Chapter 8: Blackout

145 5 0
                                    

"Power comes from within, it can't easily be redeemed"

Zesia

Napunta ako sa isang madamong paligid.Hindi ko alam kung nasaan ako pero sa palagay ko ay parte ito ng "Search for my Class"na ginagawa ko ngayon.

Maya-maya pa ay may kumislap sa kaliwa ko kaya napalingon ako.Biglang lumabas ang isang...

HALIMAW!!!

Nag panic ako kaya tumakbo ako ng sobrang bilis.Hindi na ako tumingin sa likod kung malayo na ba ako sa kaniya.

Malayo-layo na rin ang natakbo ko,

sa tingin ko

kayat nagpahinga na lang muna ako at umupo.Tumingin ako sa kanan ko pero parang walang nagbago at pagtingin ko naman sa kaliwa nadun ulit yung

HALIMAW!

huh?

eh kanina pako tumatakbo ah.

Tumayo ako at sinubukan ko ulit tumakbo pero laking gulat ko ng makitang di ako umuusad at tila tumatakbo lang ako sa aking pwesto.

Nakita ko ang anino ng halimaw na natakpan ang sarili kong anino.

Katapusan ko na yata.

Hinarap ko na ang halimaw at tuluyan ko ng nakita ang buo niyang pagka-halimaw.

Siya'y kulay itim,malaki at nag-aapoy.Gagalaw na siya kaya't wala na akong magagawa kundi ang lumaban,di ko pa naman alam gamitin ang powers ko.

eh di ko nga sure kung may powers ba talaga ko eh.Hu may ghad!

Pumwesto ko na para bang mangangarate.yung kanan kamay at paa ko nasa harap.

"S-Sige laban na"Matapang kong pagyaya ko kahit alam kong wala talaga akong laban.

Itinaas ng halimaw ang kanang kamay niya at ibinato ang apoy sa gilid ko na naglikha ng pagsabog.Dahilan ng pagkagulat at pagtalon ko.

"WAHHHH!!!!" Napatawa na lang siya sa reaksyon ko.Napakalaki ng boses niya base sa tawa niya.

Tinaas niya ang isang daliri at nagform ng bilog,hinipan niya ito at sa isang iglap nagaapoy na ang buong paligid ko.

Sobrang init tagak-tak na ang pawis sa buo kong katawan dahilan upang ako'y mapaluhod.

Nakarinig ako ng isang tinig,tinig sa aking isip na nagsasabing..

"Lumaban ka! Use your power!Shadow Girl!"

Tumayo ako kahit na nang-hihina dahil sa init.Di ko alam ang gagawin.

Sumipol ako at umaasang biglang babagsak ang ulan.Ngunit biglang humigin.

Tsk mali.

Lalong lumaki ang apoy halos di ko na rin makita ang halimaw na para bang nakikiblend na siya sa apoy sa paligid ko.

Lagot pano na 'to? Katapusan ko na nga yata.

Petryrxe:Long Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon