Chapter 21: Who?

8 1 0
                                    

"A million stars in the sky yet you shine brightest tonight"

Zesia

Dumating na yung mga pinatahi naming damit. Nakalagay ito sa malaking puting kahon, parang pang kasal ang peg.

Agad naming binuksan ni Chesca yung kahon para tingnan yung mga damit namin.

Mamaya na ang party at excited na kaming dalawa ni Chesca.

Maaga naming inayos ang mga gamit namin para hindi kami magahol mamaya.

"Awieee Excited na ko!!" patiling sabi ni Chesca.

Agad akong nagtakip ng tainga dahil alam kong hindi siya titigil.

At tama nga ako.

Paikot ikot siyang tumili sa kwarto namin habang nakapatong ang purple niyang dress sa harap niya at isinasayaw sayaw niya ito.

"tama na nga!" patawa tawa kong tinakpan ang kanyang bibig.

"Alam mo mag-ready na tayo para mamaya hindi tayo magmadali."

"Awieee ako ready na!" sagot niya na para bang simula pa kahapin ay handa na siya.

"Wehh nakaligo ka na? maniwala naman ako sayo." pagdududa ko rito.

"Oo nga! kanina pang umaga. Amuyin mo pa ko." palapit siyang tumakbo patungo sa akin habang nakataas ang isang braso at pilit na ipinapa amoy sa akin ang kanyang kili kili.

"Hoy leche ka lumayo ka sa akin!" nagtakbuhan kami habang nagtatawanan sa loob ng kwarto.

"Maliligo na muna ako, magbihis ka na!" utos ko rito.

"Masusunod po mahal na reyna." sagot niya sa akin habang nakapatong pa rin ang dress sa harap niya at nagbow na parang isa akong maharlika.

Loka-loka talaga!

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo at habang nagkukuskos ng katawan ay napaisip ako

Bakit kaya di ako inaya ni Zarens?

erase erase erase

Binura ko na lamang ang kung ano anong naiisip ko at tinapos na ang pagligo.

Lumabas ako at nakitang nakabihis na si Chesca ng kanyang casual na damit.

Sinubukan kong gamitin ang anino mula sa aking necklace para abutin ang damit ko at nagawa ko!

Lumutang ito sa pamamagitan ng anino.

"Wow! mukhang bihasa ka na sa paggamit ng shadows mo ah!" pagpuri sa kin ni Chesca.

Agad ko naman itong sinagot. "Nako hindi pa gaano, magpalutang pa lang ng mga bagay at pagkuha ng anino ang nagagawa ko di ko pa masiyadong gamay ito pagdating sa pakikipaglaban."

"Sus! ikaw pa? Kaya mo yan." banat pa nito.

Sinuot ko na ang aking damit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Petryrxe:Long Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon