Chapter 26
Silver Cypress Vallejo ~
Matapos naming maihiga ng maayos si Gero sa kanyang higaan ay saka namin sinimulang gamutin ang iba sa sugat nya. At alam kong hindi sa kanya ang kapangyarihang iyon dahil iba ang nararamdaman ko sa kanya. Not a dark but a light power, something which is warm to feel.
" Kuya, ako na pong bahala sa kanya! Madali na lang naman po ito eh! "
Sabi sa akin ni Amber habang pinupunasan si Gero ng isang uri ng langis na may kakayahang tanggalin ang anumang uri ng itim na mahika na nasa loob ng katawan ng isang nilalang.
" Sige! Babantayan ko na lang kayo! "
Tumango lang naman sya sa akin at hinayaan ko na lang sya sa kanyang ginagawa. Ayoko pa ring lumabas dahil baka makita ko ang mga mukha na ngayon ko lang napagtantong dati ko pa palang kinaiinisan.
Ang mukha ni Ivan na sa una ko pa lang nakita ay kabastusan na kaagad ang ipinakita. How come na hindi alam iyon ng mga kaibigan nya? Ah, oo nga pala! Nasa mundo kasi sya ng mga tao kaya imposibleng malaman ng mga ito iyon.
Si Xander na akala ko nung una ay mabait kahit na tahimik dahil isa sya sa mga tumulong sa akin nung una naming pagkikita ni Jhared. Na kahit matalas rin ang dila ay mapagtitiisan naman. Yun nga lang at hindi ko naman inaasahang nasa loob rin ang kulo. Nakakagigil.
Si Icon na isa pang pa – good impression sa una ang ginawa sa akin kaya nga isa sya sa mga naging close ko. Yun din at nasa loob nga lang ang kulo. Mga lintik na nilalang to, nasa loob lahat ng kulo! Sumabog sana silang lahat.
Si Jhared na sa una pa lang naming pagkikita ay alam ko nang masama ang ugali. Nagawa pa nga akong bastusin di ba? At akala ko rin ay bumait na dahil nga tinulungan nya ako na kuhain ang Dark Guardian Stone, pero mali pa rin pala. Masama pa rin pala talaga ang ugali ng lintik na iyon kahit na anong gawin, kaya naniniwala na ako na bilang na lang ang mga taong may kakayahang tuluyang magbago. Mga lintik na prinsipe to, posisyon lang din pala ang gusto. Edi patayin na nila yung mga tatay at nanay nila para sila na ang pumalit. Bwisit.
Lalo pa akong nanggigigil dahil dumagdag pa yung kapatid ni Jhared na si Deo. Akala ko talaga magkakasundo kami, eh akala ko lang pala talaga! Kung anong sama kasi ng ugali nung bunso nyang kapatid, sa kanya naman yung ugali na kaiinisan mo lang, pang – asar lang talaga ang peg kaya nakakainis.
" Kuya! Wag nyo pong sirain yung lagayan! "
Napatigil ako sa ginagawa ko ng bigla na lang may lumapag na isang pares ng kamay sa mga kamay ko na nakakapit sa bag na dala ni Amber. Nagulat pa ako ng makitang si Amber iyon at umiiling – iling na parang alam na kaagad nya ang iniisip ko.
" Kuya! Naiintindihan naman po kita, pero wag nyo naman pong ibuhos sa mga gamit natin dito ang inis nyo sa kanila! "
Sabi pa nito sa akin. Kaya humingi na lang ako ng paumanhin dahil nakakahiya. Ano ba namang uri ng utak meron ako ngayon? Nagawa pa tuloy akong pagsabihan ng isang bata! Nakakahiya!
Nagkatinginan kaming parehas ni Amber ng maramdaman namin ang isang bulto ng tao na nasa labas lang ng pintuan. Alam kong si Jhared iyon kaya naman inunahan ko na sya bago nya pa mabuksan ang pintuang iyon.
" Subukan mong pumasok sa loob. Sisiguraduhin kong isa ka sa kakainin ng corruption sa labas. "
Nakataas kilay kong sabi sa kanya sa isip ko kahit alam kong hindi nya ako nakikita ay hindi ko mapigilang hindi mapataas ang kilay dahil sa inis na nararamdaman ko sa kanya.
" I just want to help, okay? And to apologize. "
Sumagot rin naman ito. Mukha pa ngang nahihiya at aamin na kaagad na sya ang may kasalanan. Nasa tama naman kasi ako kaya wala syang karapatang magreklamo no?
Sasagot na sana ako sa kanya ngunit isang kakaibang enerhiya ang bigla na lang pumasok sa buong kwarto. Parang bigla na lang tumahimik ang buong lugar, ni ang pagtibok at paghinga ko ay hindi ko marinig.
" Magandang gabi! "
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa isang nilalang na nakangiti sa amin ng nakakakilabot. Mabilis naman akong kumilos upang harangan sina Amber at Gero dahil ito ang puntirya ng nilalang na ito.
" I will never let you touch them with your filthy hands! "
Sabi ko pa dito habang nag – aapoy ang mga mata ko. Ngumiti lamang ito sa akin at doon ko lang napagtantong mismong ako pala ang lumapit sa kapahamakan. Mabilis na bumaon sa sikmura ko ang matatalas nitong mga pangil at malakas akong hinatak papalabas kasama sina Amber at Gero.
She's one of the Purgatory Princesses. Hindi nga lang ako sigurado kung sya nga si Gluttony, the princess with the ability to create any kind of mutant creature using dark matter.
Ibinagsak kami nito sa gitna ng gubat kung saan makikita ang pinakamalaking puno sa buong bayang ito.
" Hindi ko kayo masisisi na mangialam sa mga plano ko! Dahil totoong nandito sa loob ng bayang ito ang Light Guardian Stone. But still, I will never let you have the stone! "
Hindi ko ito pinansin sa kanyang mga dada at mabilis kong pinagana ang time healing ko. Nanlalaki pa nga ang mga mata ko ng sumugod ito sa amin dahilan upang mapapikit na lang ako. Ilang saglit rin akong nakapikit bago ko buksan ng dahan – dahan ang mga mata ko. Ngayon ko malapitang kitang – kita si Amber na sinalag ang pag – atakeng iyon ng prinsesa.
" Ako na po ang bahala sa kanya! Asikasuhin nyo po muna ang mga sugat nyo! "
Hindi pa ako noon nakakasagot sa kanya, ngunit kakaibang uri ng pakpak ang unti – unting nabuo sa kanyang likuran. Hindi kaya –
" Ability Absorption! I summon you – Shiva – the Ice Queen! "
0_0
Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kanya. The ground is massively shaking, mula doon lumabas ang Ice Queen – Shiva.
" At your command my master! "
Magalang nitong sabi kay Amber na nababalutan rin ng kakaibang kulay ng mga kristal. This kid is something like the other girls from the group.
End of Chapter 26
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantasiaHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...