Her POV
Bumaba na ako sa tricycle na sinasakyan ko. My day is already complete because of him. Ang saya palang magkaroon ng totoong kaibigan. Yung alam mong tapat at hindi plastic. But the problem is... I didn't ask him yet. Tsk. Silly me.
Makapunta na nga lang sa patutunguhan ko. Nilapag ko yung bag ko at kinuha ko dun ang kumpol ng bulaklak na pinitas ko galing sa garden namin. Hinawi ko yung mga nalantang dahon na tumatakip sa puntod.
"Hi Pa! Tagal na rin noh? It has been quite some time since the last time I visited you. Miss na miss na kita Pa. Miss na miss." Pinahid ko yung nagbabadyang luha ko.
"Ang daya naman kasi Pa eh, sumuko ka kaagad. Hindi ka lumaban pero naiintindihan ko rin kung bakit ka gumive-up pa. Ayoko rin namang nakikitang nasasaktan ka Pa. Ang sakit lang talagang isipin na sa murang edad namin ni kuya ay iniwan muna kami. Isang buwan nalang Pa, at magdadalawang taon ka nang wala sa amin." Tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko, garalgal na din yung boses ko.
"Alam mo pa araw-araw kong dinadanas yung sakit. Ni hindi na ako makatawa dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nawalan na ako ng ganang mabuhay pa. Not until he came. Siya na naging inspirasyon ko. Siya na walang kamalay-malay.... Siya na...Hays, nagbabadya nang bumuhos yung ulan pa, nakikisabay ka naman sa akin eh. Time ko kaya tong magdrama." Pinahid ko yung mga luha ko. "Sige pa sa susunod ulit. I-kwekwento ko na talaga nang buong-buo. Wag kang magtampo ah. Sige Pa, I love you. I love you so much. Se---. Tsk. Bakit ko ba sasabihin yan, nawawalan na yata ako ng pag-asa na dapat ay hindi. Kailangan kong maging matatag. Kailangan.."
BINABASA MO ANG
Limitless
Novela JuvenilRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...