Chapter 11

476 27 1
                                    

Chapter 11

Jhasper Jhared Monteclaro ~

Ilang araw na ang lumipas simula ng magkamalay ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang araw na ang lumipas simula ng magkamalay ako. Pero ang isang ito ay wala pa rin yatang balak bumangon sa pagkakahiga dito sa loob ng aking kwarto. Oo, dito sya dinala ng mga kasamahan namin matapos kong mawalan ng malay. Takot na lang daw nila sa akin kung sa infirmary nila kami dinala. Alam na rin ni Lolo ang tungkol sa unang guardian stone. Tuwang – tuwa pa nga ang loko, hindi man lang inalam kung ano ang lagay namin. Yung tungkol naman sa mga saber – toothed lion, sila ang inatasang magbantay sa buong eskwelahan tuwing gabi at pagdating naman ng umaga ay namamalagi sila sa loob ng secondary gym.

" Any changes? "

Napatingin ako sa taong nagsalita – si Ivan. Hindi sya sa akin nakatingin pero ramdam ko ang pag – aalala sa kanyang mga titig para kay Silver. Napailing na lang ako sa naiisip.

" Wala pa. "

Maikli kong tugon at ibinalik ang atensyon sa natutulog na si Silver, napakaamo talaga ng mukha ng isang to. Hindi halatang ganoon kalakas ang taglay nyang kapangyarihan kung tutuusin ngunit ng mga sandaling iyon, sa loob ng gubat ay doon ko lang naramdaman ang matinding kilabot na minsan ko lang maramdaman – ang kilabot na sanhi ng walang kapantay na kapangyarihan.

Ngayon alam ko na, na kaya hindi ko magaya ang kapangyarihan nya ay dahil sa mas malakas pa ang kaya nyang gawin higit sa akin.

" Pwede ka naman munang magmeryenda, ako na muna ang magbabantay sa kanya kung gusto mo? Tutal, maya – maya ay pupunta rin dito ang buong grupo upang kamustahin ang lagay nya. "

Bigla nitong sabi sa akin dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Wala na ngayon ang mga paningin nya kay Silver kundi nasa akin na.

" It's okay. I ate too much a while ago kaya busog pa ako. "

Pagtanggi ko sa alok nya. hindi sa ayokong hindi mag – meryenda pero may kung ano sa loob ko ang nagsasabing wag akong umalis sa tabi ng lalaking to kaya umayaw ako sa inalok ni Ivan sa akin.

" Okay. "

Maikli nyang sagot sa akin. Doon ko lang narinig ang pagsara ng pinto tanda ng pag – alis nya sa loob ng kwartong ito.

Silver Cypress Vallejo ~

Silver Cypress Vallejo ~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Brigade of the Destined RulersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon