Chapter 54

279 15 8
                                    

Chapter 54

Amber Antipuesto ~

Nakita ko sa gilid ng bangin si Kuya Silver na parang may kinukuhang bagay doon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita ko sa gilid ng bangin si Kuya Silver na parang may kinukuhang bagay doon. Ilang saglit lang din ng maisip kong isa iyon sa mga guardian stone. Isa pang magical portal ang bumukas malapit sa kanya na sya rin nyang ikinagulat dahilan upang hindi nya mahawakan ang batong iyon na malapit na sana nyang makuha. Nakakuha na rin sila ng atensyon ng iba pang mga dragon na kinakalaban ni Gero ng mag – isa. Doon ko lang nalaman na si Kuya Shiro pala iyon na nawala ng dalawang araw na syang matagumpay na nakakuha ng bato. Kusa iyong umilaw at saka napasigaw ng malakas kasama si Ate Alaine.

" Aahh! "

Sila ngayon ang syang nakakuha ng atensyon ng mga dragon na iyon dahilan upang sugurin sila nito. Ngunit bago pa ito tuluyang makalapit sa amin ay saka naman humarang ang mga naglalakihang buhawi na gawa sa tubig at yelo dahilan upang maharangan sila. Samantalang, sa kabila namang banda ay hindi makalapit ang mga naroon na mga nilalang na nandito dahil sa itim na bagay na syang bumabalot sa malaking parte na iyon ng bundok.

" Amber! "

Pagtawag sa akin ni Ate Scythe na syang tanda na kailangan ko na namang gumawa ng isa pang lagusan upang makatakas kami sa mga halimaw na ito. Tinanguan ko na lang sya at saka ako bumuo ng isa pang magical portal upang bumalik sa palasyo, ngunit mabilis rin iyong isinara ng isang kakaibang enerhiyang itim na syang dahilan upang makuryente ako ng napakalakas na syang bumuo ng kakaibang portal papunta sa ibang lugar at hindi sa palasyo.

" Gero! "

Bago pa tuluyang pumasok si Kuya Silver sa magical portal na iyon ay mabilis akong kumapit sa laylayan ng kanyang damit dahilan upang mapatingin sya sa akin maging sa iba na nasa likuran ko habang nanlalaki ang mga mata.

" Paanong – "

" Grrr! "

Hindi nya na naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil sa mga ungol ng dragon na kanilang kinalaban ni Gero kanina na syang papunta sa aming direksyon. Ganoon na lang nya iyong iniwasan at mabilis syang pumasok sa loob ng magical portal saka hinila si Gero na syang gumagawa pa ng mga light bolts pangharang sa amin.

***

Bumungad sa amin ang isang kweba na sa pagkakatanda ko ay sakop ng Gray Kingdom, ang bansa na syang pinamumunuan ng Ina at Ama ni Kuya Icon.

" Kuya Silver! "

Napatingin ako sa kinaroroonan nina Kuya Silver at nanlalaki ang mga matang napatakbo sa kanila dahil sa nangyayari kay Kuya.

" Kuya! "

Pagtawag ko dito. Ngunit sinagot lamang ako nito ng isang ungol na syang dulot ng itim na bagay na bumabalot sa kanyang kaliwang braso. Hindi lang sa kanyang kaliwang braso kundi pati na rin sa kanyang kanang bahagi ng mukha na umabot na sa kanyang mata.

The Brigade of the Destined RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon