Chapter 17: Threads of Shadows

13 1 0
                                    

"The only way for a sprout to grow is to nourish its roots"

Zesia

Hila hila ako ngayon ni Chesca habang tinatahak namin ang isa sa mga pasilyo ng academy.

Ang laki pa talaga nito kasi parang limang minuto na kaming tumatakbo eh di pa rin namin nararating ang destinasyon namin.

Hindi ko rin alam kung saan ako balak dalhin ng bruhildang 'to.

Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib habang pilit hinahabol ang paghinga nang tumigil siya sa tapat ng isang pinto.

May kalakihan ito at tsokolate ang kulay, walang pangalan sa pintuan kaya hindi ko alam kung anong klaseng kwarto ito.

"Bakit mo ba ako dinala dito beh?"

Hindi na niya sinagot ang tanong ko at kinatok na lamang ang pintuan.

Bumukas ito at hulma ng isang lalaki ang bumungad sa aming harapan.Nakapantulog pa ito at tila kagigising lang, bakas pa sa mukha nito ang antok.

Teka kilala ko 'to.

hmm, ano nga ulit pangalan niya?

arghh

Ayun!

"Sir Elton!" Bulalas ko na tila ikinagulat ni Chesca.

"Goodmorning Ms. Luminaire at Ms. Ilnaire, anong maitutulong ko sa inyo?"

Nanlaki ang mata ni Chesca bago tuluyang sumagot. "Magkakilala po kayo?"

Tumango ako "Oo, si sir yung nagligtas sa kin dun sa mga manyak nung first day."

Napangiti na lang si Sir at tila pinipigilan ang tawa.

"Anyway, sir hihingi po sana ako ng tulong." pinagdikit niya ang palad at nagmakawa sa aming guro para sa 'di ko malamang dahilan.

"Anong klaseng tulong?" Tanong ni Sir Elton.

Lumapit siya ng kaunti kah sir at akmang bubulong.

May ibinulong siya na di ko narinig pero parang alam ko na kung ano yun.

Tiningnan muna ako ni Sir Elton bago tuluyang basagin ang katahimikan. " I will talk to your professors to leave a schedule for your trainings. Just wait for the schedule and we'll meet later."

sabi ko na eh.

Tumango na lang kami at nagpasalamat bago tuluyang umalis.

"Hay nako! 'di mo naman kailangang gawin yun, nakakahiya naman kay sir, tsaka kakaiba nga yung kapangyarihan ko diba? pano ako matutulungan ni sir?" Derederetso kong bulyaw sa kanya.

Halos mapatakip na siya ng tenga dahil sa ingay ng bunganga ko pero hnggh nakakahiya naman talaga.

"Magtiwala ka lang kasi, kalma okay?" tumango na lang ako napabuntong hininga.

Patungo kami ngayon sa dining hall para mag agahan.

I saw a bunch of students playing with their Tryrxe. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako.

Petryrxe:Long Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon