Chapter 6

625 28 0
                                    

Chapter 6

Silver Cypress Vallejo ~

" Sinasabi mo bang mahina ang security ng buong academy kaya't nakapasok ka pati na ang babaeng iyon? "

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Sinasabi mo bang mahina ang security ng buong academy kaya't nakapasok ka pati na ang babaeng iyon? "

Bakit ba napaka – init ng ulo ng babaeng to? Tanong sya ng tanong tapos kada sasagot ako ay maninigaw kaagad. May saltik yata ang isang to eh! I mean, hindi lang naman sya ang napapansin kong may saltik. Parang lahat yata sila. Ghad.

" Focus! Wag mo kong pagtawanan dahil baka ikaw ang pagtawanan ko pag nakulong ka na sa Jail of Burdens! "

Jail of Burdens? Ano yon? Tsaka, ba't naman ako makukulong? Eh, wala naman akong ginagawang masama.

" Hindi kita pinagtatawanan. Okay? Iba ang napapangiti sa tumatawa. Isa pa, paulit – ulit ka na lang kasi ng tanong. Di ka ba napapagod? I already answer many times! Bakit hindi mo na lang diretsuhin na kahit anong sagot ko, hinding – hindi ka maniniwala kasi trespassing ako! Di ba? "

Nakataas kilay kong tanong dito. Yun kasi ang tinutumpok ng mga sinasabi nya eh! Ayaw pang sabihin ng matapos na tong kalokohan na to.

" That's right! Buti alam mo! Hindi ka naman pala ganoon kabobo para hindi makaintindi! Kaya – "

" Parang ang unfair naman po nun ate! Tinulungan nya naman po kami sa pagtulong doon sa mga prinsipe. He even helped us to defeat the girl that causes these ruckus! Kaya bakit po – "

" Shut up! Baka gusto mong ikaw ang patalsikin ko? I am the Academy's Student Councilor – Ayumi Mediran. And for all people – the president. That is the main reason kung bakit wala kang karapatang – "

" She has. "

Napatigil kami sa pagtatalo ng biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon si Icon na prenteng nakatingin sa amin. And just for another trivia, kilala ko na rin sila isa – isa. Though, si Icon at Ivan pa lang ang nakaka – close ko. Dalawang araw na rin kasi ang nakalipas magmula ng mangyari ang insidente, buti na nga lang at wala nang sumunod kaya't maayos na naka – recover ang buong academy pati na ang mga nadamay na estudyante. Magaling na rin yung dalawa, ewan na lang dun sa isa. Napaka introvert kasi.

" Pe – Prince Icon! Go – good Morning! "

Parang tupang sagot nito sa amo. Tsk! Pag nga naman talaga. Landi din eh.

" Let's go, guys! Kanina pa namin kayo hinihintay sa cafeteria. Anong oras na din? Tsaka, gutom na kaming lahat. "

Wala pa ni isa sa amin ang nakakasagot dahil sa gulat. I mean, para kasi syang kabute na bigla – bigla na lang lumilitaw. Nadagdagan pa iyon ng bigla ako nitong hatakin patayo sa harapan ni Ayumi. Nahatak ko na rin tuloy yung iba dahilan upang magmukha kaming kadena – magkakarugtong.

Hindi naman sa naiilang ako or what. Ayoko lang kasing maging sikat dahil lang sa kasama ko ngayon ang isa sa mga prinsipe ng buong kontinente, kung hindi dahil sa galing ko. Isa pa, wala sa pangarap ko ang maging artista na halos halukayin ang buo mong pagkato para masiraan. Ganern! Tsaka, isama nyo na tong mga kasama kong babae na sa maikling panahon eh, naging close ko na.

The Brigade of the Destined RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon