Chapter 17

6 0 0
                                    

Raven's POV

( 1 week had passed )

Sa isang linggong lumipas ay nakatambay lang ako sa bahay. Hindi ako lumalabas at hindi rin ako pumasok sa skwelahan. Nagpadala na lang ako ng excuse letter na may emergency lang at kailangan ako. Wala rin naman kasing silbi kung papasok pa ako kung lumilipad din naman ang isipan ko. Wala akong matututunan pag pumasok pa ako lalo na sa mga katanungang palaging binabagabag ang aking isipan. Isang linggo na rin ang lumipas at ngayon ang nakatakdang araw na pupuntahan ko ang address na ibinigay ni Dash.

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan papunta sa bahay nila Dash at di rin naglaon nakarating na ako. Pipindutin ko na sana ang door bell nang biglang lumabas si Dash dala-dala ang isang maliit na box.

"Raven. Tamang-tamang ang dating mo. Lumabas sana ako para hintayin ka pero mukhang hindi na yata kailangan kasi ang aga-aga mong nakarating." Nakangiti nitong sambit sa akin. Kahit nakikita ko siyang nakangiti hindi pa rin maalis-alis ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Pasok ka muna at mag-almusal, mukhang hindi ka pa kumakain eh."

"Salamat na lang Dash, pero 'wag na.  Nagmamadali rin kasi ako eh. Nandito lang
ako upang kunin ang ipinadala ni Ash."

"Ah, yes. Ito yung pinabibigay niya Raven. Buksan mo daw pag dumating ka na sa address."

Kabadong kinuha ko ang box galing sa mga kamay niya.

"Sige, Salamat."

Aalis na sana ako nang biglang hablutin ni Dash ang braso ko.

"Raven.."

"Bakit?"

"Kahit anong mangyari 'wag na 'wag kang magagalit sa kanya. Please." Nagmamakaawang sabi niya.

"B-Bakit naman ako magagalit sa kanya?"

Hindi ko alam pero bakit iba ang ipinapahayag ni Dash. Anong ibig niyang sabihin?

"Basta gawin mo na lang please.  Please Raven?"

"O-okay."

Binitawan na niya ako at umalis na rin ako.
Lulan ako ng sasakyan ko ngayon. Malapit na malapit na ako sa lugar na sinasabi sa address.

Hindi rin nagtagal ay narating ko na ang address na nakasulat sa papel. Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko dala ang kinakabahang pakiramdam ko noon. Pinuntahan ko ang punong sinasabi niya. Nang makaabot na ako doon, hinanap ko siya. Nilibot ng paningin ko ang paligid pero wala, walang bakas ni Ash.  Naghintay pa ako ng kalahating oras pero wala pa rin, wala pa rin si Ash. Then,  I remembered the box. Sabi ni Dash bubuksan ko ang box pagnakarating na ako dito. Unti-unti ay binuksan ko ito at talagang yumanig ang mundo ko nang makita ko ang loob ng box.



It was the..

LimitlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon