Chapter 63

265 15 0
                                    

Chapter 63

Silver Cypress Vallejo ~

Nang matalo na ang lahat ng prinsesa ng purgatoryo ay saka ko binalikan sina Jhared kasama ang ibang mga Hari at Reyna ng bawat bansa na nakikipaglaban kay August

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang matalo na ang lahat ng prinsesa ng purgatoryo ay saka ko binalikan sina Jhared kasama ang ibang mga Hari at Reyna ng bawat bansa na nakikipaglaban kay August.

" He's using too much dark ancient mastery. "

Aniya ng itanong ko kung bakit sila nasa malayo habang si August naman ay nakaupo lang sa himpapawid. Darkness huh? Well then, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo kung ako ang kakalabanin mo. After all, I have the rights to kill you after you kill my clan.

" Dark Matter! "

Napansin nya yata ang kakaibang bagay na lumabas sa mga kamay ko kung kaya't mabilis syang nakailag sa aking mga alaga. Ngunit hindi naman ganoon kadali ang pag – iwas sa mga ito. It will never stop until they get what they want, and that is to hurt that man.

" Silver! "

Pagtawag sa akin ni Queen Aliyah. Nakasuot na ito ng kanyang damit pandigma na makikitaan kung ano taglay nyang kapangyarihan na hindi ko alam na sya palang kanyang kapangyarihan.

" Mapapagod ka lang kung patuloy mong gagawin ang bagay na yan. Back then, they were defeated using the Triad Technique. "

Alam ko ang bagay na iyon, pero hindi na ito ang panahon noon. Alam kong alam na nila kung paano iyon mababali dahil mismong mga ninuno ko ang gumawa ng bagay na iyon. Napakagat labi na lang ako ng maisip na tama ang Reyna, pwede ring maubos ang lakas ko kung patuloy ko itong gagamitin. Shit.

" Silver! "

It's Jhared. Tiningnan ko lang sya ng seryoso at pagkatapos ay muling bumalik sa atensyon ni August na syang umiilag lamang sa mga alaga ko.

" Open – Gate of the Fire Beast! "

Napalingon kaming lahat kay Queen Eliza – she is a portal creator. Isang higanteng halimaw na leon ang lumabas mula roon na may kakaibang mga balahibo. Ang balahibo nito ay nagbabaga na parang sa bulkan.

" Ability Booster! "

Napalingon kami ng sabay – sabay sa ibaba ng marinig namin ang boses na iyon, ang boses ng Headmaster. Kasama nya ang iba sa mga estudyante maging ang kalahati yata ng populasyon ng mga saber – toothed lions.

" King Felizar! "

Pagtawag ko dito. Nag – anyo ang mga ito ng tao sa pagtawag kong iyon atsaka ako kinawayan tanda ng pagbati.

" At ano namang naisipan ng mga yan na pumunta rito? Magiging pabigat lang sila sa atin pag nagkataon! "

Giit kaagad ni Queen Tamara. Ngayon ko lang talaga napatunayan na masama ang ugali ng isang to. Bwisit.

" Lolo! What are you doing here? "

Tanong kaagad ni Jhared sa Headmaster ng makababa sya. Yun nga lang at hindi namin namalayang wala na pala ang mga alaga ko dahil unti – unti na itong kinain ng kapangyarihan ni August. Mabilis naman ang kilos ni King Sandro at King David upang protektahan ang dalawa na syang nakapagpaatras kay August. Hindi na lang din ako nagsayang pa ng oras at mabilis syang inatake ng isa laban sa isa.

" Poison of Hell! "

" Cursed Runes! "

Nilamon lamang ng mga buhay na spells na iyon ang hangin na galing sa mga kamay ko. Doon ko lang talaga napatunayang may ibubuga ang isang ito.

" Dark Mastery Level 1! "

" Barrier of Infinity! "

Gumawa ng malakas na pagsabog ang banggaan ng dalawang iyon. Hindi naman ito naging hadlang upang maatake ko sya sa gitna ng usok.

" Kitang – kita ko sa mga mata mo ang ina mo. Naaalala ko tuloy ang mukha nya matapos kong tapusin ang buhay ng ama mo! Hahaha! "

Third Person's Point of View ~

Ang kanina pang pinipigilang mangyari ni Silver ay naganap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang kanina pang pinipigilang mangyari ni Silver ay naganap. Muli syang binalot ng kanyang kapangyarihan at mismong kumokontrol sa kanyang katawan. Lumabas mula sa likuran nya ang napakalaking mga pakpak na nahahati sa itim at puti. Ang kaliwa ay itim at ang kanan naman ay puti. Nagkaroon rin sya ng mga sungay na katulad ng sa kanyang pakpak, maging ang kanyang kasuotan ay naiba rin.

" Aahh! "

Sigaw nya dahilan upang mapatakip ng tenga ang lahat kasama si August. Ngayon nya lang rin kasi nasaksihan kung gaano kalakas ang totoong kapangyarihan ng may hawak ng Creation Stone.

Ilang sandali pa ay tumigil rin ang katawan ni Silver ngunit nandoon pa rin ang kakaibang enerhiyang inilalabas nya.

" Ito pala, ito pala ang totoong kapangyarihan ng bato! Hahaha! "

Nababaliw na sabi ni August habang lumalapit sya sa kinaroroonan ni Silver. Naging mabilis lamang ang pangyayari dahil nakita na lamang ng mga Hari at Reyna na wala nang mga braso si August. Tulala na rin itong nakatingin sa kawalan matapos mangyari ang bagay na iyon. Doon lang nila nakitang hawak – hawak ito ng mala – halimaw na kamay ni Silver. Nakangiti rin ito ng nakakakilabot, daig pa ang malademonyong anyo ni Queen Aliyah.

" Ku – ya Sil – ver! "

Nahihirapang saad ni Gero sa kanyang kinikilalang kuya. Hindi naman natinag ang huli at nagpatuloy lamang sa pag – atake sa lahat ng makikitang kalaban. Wala itong sinasanto at walang itinitirang buhay.

" Ganyan nga! Ipakita mo ang totoong kulay ng Creation Stone! "

Nababaliw naman na saad pa ni August kahit na wala na syang mga braso. Hindi na iyon pa pinalampas ni Queen Aliyah at pinagpira – piraso ang kanyang katawan na sya ring tumapos sa buhay ng pinuno ng Vector Clan.

Dahan – dahan namang lumapit si Jhared kay Silver habang nakatigil ito sa himpapawid at nakatulala.

" Jhared! "

Malakas na pagkakasigaw ni Queen Aliyah sa kanyang anak. Alam nyang delikado ang kalagayan ngayon ni Silver lalo na at wala ito sa katinuan. Doon naman nagulat si Silver at mabilis na inatake si Jhared.

" Jhared! "

Muli pang sigaw ng Reyna. Hindi naman nagpumiglas si Jhared sa mga kamay ni Silver at hinayaan lamang nya itong atakihin sya. Hanggang sa ito na lang din ang mapagod sa kakasuntok at kakabugbog sa kanyang katawan.

" Ku – ya Jha – red! "

Umiiyak na tawag ni Gero kay Jhared. Hudyat na rin iyon upang mawala sa kapangyarihan ng Creation Stone si Silver at bumalik sa dati ang kulay ng kanyang mga mata.

" Jha – jhared! "

End of Chapter 63

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @vindexia

Instagram: @vhinix_10

Tumblr: @vindexia

The Brigade of the Destined RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon