Bakit may nakita akong lungkot sa mga mata niya? Bakit parang...
Aish.. Ito na naman ako sa mga konklusyon ko. Think positive Raven, huwag kang madala at mag-isip ng kung ano-ano.
"Hey, sagutin mo naman ako. Promise yun diba? Walang mang-iiwan."
Hindi siya sumagot sa tanong ko, sa halip ay siya ang nagtanong sa akin.
"Raven..?"
"Bakit?"
"Gaano ka importante yung buhay mo para sayo?" She asked.
"Bakit mo naman natanong yan?"
"Eeehhh.. Basta sagutin mo nalang." Pamimilit niya."Noon, para sa akin walang kakwenta-kwenta yung buhay ko. Kasi school-bahay-schoo-bahay lang yung routine ko araw-araw. Pagdating naman ng summer, o bakasyon eh bahay lang. Kaya para sa akin noon walang kwenta yung buhay ko. At my very young age, my parents died on a car accident. I was 10 years old when they left me. Kaya inisip ko, ano pang silbi ng buhay ko kung mismo yung paglalaanan ko nito ay wala na rito at iniwan na ako. Ang tanging lakas ko na nga lang ngayon ay ang kapatid ko."
"May kapatid ka?"
"Oo meron, adopted siya ng parents ko. She is my adopted sister. Nag-adopt yung parents ko nang babae kasi hindi na pwedeng manganak si Mommy. One month after namin inadopt si Kay ay nainvolve kami sa isang car accident. Magbabakasyon sana kami noon kaso nga lang naaksidente kami. Nabangga ng isang truck ang sasakyan namin. Namatay yung Daddy ko pati din si Mommy dahil sa pagkakasagip sa younger sister ko. Nawalan ako ng ganang mabuhay that time, but naisip ko yung younger sister ko. Paano nalang siya kung susuko ako diba? Kaya isa siya sa naging lakas ko. At nung dumating ka? Mas nagkaroon ako ng lakas. Corny man pakinggan pero I think na love at first sight ako sayo. Dati, I don't believe in such things. But ngayon, kinain ko lahat ng sinabi ko. Kaya you need to promise me. Promise me you will never ever leave me.... Please...?"
BINABASA MO ANG
Limitless
Novela JuvenilRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...