Epilogue

445 16 1
                                    

Epilogue

Isang taon. Isang taon na ang nakalilipas ng mangyari ang lahat sa napakabilis na panahon. Maraming nagbago. Syempre, hindi lang sa taglay nilang mga kakayahan kung hindi sa kanilang relasyon sa isa't – isa.

" Icon! Isa, tigilan mo ko! Nakita mo nang may tinatapos pa kong synthesis na ipapasa bukas eh! "

Naiinis na pahayag ni Cassie sa binata na syang nangungulit sa kanya. Si Cassie kasi ang President ng Science Club kung kaya't karamihan sa mga pinag – aaralan nya ay ang pagbuo ng iba't – ibang nilalang sa pamamagitan ng mga kemikal at kaunting timpla ng enerhiya galing sa mismong gumagawa nito.

" Pwede namang mamaya na yan eh! Dahilan mo na lang yan dahil may kasalanan ka sakin. "

Naiinis ring pahayag ni Icon sa dalaga sanhi upang humarap ito sa kanya ng nakakunot ang noo.

" At ano naman ang kasalanan ko sayo, aber? Hindi nga kita pinagpapapatulan dyan eh! "

Bulyaw naman ni Cassie sa kanya. Hindi na rin nito naitago ang naiiritang pagmumukha para sa binata.

" Nagmamaang – maangan ka pa ha? Nakita ko lang naman kayo nung isa sa mga nerd kanina sa school grounds na naglalandian! Anong tawag mo doon, aber? "

Ginaya pa ng prinsipe ang boses ng dalaga upang mas maging kumbinsido ang kanyang ginawang pag – arte. Napaawang naman ang labi ng dalaga dahil sa sinabi ni Icon.

" Anong landian ka dyan? Brainstorming ang ginagawa namin kanina dahil magaling sya sa creature specialization! Ano ba? "

Bulyaw na balik ng dalaga sa kanya. Ngunit ng kalaunan ay napangisi na rin ang dalaga.

" Wag mong sabihing nagseselos ka? "

Natatawa pang dugtong nito ng makitang namula ang pisngi ng prinsipe. Sa inis tuloy nito ay napatayo na lang ito at tumalikod sa kanya. Magmamartsa pa sana ito paalis ngunit mabilis nya namang hinawakan ang kamay nito.

" Kaibigan ko lang yun! Iba ang kaibigan sa ka – ibigan, kaya wag ka nang magtampo! "

Humarap naman si Icon sa kanya na nakasimangot pa rin.

" Eh, ano ako don sa dalawa? "

Nakasimangot pa rin nitong tanong kay Cassie. Nginitian nya na lang ito at saka ito hinalikan sa tungki ng ilong.

" Nakarami ka na nung nakaraan kaya dyan na lang muna! "

***

Nasa Investigation Center naman si Renz kasama si Deo dahil tugma ang kanilang kakayahan para sa organisasyong iyon. Sila ang mga taong gumagawa ng mga pag – iimbestiga sa mga kaso sa labas ng eskwelahan maging sa loob nito katulad ngayon.

" Isa Renz! Masyadong delikado yung misyon ngayon lalo na at may kinalaman dito ang Black Continent! Babae ka at – "

" Pero kaya kong protektahan ang sarili ko! Hindi mo naman ako kailangang bantayan palagi! Tsaka, ano pa't kasali ako sa 1st Investigation Team ng center kung palagi na lang akong naiiwan dito? "

Napahilamos na lang si Deo sa frustration. Hindi naman sa ayaw nya itong isama pero, mas nangangamba kasi syang baka mapahamak na naman ito at iyon ang ayaw nya nang mangyari pa.

" Basta sasama ako sa ayaw at sa gusto mo! "

Hindi matitibag na desisyon ng dalaga at umakyat ng kwarto. Ngunit bago pa ito makaakyat ng tuluyan ay saka nya isinigaw ang totoong dahilan kung bakit ayaw nya itong pasamahin.

" Hindi mo ba nakikita? Mahal kita, mahalaga ka sakin kaya oras na masaktan ka, doble non ang sakit dito sa puso ko. Ngayon, kung hindi mo pa alam yung bagay na yun, pwes ngayon, alam mo na! Bwisit! "

***

Nasa Circle of Councils naman sina Alaine at Shiro, sila ang namamahala sa mga organisasyon na meron sa loob ng paaralan katulad na lang ng Student Council, mga academic and extracurricular organizations o mga talent clubs.

" Alaine, meron nga palang proposed activities yung isang club na nasa grounds! "

Ani Shiro kay Alaine na nagbabasa ng libro sa loob ng kanilang tanggapan.

" Pakilapag na lang dyan! Pakitawag na lang rin si Axis para ma – check yan! "

Walang tinging sabi nito sa kanya. Napataas tuloy ng kanyang kilay si Shiro dahil sa inasal nito, minsan lang itong hindi mamansin at sa kanya pa. Napa – isip tuloy sya kung bakit?

" Alaine! "

Pagtawag nya sa atensyon nito, ngunit katulad ng nauna ay tanging pag – hmm lang ang isinagot nito. Napatingin rin sya sa suot nitong damit, masyadong balot. Hindi naman malamig ang panahon ngayon?

" May sakit ka ba? "

Tanong na lang nya ng hindi pa rin ito tumitingin sa kanya, natatakpan kasi ng libro ang mukha nito.

" Wala! "

Napakamot na lang sya sa kanyang ulo ng muli itong sumagot ng ganoon, pero nakaisip sya ng kalokohan upang pansinin sya nito.

" Um, sorry nga pala kagabi! I didn't mean to make you cry, but I'm not sorry for what we do! It's amazing after all! "

Tama ang kanyang hinala dahil mabilis nitong itinaob ang libro at tumingin sa kanya ng masama. Doon na lang din nya nakita ang maraming pantal sa ibaba ng kaliwa nitong pisngi at hula nya, hanggang loob pa iyon ng suot nitong damit.

" Hahaha! "

Hindi tuloy nya napigilan ang pagtawa.

" Tatawa – tawa ka pa dyan! Ikaw ang may kasalanan nito! Bwisit ka! "

Naiinis na pahayag naman ni Alaine dito.

" Pero ginusto natin, don't worry! Maganda ka pa rin naman! "

***

Sina Scythe at Ivan naman ang namamahala sa pagsasanay ng mga estudyante sa special class. They were the strongest students aside from Silver and Jhasper last Sport Battle kaya sila ang naatasan dito. Sina Silver at Jhared kasi ang syang namamahala sa Student Council dahil silang dalawa ang nag – top sa Sports Battle na iyon.

" Ang bilis ng panahon, tingnan mo nga naman na ang dating kaaway ko ay syang magmamahal sakin ng ganito! "

Napangiti tuloy si Jhared sa sinabi ni Silver.

" Yep! I never knew that you're the one I'm waiting, the one I am destined to be with! "

Inihiga na lang ni Silver ang kanyang ulo sa balikat ni Jhared at nilaro ang kanilang mga kamay na magkahawak.

" Oo nga, I am destined to be with you and to be with them! We are the Brigade of the Destined Rulers! Ang syang tumapos sa mga taong pumatay sa buo kong angkan at sumira sa katahimikan ng buong mundong to! "

Tumingin ng malamlam si Jhared kay Silver. Alam na rin iyon ni Silver kung kaya't sya na ang kumilos at pinagtagpo ang kanilang mga labi.

Finished.


Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @vindexia

Instagram: @vhinix_10

Tumblr: @vindexia

The Brigade of the Destined RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon