Raven's POV
Hindi ko inaasahang mapapadalas ang pagsabay ko sa kanya. Napansin ko din na lage na lang si manong ang sinasakyan niya, suki niya yata. Sa mga panahong nagkakasabay kami ay mas lalong napapalapit kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako, masaya ako kapag kasama ko siya. Kitang- kita ko ang tuwa sa mga mata niya sa tuwing mag-kausap kami. Nalaman ko rin na kaunti lang ang kaibigan niya. Hindi pa rin niya nababanggit ang pangalan niya sa akin, unfair man kung iisipin ay okay lang para sa akin. Hindi pa rin mawala- wala ang mga weird na katagang binibitawan ni Manong Driver. At hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip ang ibig sabihin nito. Pupunta ako sa mall ngayon, sabado naman kasi at walang pasok. May bibilhin kasi ako. Naghihintay ako ng sasakyan. At sinasadya ko talagang tanggihan yung ibang sasakyan na humihinto dahil umaasa akong makakasabay ko siya ulit ngayon. At sinuswerte nga naman...
"Hi." Bati ko sa kanya.
Pansin ko lang bat ang putla niya? Yung mga mata niya, bat ang tamlay? Bakit parang nahihirapan siya?
"Hello." Ngumiti siya.
"Ayoko sanang makialam, pero, are you fine?" Nag-aalalang sabi ko.
"Oo naman. Huwag mo nang pansinin tong pamumutla ko. May aso kasing humabol sa akin eh." Natatawa niyang sabi.
Natawa naman ako sa rason niya. Bumalik na din yung mga sigla sa mata niya ngunit hindi pa rin mawala-wala yung pamumutla ng mga labi niya. Hindi ko maipaliwang ang nararamdaman ko, kinakabahan ako na hindi mapakali. Hindi ako masyadong naniniwala sa mga sinasabi niya kasi kung totoo man yung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nawawala yung pamumutla niya? Hays, ano ba tong iniisip ko. Dapat think positive lang ako. I need to set aside these negative feelings. Raven be calm. Nababaliw na yata ako.
"Okay ka lang ba Raven?" Alalang tanong niya.
"Yes, just don't mind me."
"Hindi pwede yun Raven. Kaibigan kita diba? Sabi mo sa akin ang mag kaibigan hindi nag-iiwanan. Kaya hindi kita pwedi balewalain lang. Kakaunti nga lang friends ko, iiwan mo pa ako?" Naiiyak na sabi niya.
"Ang drama mo naman. Sino bang may sabing iiwan kita? Ang ibig kong sabihin ay huwag mo nalang pansinin yung inasta ko kanina. Kaya huwag kang malungkot diyan dapat happy ka lage. Sabi nga natin walang iwanan. Promise yun diba?"
Hindi siya sumagot sa akin, sa halip ay nawala yung sigla sa mga mata niya at unti- unting iniyuko ang ulo niya. Hindi ko alam pero.....Bakit?

BINABASA MO ANG
Limitless
Teen FictionRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...