Chapter 11

2 0 0
                                    

Raven's POV

Dalawang araw na rin ang lumipas simula ang araw na iyon. Sabado na ngayon. Kahapon ko nakilala si Dash. Normal lang ang naging araw ko kahapon. Nagrelax ako yung tipong walang sakit na nararamdaman. Yung malaya ka lang, walang mga problema.  Hindi ko inisip ang mga pagtataka sa isip ko, kaya kahit sa panandaliang pagkakataon nagkaroon ako ng peace of mind kahapon.

Ngayon ang araw na balak kong malinawan sa lahat. Pupuntahan ko si Ash sa kanila. Kailangan kong makuha ang mga sagot sa lahat ng tanong ko. Handa na ko't lahat kaya naman ay lumakad na ako. Balak kong magcommute ngayon. Tatawid na sana ako nang hindi napansin ang paparating.

*Scrrrreeeeeechhhhhh* *Booogshh*

Hindi ako naging handa sa pangyayari. Unti-unti kong naramdaman ang pagkaliyo. Naramdaman ko rin ang isang mainit na likidong pumadausdos mula sa aking ulo. At unti-unti nang nagdilim ang aking paningin.

"Ash..... "

Third Person's POV

"Ash..... "

Ang naisambit ng binata bago mawalan ng malay. Gulat na gulat ang mga tao sa nangyari. Hindi nila alam ang gagawin. Pinakukumpolan nila ang binatang nasagasaan. Isang babae ang pilit na nakipapagsiksikan sa kumpol na mga tao. Pilit nilalabanan ang kaba na unti-unting kinakain ang kanyang dibdib. Batid niyang kakilala niya ang nasagasaan sa hindi malaman na dahilan. Nang sa wakas ay nakarating na ito sa harapan. Ganon na lang ang kanyang pagkabigla at paghihina ng makita ang dugoang mukha ng taong nakahiga sa kalsada.

"Kuya!" Agad na naibulalas  ng batang babae matapos masaksihan ang walang malay na binata.

Raven's POV

Minamasdan ko ang dalawang batang babae at dalawang batang lalake na naglalaro sa park. Ang saya-saya nila na para bang walang problema.  Nahinto ang aking mga mata sa isang batang lalake.  Isa lang ang tanong na naglalaro sa aking isipan.

Ako ba ang batang iyon?

Masaya silang naghahabulan nang biglang madapa ang isa sa mga batang babae.

"Okay ka lang ba ha?  Hindi ka ba nasaktan?" Nag-aalalang sabi ng batang lalakeng parang..... ako?

"Okay lang ako Ray-ray salamat sa pag-aalala. Alam mo namang kahit kailan lampa talaga ako eh. " Nakangiting sagot ng batang babae.

(Ray-ray pronounced as Rey-rey)

"Sha, hindi ka lampa okay?  Ang tapang mo kaya at tsaka ang lakas pa. Mas matapang ka pa nga sa akin eh. " Sabi ni Ray-ray.

"Salamat Ray-ray. Salamat sa pagpapalakas ng loob ko. " Ang sabi ni Sha at niyakap ang batang lalake.

Ray-ray?  Sha?

Sino kayo? Ano kayo sa buhay ko?

Bigla na lang nagbago ang eksena. Ngayon naman ay nasa isang bahay kami. Bahay yata nung batang babae. Nakikita ko si Sha, yung batang babae, nag-iimpaki.

Saan sila pupunta? Iiwan niya na ba si Ray-ray?

Malungkot na malungkot si Sha. Yan ang ipinapakita na kanyang mukha.

Sha, saan ka pupunta?

Bigla na lang nagshift ang eksena. This time sa bahay namin?  Bakit sila nandito?

Nahagip ng aking mga mata ang batang si Ray-ray na umiiyak kaharap ang batang si Sha nagpipigil ding umiyak.

"Ray-ray,  don't cry please. I need to go.  I need to go not because I want to but because I need to. Kailangan kong magpagaling hindi lang para sa akin kung hindi para na rin sa pamilya ko at lalong lalo na sayo."  Nagsusumamo ang batang si Sha. Hindi nagawang sumagot ni Ray-ray at tuloy-tuloy lang ang pag-iyak. Bakas ang lungkot at sakit sa kanilang mga mukha. Para  tinutusok ng libo-libong karayom ang aking puso dahil sa aking nasasaksihan. Dama ko ang pait at hinagpis na kanilang nararamdaman.

"Magaling ang mga doctor doon Ray-ray.  Pagagalingin nila ako. " Sumilay ang tipid na ngiti sa mukha ng batang babae. "Pero pangako, sa oras na gumaling ako babalikan kita agad-agad. Maglalaro na naman tayo, magkukulitan, maghahabulan at sa pagkakataong ito hindi na tayo magkakahiwalay. " Masiglang sabi ni Sha.

"Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya Sha. Please don't leave me, please... " Humagulgol ang batang lalaki.

"Ganito na lang Ray-ray para mapanatag ka let's have a pinky promise. "

"Pinky promise?" Nagtatakang tanong ni Ray-ray.

"Yes. Let's promise each other na hindi natin kakalimutan ang isa't isa. And I promise na babalik ako no matter what happens. Babalik at babalik ako. Pinky promise? "

Inabot ni Sha ang pinky niya papalapit kay Ray-ray.

"Anong gagawin ko riyan?" inosenteng tanong ni Ray-ray.

"Aish ganito lang yan oh."

Ginaya ni Ray-ray si Ash.

"Ayan pinky promise!" Masayang sabi ni Sha.

"Pinky promise. " Nakangiti nang sabi ni Ray-ray.

Nag-iba na naman ang eksena. Ngayon ay sa bahay na ni Sha.

"Sha, huwag ka nalang umalis."

Pilit na kinukuha ni Ray-ray ang mga gamit ni Sha pero sa huli ay wala rin siyang nagawa.

"I'm sorry Ray-ray. " Malungkot na sabi ni Sha. Pumasok na ito sa sasakyan.

"Ken,  pigilan mo si Sha please, magkapatid naman kayo eh.  Huwag na kayong  umalis please." Pakiusap ni Ray-ray.

"Wala akong magagawa Ven, sorry.  We really need to go. Bye. "

Tuluyan ng umalis sila Sha.  Iyak lang ng iyak si Ray-ray sa gilid.

"Tayo na Ven. Alis na tayo. Wala na tayong magagawa." Sabi ng isang batang babae na minsan niya nang nakalaro sa park.

"Pero bakit Dash?  Bakit niya ako kailangang iwan? Tayo? "

"Who knows Ven, who knows. "

Dash?  Ray-ray? Sha?  Ken?

Bakit ang pamilyar?  Sino ba kayo?

LimitlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon