Raven's POV
Nagising ako na masakit ang ulo. Hindi ko alam ang nangyari. Hinawakan ko ang ulo ko at naramdaman ko ang bendang nakabalot dito.
"Kuya?! Okay ka lang ba? " Nag-aalalang tanong ng kapatid ko sa akin.
"Anong nangyari sa akin?" Nagtatakang tanong ko.
"Kuya, nabundol ka ng isang kotse. Mabuti na nga lang lumabas ako eh at pinuntahan yung mga taong nagkukumpulan dahil sa kutob ko na baka may masama nang nangyari sayo. At hindi nga naman ako nagkamali kasi nakita kitang nakalumpasay sa daan, walang malay at saka may dugo pang tumutulo galing ulo mo kuya! Alam mo bang pinakaba mo ko kuya?! Akala ko mawawala ka na. Akala ko.... iiwan mo na ako. " Unti-unting humina ang boses ng kapatid ko. May namumuong luha sa mata niya na ano mang minuto ay tutulo na. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at takot.
"Ay sus, si kapatid oh nagiging iyayakin na. Ano ka ba, matatag kaya si kuya at kahit kailan hindi kita iiwan..." Sinenyasan ko siyang lumapit at yumakap sa akin. Lumapit naman siya at lumapit naman siya at binigyan ako ng napakahigpit na yakap.
"......mamatay man ako." Pagtutuloy ko sa mga binitawan kong salita. Humiwalay sa yakap ang kapatid ko at sinimulan akong pagpapaluin.
"Kuya naman eeehhh!"
"Biro lang." Natatawang sabi ko sa kapatid kong kasalukuyang nagwawala.
"Uy kuya, may itatanong ako."
"Hmmnn?"
"Kanina kasi, habang mahimbing ang tulog mo. Paulit-ulit mong binabanggit ang pangalang Ash. Sino ba siya kuya? Girlfriend mo?"
Nagpakawala ako ng isang maliit na ngiti.
"Hindi.." Sagot ko sa kapatid ko.
"Ay sayang naman. Magkakalove life ka na sana kuya." Mahihimigan ang panghihinayang niya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi... pero siya ang babaeng mahal na mahal ko."
"Yun oh!! Yieeee finally, tumibok na rin ang puso ni kuya!" Pantutukso pa ng kapatid ko.
Ngiti lang ang tanging naisagot ko sa pantutukso ng kapatid ko. Ilang minuto ang lumipas ng bigla kong naalala ang napanaginipan ko.
"Kailangan kong puntahan si Ash." Pinilit kong bumangon pero hindi pa kaya ng katawan ko.
"Kuya wag mong pilitin ang katawan mo at baka mabinat ka pa. Mabuti pang ipagpabukas mo na lang ang nais mong gawin kuya." Pakiusap ng kapatid ko.
"Pero.."
"Please kuya. Do this at least for me."
"Fine."
"Yey! Thank you kuya! I love you so so so much." Masiglang sabi ng kapatid ko.
"Love you too bunso."
Mahal na mahal ko ang kapatid ko kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Ipagpapabukas ko na lang rin siguro ang pagpunta kanila Ash, nag-aagaw na rin kasi ang liwanag at dilim. Sunday naman din bukas.
"Matulog ka na kuya, babantayan kita."
Kahit kailan talaga ang sweet sweet pa rin ng kapatid ko.
"Huwag na, matulog ka na at hindi na ako bata no." Natatawang sabi ko.
"Ehhhh, I insist pa rin."
Kilala ko ang kapatid ko at kahit kailan pag gusto niya, masusunod siya.
"Oh sige na, matutulog na PO. Good night bunso. Love you."
"Good night kuya. Sweet dreams. Love you more."
Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko at tuluyan na akong hinila ng antok.

BINABASA MO ANG
Limitless
TeenfikceRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...