Chapter 1
Silver Cypress Vallejo ~
Tulala – yep, ako yon! Ang dakilang tulala! Kung may kaibigan lang sana ko dito sa loob ng university, edi wow! Jk. Biro lang, masyado na naman kasi akong ma – drama eh! Hindi, ito na talaga! Edi sana, hindi ganito kabagot, kalungkot, at ka – lonely ang pananatili ko dito. Though, unang araw pa lang naman ito ng pasukan! But for sure, mananatili akong mag – isa dito! Bakla na nga, miserable pa! San ka pa? Dito ka na!
*sigh*
Nagdesisyon na lang akong lumabas ng library. Hindi ko rin naman kasi maintindihan yung binabasa ko eh. O sadyang baliktad ko lang syang basahin kaya ganoon? Mabuti nang mag ikot – ikot muna ko. Tutal, first day pa lang naman ng pasukan para sa school year na to, getting to know each other pa lang ang level. Wala rin naman kasing klase dahil nagkaroon ng urgent meeting ang lahat ng faculty teachers, o di ba? San ka pa? Unang araw pa lang ng pasukan pero may meeting na! Sarap buhay!
Dumiretso na lang ako sa field, balita kasi noong nasa labas pa ako, isa ito sa mga asset ng university grounds, matingnan nga.
***
" Wow! "
Nasabi ko na lang ng mabungaran ko ang buong lugar. Just wow! Daig pa ang luneta o kahit anong park na napuntahan ko na, na nasabihan ko ring maganda. Masyadong refreshing ang paligid na nakakadagdag sa ambiance ng buong lugar. Bukod doon, may mga provided benches naman na nasa lilim ng mga puno na nakapalibot sa buong paligid. At dahil sa lawak nito, hiwalay ang field ng mga varsity kung saan sila pwedeng makapaglaro, iba rin ang pagkaka – ayos ng benches doon dahil bukod sa mas mataas ito kaysa sa field na kinatatayuan ko, mas pinabongga pa ito ng sampung beses sa kahit anong sports field na nakita ko sa labas ng syudad. Talagang maipagmamalaki nga naman ito ng buong university.
Napagpasyahan kong pumwesto sa liblib at dulong parte ng field. Bukod kasi sa mas mahangin at malilim dito kaysa sa mga benches na nakapwesto sa bungad nito ay isa pang dahilan, ay sa paniniwala kong ang mga ganitong lugar ang pinaka – safe sa lahat. Hindi kasi pansinin ang paligid at paniguradong walang magtatangkang dito tumambay o pumunta para magpahinga kagaya ko, kaya't alam kong safe ako in – case na makatulog ako o makaidlip kahit panandalian lang.
Mabilis akong pumwesto sa may kalakihan at kahabaang bench na malapit sa akin, ginawa kong sapin sa likuran ang dala kong extra shirt at inunan ko naman ang backpack ko.
Pa – idlip na sana ako ng mapadako ang paningin ko sa itaas ng punong lumililim sa parte ng pinagpapahingahan ko. Isa itong tree house sa pagkakaalam ko, yung parang katulad ng nasa probinsya namin.
At dahil mahilig ako sa mga adventure, hindi ko na ipinagpatuloy pa ang pagtulog. Sa halip ay hinanap ko na lang kung papaano makaka – akyat sa itaas nito.
Hanggang sa mapakapit ako sa isang baging di kalayuan sa punong iyon. Doon ko na lang rin napagtanto na ito ang akyatan dahil sa karugtong nitong hanging ladder, yung parang sa mga helicopter.
BINABASA MO ANG
The Brigade of the Destined Rulers
FantasíaHighest Rank Achieved in Fantasy: #147 Added Ranks: #1 in haveyouseenthisgirl, #17 in fight, #42 in adventure, #76 in fantasy, #91 in fiction Cover By: @YumenoKiseki Mahirap gawin ang pagtitiwala ngunit mas mahirap intindihin ang sinasabi ng puso...