Chapter 24
Silver Cypress Vallejo ~
Nandito kami ngayon sa itinuturing na bahay ng batang kanina naming tinulungan. Isa itong mansyon na sa tingin ko'y pagmamay – ari ng pamilya nila noong nabubuhay pa ang mga ito. Sila yata ang may pinakamalaking bahay sa buong Bayan ng Dandile.
Kanina, habang inaasikaso ni Alaine si Gero – ang batang aming tinulungan kanina – may naikwento sa akin si Scythe tungkol sa bayang ito. Ang Bayan ng Dandile ang natatanging bayan na kilala sa buong mundo dahil sa kanilang matibay at hindi nasusupil na tiwala sa Dyos – si Astrovar – ang Dyos ng Kayamanan at Kasaganahan. Hindi ko naman maiwasang hindi mapataas ng kilay dahil sa titulo ng dyos na iyon, kayamanan at kasaganahan? Baka kahirapan at kamatayan.
" Dito na lang po muna kayo tumuloy! Ito na lang po kasi ang lugar sa bayan na hindi sakop ng epidemya! "
Magalang na sabi sa amin ni Gero. Nilapitan ko naman ito at saka lumuhod sa harapan nya, nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya. Pinipilit nyang maging matibay kahit sa loob nya, gusto nya nang sumuko.
" Alam mo Gero, pwede mo kaming sabihan ng mga nararamdaman mo! Kuya at Ate mo na kami, hindi ka namin pababayaan! At kahit wala na ang mga magulang mo, pwede mo kaming ituring bilang sila! "
Nakangiti kong sabi sa kanya. Katulad ng inaasahan ko, umiyak sya ng napakalakas. Niyakap ko naman sya ng mahigpit dahil gusto kong pagaanin ang loob nya. Sinasabi nya ang pangalan ng mga magulang at mga kaibigan nya na namatay dahil sa epidemya. Kahit ako ay hindi ko mapigilang hindi mapaluha dahil doon. Masyado pa syang bata para maranasan ang ganitong uri ng buhay.
" Wag kang mag – alala. Ipinapangako ko na hindi kami aalis dito hangga't hindi namin natutulungan ang bayan nyo! Ipinapangako namin yan! "
Dugtong naman ni Scythe na umiiyak na rin pala habang nasa tabi ni Alaine na hindi rin napigilan ang umiyak. Naaawa ako sa bata dahil masyado itong malambing at mabait. Hindi ko sya pababayaan, ipinapangako ko yan.
" Ma – maraming salamat po! Nga – ngayon na lang po – u – ulit ako na – nakaramdam na hindi ako nag - iisa! "
Napangiti na lang ako dahil sa itsura nya. Namumula kasi ang mga pisngi nya at ang cute nyang tingnan doon. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling kong kurutin ang pisngi nya.
" Wag ka nang umiyak! Ang cute mo pa naman! "
Biro ko sa kanya dahilan upang mapuno ng tawanan ang buong kwartong iyon.
Renz Cathyrine Dela Vega ~
Isang liwanag ang bumungad sa amin sa dulo ng portal na aming pinasukan. Hindi naman kami nagtagal sa loob ng portal na iyon at lumabas sa loob ng isang kusina.
" Right timing ang pagdating nyo! "
Napatingin ako sa gilid ko, si Alaine. Sa kabilang dako naman ng lamesa ay sina Scythe at si Silver habang may nakayakap na bata sa kanya. Sino naman yun?
" Shhh! Kaibigan namin sila, mababait rin ang mga yan at isa pa – kasing edad mo lang ang kapatid ng Ate Scythe mo! "
Sabi nya sa bata dahilan upang tumingin ito sa amin at ngumiti ng matamis.
0_0
Ang cute.
" Aahh! Ang cute naman ng batang yan! "
Sigaw ko dahilan upang magulat ito at muling magtago kay Silver. Tinaasan naman ako ng kilay ng huli. Nag – peace sign na lang ako at lumapit sa kanila, grabe ang cute nya kasing talaga.
" Hello baby! Wag ka nang matakot kay Ate Renz mo, ang cute mo kasi eh! "
Pagkausap ko sa bata habang nakayakap ng mahigpit kay Silver. Dahan – dahan itong humarap sa akin at ngumiti, napangiti na lang din ako sa kanya at mabilis syang hinalikan sa pisngi.
" Ako nga pala si Ate Renz mo, ito naman si Ate Cassie mo at Ate Athena mo! Then itong batang katabi ni Ate Scythe mo ay si Amber, nakababata nyang kapatid! "
Pagpapakilala ko sa sarili ko at bawat isa sa amin.
" Ako naman po si Gero! "
Magalang nitong pakilala sa amin.
" At bakit nga pala right timing ang pagdating namin? "
Tanong ko kay Scythe.
" Nagkaroon ng malawakang epidemya ang buong bayan! Marami na ang namatay kabilang na ang buong pamilya ni Gero. Kaya naman bukas na bukas rin ay mag – iimbestiga tayo kung ano ang nangyari dito bago lumaganap ang epidemyang iyon. Amber? "
Si Silver ang sumagot sa tanong ko at pagkatapos ay tinawag si Amber na katabi ni Scythe.
" Ikaw ang una naming maaasahan dito, dahil ikaw ang may alam sa mga ganitong sitwasyon. "
Tumango naman ang bata sa sinabi ng huli. Magsasalita pa sana ako upang kamustahin sila ngunit isang ingay ang nakapagpatigil sa akin. Isang kakaibang ingay ang nanggagaling sa labas.
" Paparating na po sila! Mag – magtago na po tayo Ku – Kuya Silver! "
Napatingin kaming lahat kay Gero ng bigla itong magsabi ng ganoon at mahigpit na kumapit sa bewang ni Silver. Napatingin tuloy kaming lahat sa labas ng bintana.
" Barrier of Protection! "
It's Amber again. She's really good at using spells lalo na sa mga barriers na katulad nito. Dahan – dahan akong lumapit sa salamin ng bintana upang tingnan kung ano at kung saan nagmumula ang mga ingay na iyon.
0_0
What the hell is that thing?
Gluttony ~
The corruption is getting bigger. Mas maganda kung ang buong bayang iyon ang tuluyan nyang kainin. It will make him stronger and bigger than before.
" My sweetheart is at its point. Kaunti pa at magagamit na rin kita. Eat them, eat everything you want! "
Mula sa kinalalagyan ko, kitang – kita ko kung paanong lamunin nito ang mga nilalang na wala nang buhay sa labas ng bayan. Ang iba namang kabahayan ay nawasak na at patuloy pang mawawasak ang iba dahil sa buong magdamag na pagkain nito.
Napangiti tuloy ako ng matamis. I never think that this could be very easy for me. After all, getting the Light Guardian Stone from that family is my only goal. Kaunti pa at mararating na rin nya ang bahay na iyon, kaunting – kaunti pa.
Magandang gabi sa lahat.
End of Chapter 24
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantasíaHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...