Chapter 64
Elena Scythe Antipuesto ~
Isang buwan na ang nagdaan matapos ang nakakakilabot na labanang iyon. Nakabawi na rin kahit papaano ang mga bayan na syang napinsala ng matindi. Bumalik na rin sa dati ang ayos ng paaralan kahit na kaunti na lang sa bilang ng mga saber – toothed lion ang natira doon. Hindi naman sa hindi nakakalungkot isipin na marami talaga ang nawala ngunit mapapalitan naman ito ng mga bagong buhay. Ngayong buwan isisilang ang mga batang saber – toothed lion na syang gagawing mga tagapagbantay ng bawat estudyante sa loob.
Kaming buong grupo naman ay nananatili na lamang dito sa loob ng palasyo ng White Kingdom at kung sakaling may pasok kami sa paaralan ay saka kami umaalis upang pumunta roon. Ngayon ko lang rin nalaman na ang mga magulang pala namin ni Amber ay isa sa mga matalik na kaibigan ng Queen Aliyah. Kung kaya't parang itinuring na rin nila kaming mga anak nila. Samantalang si Renz naman ay napawalang bisa na ang kaso sa Jail of Burdens dahil sa katapatang ipinakita noong panahon ng digmaan at kasama rin namin dito sa palasyo. Nasa kanilang bahay naman muna si Athena dahil nami – miss na raw nito ang kanyang ina. Isa pa rin yung big revelation dahil ang tatay nya pala ang isa sa mga kapitan noon ng White Kingdom na hindi na nakabalik pa matapos noong ipatapon sa isang misyon. Abot – abot tuloy ang paghingi ng tawad ng mga Hari at Reyna sa kanya ng malaman nila ito. Si Alaine naman ay nasa labas ngayon ng palasyo kasama si Shiro na namimili. Buti pa ang isang iyon, malaki ang ipinagbago. Hindi na kasi sya maarte katulad ng dati. Ang mga prinsipe naman ay nasa kanilang pagsasanay sa mga oras na to. At sino ang kanilang tagapagturo? Ang Headmaster.
Nandito naman ako sa loob ng kwarto ni Silver at Jhared kasama sina Amber at Gero. Matapos kasi ng labanang iyon sa pagitan ni Silver at August kasama na si Jhared na nakisali ay mabilis silang binalot ng kakaibang itim na bagay na kagaya ng bumalot sa katawan ni Silver noon at tanging nawala lamang ng pinalibutan namin sya ng mga guardian stone. Ngunit hindi na iyon tumalab sa kanila ng sinubukan namin kung kaya't tumigil na rin kami. Sadyang panahon na lang ang makakapagsabi kung kailan ba sila lalabas sa itim na bagay na yan, ang mahalaga ay humihinga pa rin sila at nabubuhay.
" Ate! Pwede po bang samahan nyo na po muna si Gero sa maze ng kaharian? Kanina nya pa po kasi ako kinukulit na tanungin kayo eh! "
Nawala ang atensyon ko sa pagbubulay – bulay ng tanungin ako ni Amber. Napatingin rin ako kay Gero na naka – puppy eyes at mukhang gustong makipaglaro. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Mabuti na lang talaga at nandito ang dalawang batang to. Dahil kung hindi ay baka mabaliw na ko ng tuluyan.
" Bakit hindi ikaw Amber ang sumama ng hindi ka naman mabagot dito kakabantay? "
Tanong ko sa kapatid ko, ngunit napakamot lamang ito sa kanyang ilong at nagwika.
" Eh, Ate! Kayo nga po ang gusto nya eh! "
Napatingin tuloy ako kay Gero ng sabihin sa akin iyon ni Amber. Naka – puppy eyes pa rin ito at nakapang – pray na position.
" Sige na. Kaya mo ba ditong maiwan ng mag – isa muna Amber? Pagbibigyan ko lang itong kaibigan mo! "
Tumango lang naman si Amber at saka ako hinatak ng mabilis ni Gero papalabas. Mga bata nga naman.
Amber Antipuesto ~
Sa wakas, nakaalis na rin sila. Sa totoo po nyan, plano po talaga namin iyon ni Gero kanina pa upang masubukan ko ang natuklasan naming gamot para kina Kuya Jhared at Kuya Silver. Sinara ko muna ng mahigpit ang pintuan upang kung sakali man ay wala sa aking makakakita na ako ang may gawa ng bagay na maaaring makapagpagising sa kanilang dalawa. Huminga pa ulit ako ng ilang beses bago ko itinapat ang magkabila kong mga kamay sa kanilang direksyon at saka pumikit.
" I call the Heaven's above, for I will use the sacred healing style. "
Umilaw ang pareho kong mga kamay atsaka ko dahan – dahang naramdaman ang kakaibang init na nagmumula sa loob ko. Doon ko lang din idinilat ang mga mata ko at nag – focus sa kung paanong lusawin ang itim na bagay na bumabalot sa katawan nina Kuya. Mabagal itong masyado kung kaya't kinakailangan ko pang tatagan ang katawan kong wag bumigay at tumigil upang hindi na mabali pa ang proseso. Kaunti pa, kaunting – kaunti pa hanggang sa tuluyang nawala ang itim na bagay na iyon. Sa sobrang saya ko pa ay hindi ko na napigilang hindi mapatili ng malakas.
Third Person's Point of View ~
Hindi alam ni Amber na ang kwartong iyon ay mayroong mga hearing speakers upang malaman kung sino ang naroon. Dahil sa kanyang pagtili, naging alerto ang lahat at mabilis na nagpuntahan sa kwartong kinalalagyan nila. Mabilis at malalaking hakbang ang ginagawa ngayon ng Hari at Reyna ng White Kingdom, maging ang mga prinsipe ay nag – uunahan pa sa pagpunta sa pamamagitan ng pagtakbo. Sina Renz, Cassie, Alaine, at ang iba pa ay sa pamamagitan ng telepathy system na meron sa buong paligid nito. Mabilis rin silang kumilos at nagbukas ng kanya – kanyang portal upang makapunta kaagad sa mismong kwartong iyon.
Ang ibang mga bansa naman ay naging alerto at mabilis na nagpunta sa White Kingdom upang makibalita kung ano na ang nangyayari sa katawan ng dalawa. Naabutan ng lahat doon na wala nang malay si Amber at wala na ring balot ng itim na bagay ang dalawang binata. Sa halip, nagliliwanag lamang sa kanilang mga pulsuhan ang Dark Guardian Stone samantalang ang kay Amber naman ay sa leeg – ang Light Guardian Stone.
" Amber! "
Bungad kaagad ni Scythe na syang unang nakarating sa kwartong iyon dahil sa light portal na gawa ni Gero habang nasa loob sila ng maze. Kahit na anong yugyog nya sa kanyang kapatid ay hindi ito gumigising kung kaya't nilukuban na sya ng takot sa katawan.
" Amber! Amber! Hindi, hindi! "
Nag – hysterical pa sya dahil ayaw talaga nitong gumising. Mabuti na lang at pinigilan sya ni Gero na syang nagpaliwanag sa kanya kung ano nga ba ang nangyayari.
End of Chapter 64
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantasyHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...