Bumaba na siya at nag-umpisa nang maglakad. Bumaba na rin ako at palihim siyang sinundan. Nagpunta siya sa isang puntod. Unti-unti siyang umupo at kinuha ang kumpol ng bulaklak sa bag niya. Hinawi niya ang mga lantang dahon at bulaklak na tumatakip sa puntod.
Nagtago ako sa likod ng puno na malapit lang sa kinaroroonan niya. Alam ko sa sarili ko na malalaman ko ang lahat ngayong araw na.
*Krroogg*
Naku! At uulan pa yata. Medyo makulimlim na rin kasi ang langit.
Abala ako sa pagtingin sa langit nang magsimula siyang magsalita.
"Hello pa. Ilang araw na din simula nung bumisita ako sa inyo. Miss na miss na kita pa, kung alam mo lang."
Papa niya pala ang nasa puntod, so that means patay na ang papa niya? Nagsimula na siyang umiyak. Gusto ko sana siyang lapitan at yakapin ngunit hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi takot ako. Takot akong malaman niyang narito ako. Takot akong malaman ang lahat. Ngunit bakit ba ako nandito kung takot ako? Dahil siguro yun sa mahal ko siya. Mahal ko siya kahit takot ako. Gusto kong malaman ang lahat sa kanya dahil mahal ko siya.
"Ang hirap palang magtago ng sekreto pa noh? (Sob) Lalong-lalo na sa taong mahalaga para sayo. Alam mo naman siguro pa na (sob) kahit nung bata pa ako ay ayaw na ayaw kong naglilihim. (Sob) Pero ano nga bang magagawa ko?(Sob)
Garalgal na ang boses niya.
"P-pa? Bakit ang unfair? Bakit ang unfair ng tadhana? (Sob) Nagkakilala kami sa maling pagkakataon. Bakit pa kami nagkakilala kung ganito lang din naman ang mangyayari? Pa...(Sob) Hin (sob) di (sob) ko kayang (sob) iwan siya. Ayoko (sniff). Lumaban ako pa alam mo yan. (Sniff) Ginawa ko naman lahat eh, pero (sniff) hindi pa rin sapat. Sabi nila, wala ng pag-asa. Kelangan ko na bang sumuko pa? Ke-kelangan na ba? (Sob) Pero.. pano siya? Ayoko! Ayokong masaktan siya ngunit..(sniff) kahit ayaw ko, masasaktan ko pa rin siya. Pa, nahihirapan na ako. (Sob) Hirap (sob) na hirap na ako. Anong gagawin ko pa? P-paano ko to sasabihin. Matatanggap k-kaya niya? Sige pa kailangan ko nang umalis, may appointment pa kasi ako. I love you pa and I really miss you. See you soon.."
A bittersweet smile flashed on her face.
"What does she mean?" Bulong ko sa sarili ko.
Litong-lito na ako. Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya. Siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko.
Bigla nalang bumuhos ang napakalakas na ulan.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ko sa kanya.
Unti-unti kaming nabasa ng ulan.
"Raven?!" Gulat na tanong niya.
"Ano bang ibig mong sabihin ha?! Litong-lito na ako kaya nagmamakaawa ako sayo, sabihin mo nalang yung katotohanan please." Nagmamakaawang sabi ko.
"Raven....."
Lumuhod ako sa harapan niya.
"Please......."
"Kelangan kong malaman ang lahat..." Unti-unting dumaloy ang mga luha ko sa pisngi ko."Raven......I'm sorry.... I'm sorry sa lahat-lahat. Sana hindi nalang ako dumating sa buhay mo. Sana umiwas nalang ako noong una pa lang. Sana iba nalang yung nakasabayan mo noon para hindi ka nasasaktan nang ganito."
Humagulgol na siya.
"Just.. Get straight to the point."
Alam kong hindi gawain ng lalaki ang umiyak pero di ko ito ikinahihiya't alam kong ang mga luhang to ay inilalaan ko sa taong nagmamay-ari ng puso ko. Tuluyan na kaming nababasa sa ulan. Makita man niyang umiiyak ako ay wala na akong pakialam doon bukod sa nararamdaman ko ngayon.
"Raven.....I....
....I'm weak. Mahina ako..... Do you wanna know why?" Pabulong niyang sabi habang tahimik na umiiyak.
"B-bakit?"
Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.
"Raven, may sakit ako. Yan lang ang masasabi ko ngayon. Sa tamang panahon? Promise I'll tell you everything. Gusto ko rin palang sabihin sa iyo to Raven. Thank you for everything. Thank you for being a part of my life. Thank you for loving me at higit sa lahat, thank you.... Thank you dahil nakilala ko ang isang tulad mo. Bago pala ako umalis, I just want to say this.
.
.
.
IA/N
Huehue^>^ Sorry guys kung nabitin kayo at ngayon lang ako nakapag-update, medyo busy kasi. xD Ano guys, ano kaya yung sasabihin ni Ms. Gomez kay Raven? Alam niyo ba? Haha abangan na lang ang susunod na mangyayari sa next update ;) Feel free to comment your thought and vote!! xD Till next chapter :)
<33Cya
BINABASA MO ANG
Limitless
Novela JuvenilRaven Fuentanilla. Simple, Kind, Loving, Handsome, Genius, and Rich. Perfect kumbaga. His life is perfect that's what others think. They doesn't know that behind that perfect life of Raven is a tragic past. An accident. Aksidenteng nagbago ng buhay...