Chapter 19: Last Huntress

13 2 0
                                    

"A dog alone can be as strong as a hundred lions"

Zesia

Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kaya hindi rin ako nakinig masyado sa mga naging klase ko.

"Hoy! Nakikinig ka ba? parang kanina pa malalim yang iniisip mo." Gulat sa akin ni Chesca pero imbes na magbigay ng malaking reaksyon ay tumango lang ako.

"Sigurado ka ba? Wala kang problema?" Umiling ako. "Kailangan ko na kasing magbihis, pinapapunta kasi ako ni Sir Elton sa Tribe natin mamaya."

"Ay oo nga pala, lahat ng taga nyx required pumunta."

Napaisip ako kung anong mangyayari at bakit kailangan lahat makakita. "Wehh?" Paglilinaw ko pero tango lang ang ibinigay niya sa akin.

Dumiretso na kami sa dorm para mmagbihis at sabay naming tinahak ang daan papuntang dungeons - ang nyx tribe.

Nakita namin na nagtitipon na ang lahat sa labas ng mahamog na bahay.

Karamihan ay nagtataka at nagtatanungan sa kung anong mangyayare dahil maski ako ay walang alam sa pinaplano ni Sir Elton.

"Tonight! We will witness the mesmerizing culture of the forgotten nyx tribe. All of you shall see how the Nyx tribe was considered the Greatest of all tribes." We saw sir Elton standing at the middle of the crowd as he looked directly into my eyes.

"May I call on one of tribe members, Zesia Luminaire." Agad na umikot ang paningin ng ng lahat ng nandito at tila hinahanap ang aking katauhan.

Napuno ng kaba ang buo kong katawan habang nakapako ang tingin nila sa akin.

Tila nabuhasan ako ng malamig na tubig dahilan upang hindi ako makagalaw sa aking kintatayuan.

Kinalabit ako ni Chesca dahilan para matauhan ako. Dahan dahan akong naglakad patungo sa gitna habang nanatili ang tingin ng madla sa akin.

"Here, you'll see a fellow student of yours turn into a Powerful Shadow Huntress." Banggit ni sir sa pgkakataong narating ko na ang kanyang tabi.

Agad na nagbulungan ang karamihan samantalang napaisip naman ang iba.

Alam ko na kung ano ang pinaguusapan nila, ako yun ay ang pagiging shadow huntress ko.

Dama ko ang pag tagaktak ng pawis pati na rin ang pangingilid ng luha sa aking mata.

Minsan napapaisip ako bat itong kapangyarihan pang ito ang napunta sa akin, hindi ko masisi ang magulang ko kasi hindi ko naman sila nakilala.

Napuno ng itim na awra ang buong tribe at nakita ko na naman ang muling pagliwanag ng mata at kwintas ni Sir Elton.

Napuno ng katahimikan ang bawat isa at tanging mga kakaibang salita lamang galing sa bibig ni Sir Elton ang maririnig.

"Monsters are the real invaders, within the void sit faces of despair. Shadows of sin lurk on every corner, under the dim darkness hides a fearless child."

Unti-unting nagliwanag ang kinatatayuan ko dahilan upang mapa atras ang karamihan. Sinubukan kong humakbang patalikod pero di ko magawa samantalang nabubuo na ang itim na nagic circle sa aking paanan.

Petryrxe:Long Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon