Raven's POV
"No. Hindi pwede Raven. Hindi mo pwedeng malaman. Hindi sa akin. Wala akong karapatang sabihin ang lahat dahil tanging siya lang ang karapat-dapat na magsabi sayo. Sorry Raven, but I made a promise to her and I couldn't and wouldn't break that." Nakayukong sabi ni Dash.
"Why do you always make it hard for me to know the truth? Wala ba akong karapatan para malaman ang katotohanan. Nahihirapan na ako Dash at hindi ko na alam kung kakayanin ko pang humakbang para malaman ang katotohanan." Pagod na ako, pagod na pagod nang maghintay sa tamang panahon na 'yan.
"Raven.." Ang tanging naisambit ni Dash.
Pumihit na ako paatras at akmang tatalikod na nang nagsalita ulit si Dash.
"After one week Raven, puntahan mo ang lugar na ito. May binigay siyang papel na may nakasulat na address.
"She'll wait for you Raven. Please don't let her down." Dash said with a glimpse of sadness in her eyes.
Nalilito man at tinanguan ko na lang si Dash. I didn't bother to read the address at baka matukso akong puntahan ito agad-agad.
"May ipinabibigay din pala siyang sulat sayo Raven. Read this whenever you're ready."
Nanginginig na kinuha ko ang sulat. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko.
Umalis na ako sa kanila ni Ash. Pagkadating na pagkadating ko pa lang sa bahay ay pabagsak akong humiga sa kama ko.
Naalala ko ang sulat na nasa bulsa ko at ang papel na ibinigay ni Dash. Mabilis kong binuksan ito. Gulat na gulat ako ng basahin ko 'yun. Anong gagawin ko sa lugar na ito? Bakit siya naghihintay sa akin sa ganoong klase ng lugar? Kabado man ay kinuha ko ang sulat, ang sulat ni Ash... It's now or never.
Kailangan ko na tong basahin ngayon. Kung hindi ngayon, kailan pa diba? Hindi ko mawari kung bakit ganito ang nakasulat sa sulat ni Ash.
Hi Raven! Uhm.. May hihilingin sana akong favor if okay lang sayo. Alam ko by this time, natanggap mo na sulat ko at ang papel na naglalaman ng address na pupuntahan mo. Alam ko ring nagtataka ka pero, 'wag kang mag-alala kasi malalaman mo rin naman lahat eventually. Bago ka pala pumunta sa akin, pakidaanan muna si Dash, may ipinabibigay kasi ako eh. At ito nga pala yung pinakafavor ko. Please, puntahan mo lang ako after one week. Please do this for me. Thanks and please don't forget and stop smiling because I have always love the way you smile.
Love,
Ash
BINABASA MO ANG
Limitless
Dla nastolatkówRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...