Chapter 17
Third Person's Point of View ~
Hindi makakilos ang lahat dahil sa nasaksihan nila. Ni hindi nila magawang kumurap man lang. Kitang – kita nila kung paano sinakmal ng halimaw na iyon ang ulo ni Silver na hindi man lamang umilag. Bumulwak ang masaganang dugo sa kanilang harapan at dahan – dahang bumagsak ang katawan nitong wala nang ulo.
" Sil – ver! "
Nahihirapang sabi ni Cassie at napaluhod kasabay ni Alai na nakakapit sa kanya. Ang dalawang prinsipe naman ay hindi makagalaw sa kanilang kinatatayuan dahil wala pa ring pumapasok sa isip nila kung hindi ang pagkagulat at pagkabigla sa mga nangyayari.
Isang portal ang lumabas sa mismong harapan nilang dalawa. Doon lumabas si Jhared na ngayon ay pawis na pawis dahil kanina pa nya hinahanap ang presensya ng lalaki.
" Nandito ba si Silver? He said he'd come here to help my brother! "
Hinihingal pa nitong sabi sa dalawa. Hindi naman sumagot ang dalawang prinsipe at walang buhay na itinuro ni Xander ang direksyon kung saan kinakain ng halimaw na iyon ang katawan ni Silver na wala nang buhay. Doon naman sya napatingin dahil dito. Ganoon na lang ang pagkabigla nya ng makitang ang lalaking hinahanap nya ay wala nang buhay at malayang kinakain ng mga halimaw na kanilang misyong tapusin.
" Sil – ver! "
Aniya habang matamang nakatingin sa direksyon nito. Unti – unting nawala ang hanging pumapalibot sa kanila ganoon din ang unti – unting pagkawasak ng mga punong nasa malapit, maging ang ano mang bagay na maaaring mawasak. Doon lang din nagising ang apat at mabilis na tumalon papaitaas dala – dala sina Amber, Scythe, Ivan, Renz at Athena. Alam nina Xander ang nangyayari dahil minsan na nila itong nakitang naging ganito, ito yung mga panahong nawala ang kanyang kapatid.
" You'll pay for what you've done. You shit! "
Walang buhay nitong sabi sa halimaw na hindi man lang natinag sa kanyang ginagawang pagkain sa katawan ni Silver. Mabilis itong sumugod sa halimaw sa abot ng kanyang makakaya. Ganoon rin naman kabilis ang ginawang pagsangga sa kanya ng mga kasamahan nito gamit ang kanilang mga pangil. Hindi naman natinag si Jhared. Sa totoo lang, ngumiti pa nga ito ng nakakatakot sa mga ito at umatake gamit ang kanyang kakayahan.
" Space Eater! "
Pag – atake nya sa mga ito. Nagkaroon ng biyak sa gitna ng kawalan at lumabas doon ang kakaibang bagay na walang hugis. Dahan – dahan itong dumikit sa lupa at kusang nawala ang mga ito kung kaya't mabilis na naglayuan ang mga halimaw sa kanya dahil pinapalibutan na sya ng mga ito kanina.
" Kill them! "
Wala na ito sa sarili dahil sa nangyayari. Ang alam na lang nito ay ang pumatay. Ang patayin ang mga hayop na ito na pumatay sa taong espesyal para sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantastikHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...