Chapter 19
Third Person's Point of View ~
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang insidenteng iyon. Gising na rin ang dalawa, yun nga lang at hindi pa makakilos ng maayos si Prince Deo sa tagal nitong naging isang Black Beast. Si Silver naman ay ngayon ang labas sa infirmary sa kanilang dorm. Hindi kasi sya pwedeng dalhin sa clinic ng paaralan dahil masyadong maraming tao doon, maaaring dumugin sya doon upang itanong kung ano nga ba ang nangyari ng gabing iyon.
" Gusto mo na ba talagang lumabas? Hindi pa naman tayo minamadali ng Headmaster eh! "
Makailang – ulit na tanong sa kanya ni Cassie. Simula ng mangyari ang insidenteng iyon, naging maalalahanin ito at parang naging magulang sa kanilang lahat. Hindi naman nila malaman kung bakit dahil palagi itong umiiwas sa tanong nila? Kung bakit parang bigla na lang itong naging maalalahanin at naging maalaga?
" May hindi ka sa amin sinasabi? Nararamdaman ko! Pwede ka namang magsabi sa akin, kung nahihiya ka sa kanila! "
Nakataas na kilay na sabi ni Silver dito. Napatigil pa nga ito sa ginagawang pagtitiklop ng mga damit ng huli. Hindi rin nakaligtas sa paningin nya ang pagpatak ng isang luha na nanggaling sa mga mata ng babae.
" Ano ka ba? Nahihiya lang talaga ako nung unang araw na magkakasama tayo kaya medyo mailap ako! Ito naman! "
Nakangiti nitong sabi sa kanya. Napabuntong – hininga na lang si Silver dahil sa ipinapakita ng dalaga.
" Kung hindi ka pa handa, okay lang naman sa akin! Basta't nandito lang kami palagi sa tabi mo! Okay? "
Huli nyang sabi dito bago tumayo sa pinagkakahigaan at dumiretso sa banyo upang doon mag – shower at magpalit ng damit.
***
Hindi naman magkandaugaga ang mga tao sa loob ng White Kingdom dahil sa isang malaking handaang gaganapin doon. Ito ay para sa pagbabalik ng panganay na anak ng mahal na hari at reyna.
" Siguraduhing nakaayos ang lahat ng kawal na magbabantay sa bawat bahagi ng kaharian. Bagama't nandito rin ang bawat heneral ng bawat kaharian dahil dadalo rin ang mga hari at reyna ng anim na bansa ay hindi dapat tayo maging komportable. Hindi natin alam kung kailan sasalakay ang Black Kingdom, kaya't kailangan nating maging alerto. Naiintindihan ba? "
Seryosong pahayag ni General Axe sa mga kawal na maglilibot sa buong palasyo habang dinadaos ang handaan. Hindi nito kasama si General Lee dahil ito ang nakatoka sa mga kawal na magbabantay sa loob mismo ng handaan at maging sa bawat haligi ng palasyo.
Queen Aliyah Monteclaro ~
" Ina, hindi nyo na naman kailangang ipagdiwang pa ang aking pagbabalik? Isa pa, ni hindi ko nga magalaw ng maayos ang mga paa ko eh, paano pa ako makakaharap sa mga taong dadalo doon? "
Nakataas na kilay na sabi sa akin Deo. Napangiti naman ako ng makita ang kanyang mukha. Mula ng araw na iyon, hindi ko na maalis sa mukha ko ang saya. Kumpleto na kaming muli ng pamilya ko.
" Ilang taon kang nawala. Hindi ko hahayaang hindi ka nila kilalanin bilang isa sa mga anak ko! "
Niyakap ko naman ito ng mahigpit at muli ay napaiyak na naman ako. Tuwing mayayakap ko ang panganay kong anak ay hindi ko mapigilang hindi mapaluha, sobrang nangulila kasi ako simula ng mawala sya.
" Maalala ko nga pala, nasaan nga pala si Jhared? "
Tanong nito sa akin ng humiwalay ako sa kanya.
" Paniguradong nasa kaibigan nya ang isang iyon, yung Silver ba yun? "
Nanlaki naman ang mga mata nito ng sabihin ko iyon.
" Kaibigan? O ka – ibigan? Iba kasi ang nakikita ko sa isang yun tuwing kasama nya sya? "
Makahulugang sabi nito sa akin. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga nangyayari sa kanila. hindi ko na nga lang binibigyang – pansin dahil alam kong mabait na nilalang ang batang iyon. Hindi rin naman nagsasalita si Sandro, kung kaya't sa tingin ko ay katulad ko itong hindi pigil sa pagmamahalan ng dalawang iyon.
" Magpahinga ka na nga lang anak! Ang dami mong alam eh! "
Tumawa lang ito sa isinagot ko ngunit di kalaunan ay pumikit rin at di nagtagal ay muling nakatulog. Sa pagkakataong ito, hinding – hindi ko na hahayaan pang mawala sa akin ang isa sa kanila. Ipinapangako ko iyan.
Cassie Delafuerte ~
Dumiretso kaagad ako sa pinaka malapit na banyo pagkatapos makapagbihis ni Silver. Hindi ko na kasi kaya pang pigilan tong pagtulo ng luha ko. Hanggang ngayon ay nandito pa rin yung takot sa puso ko na mawala ulit ang mga taong mahalaga para sa akin. Nandito pa rin yung mga eksaktong pangyayari kung saan nasaktan ang iba sa amin, at hindi ko na muli pang kakayanin pag nangyari pa iyong muli. Minsan na akong iniwan ng mga taong mahalaga para sa akin, at hindi ko na kakayanin pa kung mauulit iyon.
Nagulat na lang ako ng may mga bisig na bigla na lang bumalot sa katawan ko.
" Nandito lang kami, Cass! Hindi mo naman kailangang sarilinin ang lahat! "
" Oo nga! Kung natatakot ka, pareho lang naman tayo! Kaya, wag mong iisipin na nag – iisa ka lang! "
Sina Scythe at Alai. Si Athena naman ay hindi na nagsalita at nakiyakap na lang din. Kita ko pa nga na nakiiyak rin sila eh.
" Alam kong natakot ka! Natakot rin naman kami! At least nagkaroon tayo ng second chance na mabuhay pa? Kaya may chance pa tayo na tulungan ang bawat isa sa mga ganoong uri ng sitwasyon, right? "
Nakangiti habang lumuluhang sabi ni Athena sa amin, lalo tuloy akong napaiyak. Sila lang kasi yung mga taong nakakaintindi sa akin kahit hindi ko sinasabi ang problema ko.
" And try to speak more! Hindi naman kami manghuhula para malaman ang nararamdaman mo? "
Napatingin ako sa pintuan ng banyo, nandoon si Silver na nakangiti sa akin.
" Ayoko lang talagang may nag – aalala para sa akin. Isa pa, baka pagtawanan nyo lang ako pag nalaman nyong natatakot lang ako na maiwan ulit. Kayo na kasi yung tinuring kong bago kong pamilya eh, kaya mahalaga na kayo para sakin. Kaya ang laki talaga nung epekto sa akin nung nangyari doon sa Prison of Darkness! "
Paliwanag ko naman sa kanila ng magkaharap kaming lahat. Lahat kami ay nag – iiyakan na dahil sa mga sinabi ko, ganoon ba ka – drama yung linya ko?
" Don't worry! Malayo pa ang lalakbayin natin, marami pa tayong mararanasan kaya dapat na maging malakas ka! Okay? "
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Silver. Tama naman sya eh, I need to be strong! Stronger than them to protect them and also to protect myself.
End of Chapter 19
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantasyHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...