Chapter 18
King Sandro Monteclaro ~
Hindi makapasok ang isa sa mga guardian ng purgatory dahil may kung anong kapangyarihang pumipigil dito ayon sa kanya. Yun ang mga katagang iniwan nito sa akin matapos makita kung sino ang iniuutos kong kalabanin nya saka umalis.
" Sandro! Ang anak natin! "
Hindi ko kayang nagiging ganito si Aliyah dahil minsan na syang nagluksa ng mawala ang panganay naming si Deo.
" Sandro, Aliyah! "
Pagtawag sa amin ni Lara. Napatingin ako sa itinuturo nya. Mula sa likuran nina Jhared ay mayroong aninong nabubuo. Hindi pa ako noon nakakakilos upang malaman kung ano ito ng bigla na lang sumugod sina Tamara at Allen. Ang mga pangunahing mandirigma noong mga panahon namin.
Third Person's Point of View ~
Mula sa kamay ni Tamara lumabas ang kanyang paboritong laruan – ang isang espadang gawa sa kung anong itim na enerhiya at bungo ang hawakan. Ang kay Allen nama'y isang lance na gawa rin sa kasangkapang katulad ng sa asawa nya.
Tumama ang mga ito sa anino at nagkaroon ng matinis na ingay mula sa pagbabanggaan nito. Napalayo kaagad ang dalawa ng mapansing sa kanila sumugod ang Black Beast.
" Sword of Darkness! Bring me the souls of the demons that hunger for powers! "
Agarang sabi ni Tamara at lumabas sa kanyang espada ang isang itim na usok na syang nilabasan ng mga kaluluwang pasugod na ngayon sa Black Beast. Papalapit na sana ang mga ito dito ng bigla itong mawala na parang bula.
" Paanong? "
Nanlalaking matang sabi nito. Kahit ang iba ay nagulantang sa mga nangyayari, samantalang ang mga estudyante naman ay hangang – hanga sa kung paanong nakikipaglaban ang isang reyna at hari.
Nasagot naman ang tanong nya ng mula sa aninong kanina nilang sinugod ay bigla na lang magbukas ng isang portal. Nagulat pa nga ang lahat ng makita kung sino ito – si Silver – ang lalaking wala nang buhay na hawak ni Jhared.
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantasyHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...