"Life will retain normality unless you put some insanity"
Zesia
Ngayon ang araw na taon-taon kong-nilang hinihintay.Moving Up ceremony namin ngayon. Minsan, tinatanong ko sa sarili ko bakit ba hindi ako nabiyayaan ng talino. Hahaha. Pero sino naman ang nangangailangan nun kung maswerte at madiskarte ka naman diba?
Napakagara naman ng suot nila.
Pagkausap ko sa sariliIngay doon, selfie dito... Hay nako napakagulo .Teka ano nga ba ulit gagawin ko? Tahimik akong nagisip nang gagawin ko pagkatapos ay biglang pumasok sa isip ko ang kaibigan ko.
"Ah si Jairoh!"medyo malakas na sabi ko.
Nagtinginan sa akin ang mga kabatch ko. They gave me a stare like a Devil that will curse someone.
Naknang!
Ang lakas nung pagkakasabi ko! Grabe naman tong mga to. Sa takot ko napayuko na lang ako ng bahagya pagkatapos ay nagpeace sign sa kanila.
Ano ba naman yan kung kelan patapos na ang klase tsaka ako nagkaroon ng nakahiyang experience.
hay nako Jairoh!nasaan ka na ba? tanong ko sa aking sarili habang hinahanap si Jairoh.
Nagtagal pa ako sa paghahanap ng may napansin akong pamilyar na sapatos, pano ba naman ksi nakayuko parin ako dahil sa kahihiyan kanina kaya puro sapataos lang ang nakikita ko.
"Huy!Anong ginagawa mo diyan." Gulat sa akin ng pamilyar na boses.
Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at halos mapasigaw na lang ako sa tuwa pero pinilit kong itikom na lang ang bibig ko dahil sa kahihiyan.
"Jairoh!" mahinang sabi ko."kanina pa kita hinahanap, kung ano-anong nangyari sa akin. Anak ka talaga ng nanay mo .Saan ka ba galing?"dagdag ko pa.
"Nagpaalam lang sa dati nating kainan,mamimiss ko din kasi yun sa mga susunod na taon." Bulong niya sa akin na parang naiiyak.
"Oo nga. Pero wag ka nang malungkot, madadaanan din natin to." Tugon ko naman sa kanya.
Si Jairoh ang best friend ko,simula nung bata pa lang ako,mga magulang niya kasi ang nagpalaki sa akin at ngayon kapit-bahay ko siya kaya madalas kaming sabay pumapasok at umuuwi. Madalas niya ding ikunukwento sa akin ang tungkol sa isang paaralan na kanyang lilipatan.
It's the Clark Denji Academy.
Hindi pamilyar sa akin yung school tsaka medyo classy yung pangalan. Minsan ko na rin yung pinagdudahan kasi naman hindi pa talaga ako nakakarating dun. Hindi ko nga alam kung totoo bang school yun o pinagtritripan lang ako ni Jairoh.
Pero kahit ganun naniniwala ako sa kanya dahil una sa lahat kaibigan ko siya tsaka ano namang mapapala niya kung magsisinungaling siya sa akin diba?
Madlas ko rin siyang tanungin tungkol doon pero parehas lang ang kanyang isinasagot.
Minsan ko na ring sibnabi sa kanya kung pwede bang doon na lang rin ako mag-aral para kasama ko pa rin siya.Pero sabi niya hindi daw pwede.
Sandali kaming nanahimik.
"Next mondayk na ba talaga ang alis mo?" Basag ko sa katahimikan
"Oo eh. Isang linggo kasi mula dun ay ang simula ng klase namin" Sagot niya
"Ano ba yan? kung pwede lang talaga akong sumama eh kahit seat in man lang? Sige na!" Pagmamakaawa ko sa kaniya.
Umiling siya bilang tugon.
![](https://img.wattpad.com/cover/87747310-288-k168178.jpg)
BINABASA MO ANG
Petryrxe:Long Lost Academy
Fantasy(Under Revamping) Hope you enjoy it! Peace Out ~~~~~~~~ Greetings! Masaya ka naming inaanyayahang mag-aral sa Petryrxe Academy.Kung saan ikaw ay matuto ng mga kakaibang potions, istilo sa pakikipaglaban at higit sa lahat bond ng isang matibay na sam...