Chapter 47
Alaine Agatha Tuazon ~
Maagang bumangon ang lahat kahit na alam ko na kami lang ni Gero ang may maayos na tulog. Kahit naman kasi every 4 hours ang palitan, alam kong kulang pa rin iyon upang makapagpahinga sila ng maayos kaya naman ako na ang nagpresentang magluto kanina bago kami umalis sa pwestong pinagpahingahan namin.
Malapit na rin kami sa mismong bungad ng bundok kung kaya't palamig na ng palamig sa aming dinaraanan. Unti – unti na ring nagdidilim ang paligid dahil sa makapal na fog na dahan – dahang tumataklob sa buong paligid.
" Make sure na walang maghihiwa – hiwalay. Hindi natin alam kung ano nga bang panganib ang meron sa Mountain of Ice. Isa pa, hindi naman natin kailangang ibigay ang best natin sa laban incase na may makalaban tayo. Ang kailangan nating masigurado ay ang makuha ang Ice Guardian Stone. Naiintindihan? "
Paunang sabi sa amin ni Silver habang nangunguna sa paglalakad. Hawak nya sa palad si Gero na may hawak na isang Eternal Light. Ito ang tanging liwanag na kayang tumagos sa kahit na ano mang uri ng fog o usok na hindi kayang makapagbigay daan sa kahit ano mang uri ng liwanag na nanggagaling sa kalikasan.
Nakasunod naman sa amin ni Athena sina Jhared at Xander. Gusto daw nilang mahuli upang kung may mangyari mang masama ay sila ang unang makakaalam.
" Were here! "
Isang napakalawak at napakalaking bundok ng yelo ang unang bumungad sa amin. Hindi naman durog ang pagkayelo nya. Sa katunayan, hindi ang paglubog ang magiging problema mo kung aakyatin mo ang bundok, kundi ang dulas nito. Kinailangan pa naming gumamit ng apoy upang sa ganon ay kumapit ang aming mga suot na sapatos sa aming dinaraanan at maiwasan ang pagkadulas. Hindi rin kami gumagawa ng kahit na anong ingay na maaaring makapagsanhi ng mga avalanches.
Nagsimula na kaming umakyat sa bundok. Sa una'y masaya sa pakiramdam dahil makikita mo ang malawak na bundok ng yelo. Hindi naman gaanong malamig sa pakiramdam dahil na rin sa mga suot naming makakapal na damit, idagdag pa ang barrier na binuo ni Silver upang manatili ang init.
" Sandali lang po! "
Napatigil kaming lahat dahil bigla na lang tumigil si Gero sa paglalakad. At dahil sila ang nangunguna ni Silver ay malamang sa malamang na kami kaagad ang makakapansin sa pagtigil nila.
" Bakit Gero? "
Tanong naman sa kanya ni Silver. Hindi sumagot ang bata, sa halip ay nagliwanag ang mga mata nito at saka tumingin sa malayo. Mukhang mayroon syang pinagmamasdan sa malayo dahil hindi nya na inalis pa ang kanyang paningin doon.
" Gero – "
" Kuya Silver! "
0_0
Nagulat na lang kaming lahat dahil sa biglaang pag – atake ng kung ano sa amin. Hindi lang dahil doon, kundi sa ginawang pagharang ni Gero sa pag – atakeng iyon upang hindi matamaan si Silver.
Kusa na lang ding tumulo ang mga luha sa mata ko dahil sa nangyari, hindi naman dahil hindi kami masyadong nakakapag – usap ng bata ay hindi na ito mahalaga para sa akin. Mahalaga na sa amin ang bata na katulad ng ginawa naming pagmamahal para kay Amber. Hindi ko mapapalagpas ang bagay na to, ipinapangako ko yan.
Alexander Ezeckiel San Luis ~
Kitang – kita naming lahat kung paanong bumagsak sa mga bisig ni Silver si Gero na duguan ang likuran. Lalo pa itong nadagdagan ng pangamba dahil kusang naging kulay lila ang kanyang balat na tanda ng isang napakatapang na lason.
" Ge – gero! Gero! "
Hindi makapaniwalang pagtawag ni Silver sa pangalan ng bata. Unti – unti ko na namang nararamdaman ang malakas na kapangyarihang unti – unting nabubuo sa katawan ni Silver. Ang kapangyarihang minsan ko nang kinatakutan sa lakas.
" I never knew na napalakas ang pagbaril ko sa kanya? Well, kasalanan nya rin yan! Sinalo nya ang balang sana ay para sayo! "
Napatingin kaming lahat sa nilalang na bigla na lang lumitaw sa mismong harapan ni Silver. Nakasuot ito ng kulay asul na roba at may hawak na malaking uri ng isang baril, napakuyom tuloy ako ng kamay dahil sa ginawa nya.
" You fucking piece of shit! "
Mabilis na sumugod si Jhared sa nilalang na iyon. Nagpalabas sya ng isang uri ng Space Eater na hinaluan nya ng kaunting presensya ng Dark Guardian Stone. Iba kasi ang lakas nito ng kusa rin itong umatake sa nilalang na iyon. Ngunit katulad ng inaasahan ko, nawala lang ito sa hangin ng malapit na syang matamaan ng pag – atake ng huli.
" Silver! Kailangan na nating madala si Gero sa malapit na pagamutan, pamilyar ako sa ganyang uri ng lason dahil minsan na yang ginamit noon sa bayan namin bago pa kami lumipat sa bago naming tinitirhan ngayon. Kaya bago ka pa magwala dahil sa – "
" Naririnig mo ba ang sinasabi mo? "
Putol sa kanya ni Silver sa malalim na boses. Kahit sya ay napatigil dahil doon, lalapit na sana ako sa kanila ngunit mabilis na sumagot si Athena sa kanya.
" Oo! Gusto ko lang namang makatulong at wag mong pairalin yang galit mo! Ikaw lang ang may kakayahang gumawa dito ng portal pabalik sa – "
" Bakit hindi ikaw ang bumalik para naman may maitulong ka, tutal wala ka namang kapangyarihan – "
Pak ~
Nagulat na lang ako ng bigla na lang sinampal ni Athena si Silver ng napakalakas. Maging sya ay nagulat sa ginawa sa kanya ni Athena, wala na si Alaine sa paligid dahil kasama sya ni Jhared sa malayo na nakikipaglaban sa nilalang na iyon.
" Oo, ikaw na yung malakas! Oo, ako na yung mahina! Ako na yung walang kwenta sa grupo natin, ako na yung palaging walang naitutulong sa ating lahat! Pero wala ka naman siguro sa posisyon para sabihin sakin yan ng harap – harapan! Kayo nga siguro ni Jhared ang nagsisilbing leader ng grupong to pero, alamin mo naman sana yung mararamdaman ng mga kasamahan mo bago ka magbitaw ng kung anong masasakit na salita! "
Umiiyak na sabi nya kay Silver. May kung ano tuloy ang sumakit sa loob ko dahil sa nakikita ko. Shit ka naman Silver! Bakit kailangang si Athena pa ang paiyakin mo ng ganyan? Bwisit!
End of Chapter 47
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantasyHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...