Chapter 31

371 21 0
                                    

Chapter 31

Silver Cypress Vallejo ~

Isang mainit at pamilyar na pakiramdam ang muling bumalot sa buo kong katawan dahil sa pagdaloy ng kapangyarihan ng Light Guardian Stone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang mainit at pamilyar na pakiramdam ang muling bumalot sa buo kong katawan dahil sa pagdaloy ng kapangyarihan ng Light Guardian Stone. This will be the last guardian stone that I must handle inside my body or I will die because of the overwhelming power it gives me.

" Aahh! "

Hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw dahil sa nag – uumapaw na kapangyarihang nararamdaman kong unti – unting dumadaloy sa buo kong katawan. Iba ito sa una dahil ang kalahati ng Dark Guardian Stone ay na kay Jhared kung kaya't hindi ko masyadong naramdaman ang sakit noon. Ngunit ngayon, buo ang kapangyarihan nitong papasok sa buo kong katawan.

" Kuya Silver! "

Napapikit ako ng mariin dahil sa boses ni Gero. Wag ngayon Gero, hindi ka pwedeng lumapit sa akin sa pagkakataong ito.

" Bitaw Ate Cassie! Kailangan nating tulungan si Kuya! Kuya Silver! "

Wala pa sa kalahati ang buo nitong kapangyarihan sa loob ko kung kaya't alam kong matagal pa ang proseso nito. Ang kailangan ko na lang siguraduhin sa ngayon ay ang wag silang makalapit sa kinaroroonan ko.

" Gero! "

0_0

Napalaki na lang ang mga mata ko dahil sa isang mainit na bagay na yumakap sa mga hita ko. Fuck.

Dahan – dahan akong tumingin sa taong iyon na mahigpit na nakakapit sa akin. Kitang – kita ko kung paanong dumaloy ang dugo nito sa kanyang mga mata, maging sa ilong at pati na sa bibig. No. No.

" Ge – gero. A – anong si – sinabi sa – yo ni Kuya? "

Ang nahihirapan ko pang tanong dito, ngunit hindi ito sumagot bagkus ay ngumiti lang ito sa akin ng matamis. Pagkatapos noon ay umubo ito ng dugo. Halos hindi ako panawan ng ulirat dahil sa nakikita ko, nanlalamig na rin ang aking pakiramdam dahil sa nangyayari.

" Wag matigas ang ulo Kuya! Pero po kasi, ayoko pong nahihirapan ka. Ikaw na lang po ang meron ako at mas mabuti po kung ako ang masaktan at mawala kesa sa inyo, wala na rin naman po akong babalikang pamilya hindi katulad nyo na meron pa! "

Kusa na lang tumulo sa mga mata ko ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Napaluhod na rin ako dahil sa nangyayari.

0_0

" Hindi! Hindi! "

Nawala ang mainit na bagay na pumapasok sa loob ng katawan ko kani – kanina lamang at dahan – dahang dumaloy sa katawan ni Gero. Napalayo pa ako ng pisikal dahil sa napakalakas na pwersang tumulak sa akin papalayo. Nang makabawi naman ako ay nasa gilid ko na ang iba kasama si Deo na sugatan habang naka – akbay kay Renz. Ngunit hindi iyon ang mahalaga, ang mahalaga ay ang mailigtas ko si Gero.

I ready the dark force inside my hands as I compose myself from standing. Ito lang ang tanging paraan upang malipat sa ibang bagay ang kapangyarihang iyon na nanggagaling sa Light Guardian Stone. Mabilis akong sumugod dito dala ang inipong itim na kapangyarihang iyon, ngunit hindi pa ako noon nakakalapit ng maayos sa kanya ng bigla na lamang nitong inatake ang katawan ko na hindi ko naman nagawang ilagan dahilan upang mawala ang konsentrasyon ko at tumalsik sa isang gilid.

" Silver! "

Mabilis akong dinaluhan nina Athena at Scythe.

" Okay ka lang? "

Um – oo lang ako sa kanila. Alam kong nalilito sila sa mga pangyayari dahil ito ang kauna – unahan nilang subok na makipagsagupaan sa isa sa mga guardian stone. Ngunit hindi rin kasi ito ang oras upang ipaliwanag ko sa kanila ang nangyayari kung kaya't minabuti ko na lamang na sumagot ng maikli.

" Do you think that you can actually keep me inside you? It will never happen! You have the Dark Guardian Stone? The opposite of mine that's why I ignore you and instead, I chose the boy! "

Nanlilisik ang mga mata ni Gero at alam rin naming hindi sya ang kumo – control sa sarili nya sa mga oras na iyon. Alam kong malaki ang posibilidad na maaaring bumigay ang katawan ni Gero kung magtatagal pa ang kapangyarihan ng Light Guardian Stone sa kanya, pero paano akong makakalapit sa kanya kung hindi pa ako kumikilos ay mabilis na itong nakakaatake sa akin?

" Space Eater! "

Nagpakawala ng parehong mga nilalang si Jhared sa kanyang mga palad upang atakihin si Gero, ngunit katulad ng inaasahan ko, bago pa ito tuluyang makalapit dito ay kusa itong nalusaw na parang mga kandila sa tindi ng init na dumikit dito.

" Dyos na Astrovas! Magbigay galang sa Dyos ng Kayamanan at Kasaganahan – Astrovas! "

Napatingin kaming lahat sa kakarating pa lamang na mga panira. Hindi na namin maisasagawa ng maayos ang plano kung magiging ganito ang laban. Tsk.

" I will make them distracted. Kayo nang bahala kay Gero, and make sure na wala sa kanyang mangyayaring masama! I'll trust you guys! "

Hindi ko na hinintay pa ang kanilang pagsagot at saka ako mabilis na sumugod sa mga ito at paunang pinaulanan ng maraming mga Ice Crystals. Hindi naman kaagad sila nakapaghanda dahilan upang karamihan sa kanila ay matamaan ng mga ito at mapatumba ng mga iyon. Napangiti na lang ako dahil sa aking nasaksihan. Sa kabilang gawi naman ay nakikipaglaban ng sabayan sina Jhared kasama na ang iba pa sa amin kay Gero na tanging kinokontrol lamang ng kanyang kapangyarihan o ng Light Guardian Stone.

" Hindi nyo matatalo si Astrovas! Sya ang pinuno ng sinauna naming lahi kung kaya't immortal sya, wala syang kamatayan sa isang salita! Hahaha! "

Hindi ko pinakinggan ang dada ng matandang to, swerte nga sya at hindi ko sya pinatulan kanina. Pero ngayon na marami na syang ginawa sa amin, hindi na ako magdadalawang – isip pa para pasakitan ang matandang to.

" Magical Silence! "

Isa iyong uri ng spell kung saan pinapahinto nito ang anumang uri ng tunog sa kalaban ng gumawa nito. At pagkatapos ay saka doon lamang magkakaroon ng pagkakataong umatake ng maayos ang gumawa nito dahil unti – unti ring kakainin ng ilusyon na dulot ng spell na iyon ang lakas at buhay ng naatake ng spell na ito.

Hindi na lang ako kumilos sa isang tabi at saka ako naghintay sa maaaring mangyari sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ay kusa itong napaluhod at pagkatapos ay sinundan ng isang malakas na pagsabog.

What a sweet revenge.

End of Chapter 31

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @vindexia

Instagram: @vhinix_10

Tumblr: @vindexia

The Brigade of the Destined RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon