"I'm Ash Gomez, 16 years of age. " She hurriedly run while her tears still streaming down her cheeks.
"Ash...."
Wala na akong nagawa kundi ang banggitin nalang ang pangalan niya sa hangin.
Raven's POV
Hinang-hina akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Nilalamig na rin ako dahil sa patuloy pa ring pagbuhos ng ulan. Wala akong pakialam kung magkasakit man ako bukas. Ni wala rin akong pakialam kung saan man ako mapunta. Isa lang ang nasa isip ko ngayon at yun ay SIYA. Bakit niya ako ginaganito? Hindi ba niya ako pinagkakatiwalaan? O sadyang ganun lang talaga kalalim ang kanyang pinagdadaanan na maski ako ay hindi niya pwedeng sabihan. Hindi ko alam pero parang bigla akong nahilo. Sumakit din yung ulo ko. Unti-unting lumabo ang paningin ko. And the last thing I said was.....
"Ash....."
Third person's POV
Bigla nalang natumba si Raven sa daan. Mabuti na lamang at may dumaan na isang taong kakilala niya. Inakay siya nito at tinulungan. Dinala niya si Raven sa bahay nila. Inalagaan niya ang binata sapagkat nilalagnat ito. Awang-awa siya kay Raven. Alam niyang ganito ang kahahantungan ng lahat pero hindi niya pinigilan ito. Hinayaan niyang mahulog ito. Paano na kaya ngayon? Paano kung walang sasalo sa pagkahulog niya? May magproprotekta pa kaya sa kanya sa nakatakdang maganap na tiyak ikawawasak ng damdamin niya?
Raven's POV
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Mabuti na rin ang pakiramdam ko kumpara kahapon. Ngunit hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko. Pinilit kong bumangon at inilibot ang tingin sa loob ng kwarto. Ngayon lang tumatak sa isip ko na wala ako sa kwarto ko. Base sa nakikita ko ay kwarto ito ng isang babae. Lumabas ako ng kwarto at ang unang nakita ko ay.....
Si Manong Driver??
Anong ginagawa niya rito? Siya ba yung tumulong sa akin kagabi?
Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko. Pero sa lahat ng tanong sa isip ko ay isa lang ang nasabi ko.
"Manong Driver?" Nagtatakang tanong ko.
"Tito Rick nalang iho. Nakakatawa naman kasi yung Manong Driver." Natatawa niyang sabi.
Ngayon ko lang napansin malaki ang bahay nila manong driver...este Tito Rick pala.
"Ayaw ko po sanang manghimasok pero, maaari po ba akong magtanong?"
"Ano yun iho?"
"Mayaman po kayo?"
"Ay naku iho, hindi ko masasabing mayaman talaga ako. May kaya lang sa buhay." Mapagkumbaba na sabi niya.
"Eh bakit po kayo nagtra-tricycle driver?"
"Dahil sa KANYA."
"Po?"
"Kain muna tayo iho."
Nagtataka man ako ay sumunod na rin ako kay sir Rick. Mayaman nga talaga sila. Ang gagara ng mga appliances nila eh at saka nakakatakam talaga ang mga pagkaing nakahanda sa hapagkainan.
"Uhm.. Tito Rick? May anak po ba kayong babae?" Bigla ko nalang natanong. Naisip ko kasi yung kwartong pinagpahingahan ko.
"Oo iho. Kwarto niya pala yung pinagpahingahan mo. Nasabi ko na rin sa kanya na sa guest room nalang matulog at may bisita akong pinagpahinga muna sa kwarto niya. Nakalock kasi ang guest room at nasa kanya ang susi nun. Hindi naman siya nagalit at inintindi ang sitwasyon. Grade 10 nga pala yun, 16 years old."
I was speechless nasagot niya ang mga tanong na bumabagabag sa isip ko but there's one left.
The dots are slowly connecting and at this moment I really need to ask this.
"Sino po pala ang anak niyo. Ano pong pangalan niya?"
"Ah..." Nagdadalawang isip na sagot ni Tito Rick.
" If hindi po pweding malaman ay ayos lang. Nevermind nalang po." Nahihiya kong sabi.
"Her name is....."
Naputol yung sasabihin sana ni Tito Rick nang may pumasok..
A girl...
A 16 year old girl.....
I can't believe this..
A/N
I am very much sorry kung ngayon lang nakapag update. Sensya na guys. But hope you like this chapter though xD Mag-ingay naman kayo diyan guys. Do comment and vote. What do you think will happen next?? Comment your thoughts ;)<33 Cya

BINABASA MO ANG
Limitless
Teen FictionRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...