Chapter 3:The Eclipse

229 14 4
                                    

"Light will never be bright 'til darkness was created"

Zesia

Masaya kaming nagkwekwentuhan ng biglang may kumuha ng bag ni Jairoh.Sobrang bilis niya sinundan namin siya kahit may hawak siyang baril iniiwasan namin ang bawat pag- baril niya.

"Teka...Kailangan ba talaga natin siya sundan?"

"Oo,nandun lahat ng importanteng gamit ko."Sagot niya.

"Importante?Sigurado ka ba?ano pa ba laman nun Maliban sa pera mo?"

"Nandun ang Alpha ID ko?"Balik niya ulit.

Huh! anudaw?

Pinagsasabi neto!?

"Yung Magic Pass ko nandun!"  Sigaw niya sa akin habang tumatakbo.

Baliw na yata tong si Jairoh...paktay pano siya aalis bukas kung nahihibang na siya.

"Ha eh para saan ba yun?tsaka anong Magic chenes na yun?" buong pagtataka kong tanong.

"Ah...eh...basta importante ang laman nun " Sabi niya sa akin.

Ay ewan ko lalaking 'to nanakawan lang kung ano-ano na pinagsasabi.

Teka nga...Unti unti bang bumibilis yung takbo ko o bumabagal lang si Jairoh?

"Bilisan mo!"Tawag ko sa kaniya.

"Bilis pa!"

"Sige kaya mo yan."

Sa katunayan naibato pa namin yung iniinom namin kanina dahil sa pagmamadali. Mabilis naman akong tumakbo tsaka wala akong paki sa baril niya.

Amazona yata 'to.

Naabutan namin yung magnanakaw dahil sa dead end ito napadpad,si Jai sa harap niya at ako naman sa likod. Pero tinutukan niya
kami ng baril at tinakot kami.

Kung hindi pa kami gagalaw siguradong babarilin niya kami.

"Umalis ka sa harapan ko."matigas na pag-uutos nung magnanakaw kay Jairoh.

Hindi sinunod ni Jairoh yung Magnanakaw.

"Aba ayaw mo ah!" Tinutok niya sa akin ang baril tapos binaril ako.

Tanging sigaw na lang ni Jairoh ang narinig ko bago ako mawalan ng malay.

(Jairoh's POV)

"Wala kang karapatan saktan ang kapatid ko!"

"Wahhhhhhh!"

Kung alam ko lang kung ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon.

"Alam ko na!" sabi ko.

"Ånįmålïs Cãrnivørä Vįtüß maniß" I casted.

Agad namang sumulpot ang isang aso at kinagat ang pantalon ng magnanakaw at hinila pero binaril siya ng lalaki.

Sobra na ang kasamaan ng lalaking 'to.

Ramdam ko ang Inis at paginit ng mukha ko dahil sa galit. Dalawa na ang nasaktan niya di ko na hahayang dumami pa lalo.

Petryrxe:Long Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon