"Lies covered with lies can never be healed by time, hence it will never be truth"
Zesia
Tuluyang nagliwanag ang aking mata habang nararamdaman ko ang kakaibang sensasyon ng kapangyarihan sa aking katawan.
"Magaling Zesia, mabilis kang matuto." Unti-unting nawala ang pagliwanag sa aking mata at bumalik ang anino sa akin.
Napahinga ako mg malalim habang binabawi ang lakas.
"Ngayon subukan mong kontrolin ang anino ko." Tinitigan ko sa mata si sir Elton dahil sa pagtataka.
Hindi ko alam kung saan magsisimula o kung paano ito gawin.
"Katulad lang din ito ng ginawa mo sa sarili mong anino, ang pinagkaiba lang ay hugutin mo ito sa damdamin ng iba." pinakinggan kong mabuti ang sinabi ni sir at ipinikit ang aking mga mata.
I looked into Sir Elton's inner self and tried to search every vein and every muscle in his body.
finally!
Natagpuan ko ang tila saksakan sa loob nito na kumokonekta sa kanyang itim na kaluluwa- ang anino.
Hinugot ko ito ng buong lakas habang ipinoporma ito sa aking kamay. Dama ko ang pagbagsak ng bawat butil ng aking pawis at kasabay nito ay ang unti-unting pagkaubos ng aking lakas.
hnngh ang hirap...
Pero pinilit ko at sa wakas!
Tuluyang namulat ang aking mata sa isang magandang pangitain, naihiwalay ko ang anino ni Sir Elton sa sarili niyang katawan.
"Magaling Zesia, madali kang matuto at hindi ko inaasahang mabilis mo itong magagawa."
Napangiti ako ngunit bahagyang napangiwi dahil sa tila bigat sa aking pakiramdam. "S-salamat po sa pagtuturo."
"Marami ka pang dapat matutunan pero sa ngayon ayan muna, maari mo nang bitawan ang aking anino." Ibinuka ko ang aking mga palad kasabay nito ay ang tuluyang pagkawala ng liwanag sa aking kamay at mga mata.
Bumalik na ang mga anino namin sa dati nitong kinalalagyan.
"Kailangan mo nang magpahinga." Paalala nito habang iminumwestra sa akin ang daan patungo sa aking dormitoryo.
"Pero may klase pa po ako, hindi po ako pwedeng umabsent." napangiti si Sir Elton sa narinig.
"Sige, sumunod ka sa akin para madali mong mabawi ang iyong lakas."
Sinundan ko si Sir Elton hanggang sa marating namin ang pinakapaborito kong tambayan dito sa Academy- ang infirmary.
Ngayon ko lang napansin ang ganda nito dahil sa tuwing pupunta ako dito ay wala akong malay.
Kulay puti ito at hugis kahon ang kabuuan ng gusali. May malaking pulang krus ito bilang disenyo.
Pumasok kami sa loob at bumungad sa amin si Doc Aira na masayang bumati sa akin.
Parang inaasahan na niya ang pagpunta ko rito. "Oh Zesia andito ka na naman." bahagya siyang natawa bago magpatuloy sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Petryrxe:Long Lost Academy
Fantasy(Under Revamping) Hope you enjoy it! Peace Out ~~~~~~~~ Greetings! Masaya ka naming inaanyayahang mag-aral sa Petryrxe Academy.Kung saan ikaw ay matuto ng mga kakaibang potions, istilo sa pakikipaglaban at higit sa lahat bond ng isang matibay na sam...