagkataon, ako pa naman gumawa ng promise namin. Sa susunod na Sunday na ako papupuntahin ni Ash, kinakabahan man ay gusto ko pa ring pumunta.

LimitlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon