Chapter 53
Third Person's Point of View ~
Nagkagulo ang lahat ng malamang malubha ang kalagayan ng Reyna matapos nitong magtamo ng malalalim na sugat galing sa estrangherong umatake sa kanila sa loob ng palasyo. Nagkaroon na rin ng malawakang paghahanap kay Silver sa buong White Continent dahil sa sya ang idinidiin ni Queen Tamara na syang umatake dito. Taliwas naman ito sa paniniwala ng mga naroroon dahil nga ay alam nilang hindi si Silver ang may gamit ng katawang iyon noong gabing nangyari ang pag – atake. King Allen is in rage dahil wala man lamang syang nagawa upang maipaglaban ang kanyang asawa kung kaya't ginagawa nya ang lahat upang makita na ang binata.
Samantalang si Silver naman ay ibinalik nina Dark sa mundo ng mga tao upang doon na hanapin ang mga natitira pang mga bato. Hindi sa mundo ng mga tao nya hahanapin ang mga bato kundi ito lang ang gagamitin nyang paraan upang malaman kung nasaang lugar pa ang iba sa buong White Continent. Isa rin iyong paraan upang hindi sya masundan ni Jhared sa kanyang mga pupuntahan. Hindi kasi gumagana ang linking spell ng mga guardian stone kung higit pa sa mga dimensyon ang kanilang pagitan na katulad na lang ng sa kanila ngayon.
" Ang sarap naman po nito Kuya Silver! "
Natutuwang pahayag ni Gero sa binata. Nasa isang theme park sila ngayon dahil linggo at gusto nya lang din kasing maigala si Gero upang hindi sya mabagot sa paghahanap sa mga bato. Isa pa, minsan lang kasi itong mararanasan ni Gero kung kaya't sinusulit nya na ang paglilibot kasama ang bata.
" Mabuti naman at nagustuhan mo. Wag kang mag – alala, marami ka pang matitikman na masasarap sa mundo namin. "
Sabi pa nya. Hindi nya tuloy napansin ang isang lalaking nagmamadali sa paglalakad papalapit sa kanya.
" Silver! "
Napataas kaagad sya ng tingin sa tumawag sa kanya. Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita si Shiro sa kanyang harapan.
" Sabi ko na nga ba at ikaw yan? Halika na! Sumama ka sakin, kailangan na nating bumalik sa White Continent dahil marami na kaming nag – aalala para sayo. "
Nang hahatakin na sana sya nito ay saka nya mabilis na hinawakan si Gero sa kamay at gumamit ng warping spell dahilan upang makauwi kaagad sila ng mabilis. Hindi na rin naman nakahabol si Shiro. Yun nga lang at nadagdagan ang kanyang pangamba dahil sa maaaring magkita silang muli dito. Baka nga kasama na nito ang iba pa sa mga kaibigan nya eh? Maisip – isip nya.
" Kailangan na talaga nating makita ang Wind at Earth Guardian Stone, Gero. Hindi tayo maaaring magsayang ng panahon para lang sa wala. "
Bigla nyang nasabi sa batang kanina pang naguguluhan sa mga nangyayari.
" Ano po bang sinasabi nyo kuya? Hindi ko po kasi kayo maintindihan eh. Akala ko nga po sasama na tayo kay Kuya Shiro eh. Yun pala, tatakasan lang natin sya. "
Napakamot na lang ng ulo si Silver. Nagdahilan lang kasi sya dito ng magtanong ito sa kanya. Pinipilit na lang nyang libangin ang bata upang hindi ito magtanong pang muli sa ikalawang pagkakataon.
" Maiintindihan mo rin ang lahat Gero, hindi man ngayon pero – "
" Gray Kingdom holds the other two guardian stones which is the Wind and the Earth Guardian Stone. The Wind Guardian Stone is in the peak of the Monk's Mountain Path while the Earth Guardian Stone is inside the Palm Underground Cage! Ikaw na lang ang bahala kung ano ang uunahin nyo! Good luck! "
Hindi na naituloy pa ni Silver ang dapat na sasabihin nya kay Gero dahil sa sinabi ni White. Napatalon pa nga sya sa saya at napayakap na lang sa bata. Mukha ring mapapadali na ang paghahanap nya sa huling bato pagkatapos nito.
" Maghanda ka na Gero, babalik na tayo! "
Elena Scythe Antipuesto ~
Napatayo kaagad ako sa kinauupuan ko dahil muli kong naramdaman ang presensya ni Silver sa buong kontinente. Yun nga lang at hindi ito malinaw dahil paniguradong malayo ang lugar na iyon. Papatayo na sana ako upang puntahan sina Athena ng bigla na lang akong magdalawang – isip kung sasabihin ko pa ba sa kanila ang bagay na ito. Malalaman rin nina Jhared pag nagkataon at mas magandang kami na lang muna ang makaalam dahil ramdam ko na rin ang dating binanggit ng gumamit sa katauhan ni Silver na ginagamit nga lang yata nila kami at iyon ang hindi ko hahayaang mangyari.
" Maghanda ka Amber, aalis tayo mamaya! "
Kinindatan ko na lang ito upang hindi na magtanong pa at mabilis na pumunta sa banyo upang mag – ayos ng sarili. Naligo na rin ako kanina kung kaya't damit na lang na dadalhin ko ang kailangan kong isaayos, maging ang mga gamit ni Amber.
***
Kakatapos lang ng hapunan, ngunit mabilis kaming umakyat ni Amber at nagsabi na lang na masama ang aming pakiramdam upang hindi na marami pa ang tanong. Dumiretso kami sa pinaka terrace ng kwarto namin at saka ko binuksan ang isang magical portal na kayang magdala sa eksaktong lokasyon ng lugar na gusto mong puntahan, maging sa tao o sa paghahanap ng bagay na nawawala.
" Let's go? "
Tumango na lang ito sa itinanong ko ngunit mabilis rin kaming napatigil ng makita sa likuran namin sina Ivan na seryoso ang mukhang nakatingin sa amin kasama ang iba pa naming kasamahan.
" You're leaving then? "
Hindi ko sila pinansin at mabilis na itinulak si Amber papasok sa loob ng magical portal na iyon. Gagawa pa sana ako ng barrier upang harangin sila ngunit mabilis akong kinapitan ng iba at saka kami sabay – sabay na pumasok sa loob ng magical portal na iyon.
" Aahh! "
***
Napapikit na lang ako ng makita ko na ang liwanag sa dulo ng magical portal na iyon. Hindi pa kami noon tuluyang bumabagsak sa lupa ng kusa na lang kaming lumutang sa hangin.
" Dito tayo Ate Scythe! "
Mabilis kaming dinala ni Amber sa isang likod ng malaking bato habang nasa loob ng isang parang bula na alam kong sya mismo ang gumawa.
Boogsh ~
Napalingon kami ng mabilis kung saan nanggaling ang pagsabog ng mga bato, ngunit ganoon na lang ang gulat naming lahat ng makitang nakikipaglaban ng mag – isa si Gero sa isang dosena ng mga White Sulfur Dragons. At ang mga pagsabog ng mga batong iyon ay dahil sa dalawang dragon na tumilapon papunta roon.
What the hell?
End of Chapter 53
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantasyHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...