Chapter 14:Fabulous

56 2 1
                                    

"Beauty is not what it seemed to be"

Zesia

-Tapos tumingin ako sa kabuuan ng lugar at-

at ANG LAKI!

Parang isang malaking field.

Isang malaking field na puro mist, tuyong dahan sa lapag, malambot na lupa at mga tuyong puno.

"We're here."Sabi nung lalaking tinawag kanina.

Napunta kami sa mala-haunted house na bahay.

Nagkatinginan muna kami ni Chesca bago tuluyang pumasok nung bahay.

Maayos naman yung lugar,maraming kama,sofa,television, at iba pa.

Parang isang complete set ng bahay.

"Okay so congratulations to our new members!"

"I'm not that into public speaking so yeah Good luck to everyone.Enjoy yourselves." Pagpapatuloy nito tapos ay bigla itong nawala.

Hinila ako ni Chesca patungo sa pinakamalapit na kama at sabay kaming nahiga.

"Haissst nakakaloka 'to. Una ang creepy ng tribe natin.Tapos weird ng mga tao.Jusmiyo."Puna ni Chesca.

Napailing na lang ako at pinakiramdaman ang malambot ng kama.

"Hoy baguhan! Kama ko yan!"Sigaw ng nakatayong babae sa harap namin.

Agad akong napatayo at napatingin kay Chesca.

Lumulutang ang buhok ng babae sa hangin at lumiliwanag ang kwintas nito .

Agad lumiwanag ang kwintas ni Chesca at lumabas sa gilid namin ang dalawang halimaw at nagwala ito. Agad nagtitili ang babae kasama ang tatlo niyang alipores at tumakbo paalis.

WoW

Unti-unting nawala ang liwanag sa kwintas ni Chesca at nawala na din yung dalawang halimaw.

Ngumiti muna siya sa akin at humiga muli.

"Ang galing mo!"Pagpuri ko sa kaniya. "Di naman"Sabay tawa niya. "tinuro lang yun sa kin ni Madam Aleira para daw sa self-defense"

Nagtawanan na lang kami at nagpahinga.

Di na rin masama.

Maganda naman siya Over-all.

Mukha namang magiging maayos kami.

I wish.

Nagring na ang bell kaya't isa isa na kaming lumabas ng tribe.Gabi na din kaya Dumeretso na kami sa kwarto namin para magpahinga. Argh kapagod.

Noong marating namin ang aming kwarto, agad duneretso si Chesca sa ref para kumuha ng pagkain.Inilabas niya ang isang black forest cake.

Sumubo muna siya ng cake bago nagsalita. "Alam mo besh, Sukatin mo muna yang mga bagong uniform tsaka paabot nga niyang sulat." Nagulat naman ako sa tinuro niya.

Petryrxe:Long Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon