Chapter 6:The message

170 11 1
                                    

"Vision died but hope is born"

Zesia

I woke up with someone staring directly in my Face.

Nagulat ako kaya't bigla akong napabangon.

"Uhmm sino ka?" I uttered.

"Mukhang ikaw ang bagong Room mate ko!Hi! Ako nga pala si Si Chesca.Ikaw anong pangalan mo." She answered then asked.

Kitang kita sa kanya ang kanyang Jolly personality and happy go lucky girl.

Sana magkasundo kami.

"Ako Si Zesia.Nice to meet you!"

"Nice Name! Pleasure to meet you too. By the Way nakapagikot ka na ba sa buong campus? mukhang ngayon lang kasi kita nakita eh." Tanong niya.

" Naku di pa nga eh,Pwede mo ba kong samahan?"

"Sure!"

"Bihis lang-" napatigil ako sa pagsasalita ng maalalang wala nga pala kong dalang damit.

"May problema ba?"Tanong niya.

"Ah...ehh wala kasi akong dalang damit."Sagot sabay kamot sa ulo.

Bakit nga ba ngayon ko lang naisip na wala akong dalang damit.

"Naku!di problema yun.Feeling ko magkasukat naman tayo ,try mo na lang yung mga damit ko."Pagaalok niya.

"Ay nako wag na,nakakahiya naman.Siguro uuwi na lang muna ako para kumuha ng damit."

"Uuwi? Hindi tayo maaring lumabas ng campus hanggat di pa tapos ang semestre."Pagpapaliwanag niya.

"Ha?Talaga? mukhang hihiramin ko na nga lang yang damit mo.Pero pangako lalabhan ko at bibili na lang ako ng bago."

"Ewan ko sayo,bahala ka.Bilisan mo na para maaga din tayo makauwi." Litanya nito.

Dali dali akong kumuha ng damit panlabas at nagpalit na ako.At eksakto ang size na para bang sinukat.

"Ayan!Sige tara na bilis marami akong ipapakita sayo."Sabi ni Chesca bago ako hilain palabas ng dorm.

Una kaming naglibot sa aming dorm.Tapos ay ang mga classrooms.

"Yan yung stadium dyan ginagawa yung mga activities na pang buong school."Pag totour nito.

Halos nalibot na namin ang buong school ng may naisip akong tanong.

"Sabi mo kanina bawal tayo lumabas,so paano tayo bibili ng damit?"

"Ano ka ba?Maraming tindahan sa loob ng campus.Meron para sa kagamitan,kasuotan at marami pang iba."Sagot nito.

Ahhh

Dumeretso kami sa isang shop upang bumili ng damit.

Noong una'y di ko maisip kung paano magkakasya ang napakaraming damit sa isang maliit na kwarto na halos kasing laki lang ng mga comfort room.

Ngunit ng pumasok na kami sa loob-

"Ang laki!"

"That's why I love magic!"She uttered.

"huh?"buong pagtataka kong tanong.

"Wala.Tara na."Sagot muli nito sabay hila sa akin papunta sa ladies wardrobe.

---

Marami-rami din kaming nakuha.Patungo na kami sa cashier ng kuhanin ko ang wallet sa bag ko.

Inilabas ko ito at nanlaki ang mata ng makita ang cashier.

kauri ito ni Jessa!

Isang Pixie.

Ano ba talagang mundo 'to?

sa libro  at movies lang ako nakakakita ng ganito pero-

Ahh ewan.

Iniabot ko ang dalawang libo matapos mapunch ang nakpagtataka lang hindi peso sign yung naka flash sa screen.

»TOTAL PRICE: n1500«

"Ahh hindi po kami tumatanggap ng pera ng tao"sabi ng pixie.

"Huh eh?"

"Ako na nga,"sabi ni Chesca sabay abot ng relo nito sa cashier.

"Ano yun?"Tanong ko.

"Ah yun, sa ID kasi nakalagay ang pera dito.Hindi mo ba alam?"Pagtataka ni Chesca

"Dito?Anong ibig mong sabihin dito?Nasa ibang bansa ba tayo?"

"Zesia wala tayo sa ibang bansa,di mo ba alam kung nasaan ka ngayon nasa mundo ka ng tryrxians!"Sagot nito na lalong nagpagulo.

"T-TERYR-XIANS?"


  ~TO BE CONTINUED~

—————————————————————————————————
Hi Guys!

So that's all for this chap.

Votes and comments are highly appreciated.

So yun guys please give this chap a big thumbs up.

At sa mga sumusuporta naman po thank you po sa inyo kung meron man hahahaha.Next Chapter na lang po ulit.And I still accept suggestions and request pede po kayong mag request kung gusto niyong maisali ang pangalan niyo sa story and give his/her characteristics sa comments box.

Petryrxe:Long Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon