Chapter 20: Bloody Shadows

23 2 1
                                    

"Your eyes will be the center of the darkness tonight"

ZESIA

Nagising ako dahil sa pagyugyog ni Chesca sa akin. Lumabas kami ng kwarto kahit nakapantulog pa.

Hila hila niya ako ngayon at hinayaan ko na lang ito dahil akala ko'y sa dining hall niya ako dadalhin para mag almusal.

Pero nasa field kami ngayo dahil sa di malamang dahilan.

"Bakit ba tayo nandito? mag almusal na tayo!"

"Ehh basta, maghintay ka na lang muna."

Dama ko ang pagdampi ng mainit na araw sa aking balat pero maya- maya pa ay biglang kumulimlim.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng tila malamig na butil sa aking katawan.

"Chesca umuulan pumasok na tayo sa dining ha-" 'di ko na naituloy ang sinasabi ko nang itingala ni Chesca ang aking ulo.

Kahit na mataas ang sikat ng araw ay nasa ilalim ako ng isang ulap na nagbabagsak ng snowflakes. Nagiisnow sa pwesto ko lang.

Kasabay nito ay ang pamumuo ng mga letra sa ulap.

WILL YOU BE MY DATE ZESIA?

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha dulot ng di maipaliwanag na nararamdaman.

Napansin ko ang matatalim na tingin sa akin ng ibang mga babae na nakakita rin.

Hinila ko si Chesca papasok muli ng dorm dala ng kahihiyan.

Jusmiyo!

"Ano ba yun? kanino ba galing yun? Jusmeee"

"Ano ba! kanina ka pa paikot-ikot diyan nahihilo ako sayo. Sino pa bang may kaya g gumawa nun? Edi si Prince Joaquin mo!" gatong ni Chesca na ikinadagdag ng kaba ko.

Aish!

"Kumain na nga tayo!" tinawanan lang ako ni Chesca habang iniayos ang nakahain sa mesa.

Akala ko sa mortal world lang may pagganun dito rin pala, buti na lang tapos na.

or tapos na nga ba?

Nagbihis na kami ni Chesca ng uniform at isinuot ko ng maayos ang aking cloak.

Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay isinuot ko sa aking ulo ang hood ng cloak para di ako makilala ng ibang mga estudyante.

Tinawanan lang ako ni Chesca dahil sa aking ginawa.

Maya-maya pa ay nakalabas ng kami ng dorm at mukhang maayos ang aking pagpapanggap ng biglang-

"Hi Zesia!"

Humangin ng malakas dahilan para matanggal ang nakatalukbong sa akong ulo, at kahit nasa gitna kami ng field na puro damo, lumulutang ang kakaibang mga bulaklak na tila dala ng hangin.

Samantalang nasa harap ko si Brylle na tila nakahover board gamit ang hangin.

"Will you be my date?"

Petryrxe:Long Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon